CHAPTER 24

79 1 0
                                    

CHAPTER 24:

-xxx-

AMARA'S POV

Hinay-hinay ko namang ibinuka ang mga mata ko. Hindi ko na din alam kung anong nangyari dahil ang alam ko ay nandilim lang ang paningin ko.


"What happened?"mahinang tanong ko at dahan-dahang bumangon.

Tinulungan naman ako ni Kim tumayo ng maayos. "Nahimatay ka kahapon. It's been a day since you've fainted. Mabuti naman nakabawi ang katawan mo sa pagpahinga."masayang saad niya.


Totoo nga ang sinabi niya. Nawala ang pagkahilo ko at my energy is back. Pero that doesn't mean okay na okay na ako. Siguro nagreregenerate pa rin ang katawan ko kaya hinang-hina pa ako.


"It's been a day?"takang tanong ko.

"To be exact, 22 and a half hours kanang tulog."saad niya.

"I'm sorry hindi pa natuloy 'yung lakad natin."malungkot na saad ko.

"No need to be sorry."saad niya sa akin.

"Teka, sabi mo halos isang araw na akong tulog. You mean ikaw nag-alaga sa akin at saka hindi ka bumalik sa dorm niyo?"tanong ko sa kaniya.

"Yup. Ako bumantay sa'yo pero ang Mama mo ang nag-alaga sa'yo kagabi. She also paid the bills. Umalis ang siya kasi maglakad daw siya."sagot naman ni Kim.

"Paanong si Mama? Eh saan naman kukuha ng pera 'yun?"kunot-noong tanong ko.

Kim just shrugged his shoulder. "Also, alam na nila Vinci, Managernim at Sir Henry ang nangyari sa'yo kaya they proposed na you don't need to go to work in a week. Kailangan mo muna magpahinga ng maayos."saad niya.

"Per--"pinutol niya ako.

"No more buts. Magpahinga ka lang ulit dahil aalis kana mamaya."saad niya at tumayo.

"I'll be back may practice lang kami. Just stay there at makinig ka sa doktor. Bye."paalam ni Kim bago ito lumabas.


Napabuga naman ako ng hangin bago humiga ulit sa hospital bed. Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan ko kung may message ba pero wala eh.

Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Hindi niya ba ako binisita man lang? Tanong ko sa isipan ko. Ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa side table at malalim na huminga. Naiinis ako sa kaniya. Talaga bang wala lang ako sa kaniya? Iyan talaga ang tumatakbo sa isipan ko. Wala din naman akong magawa dahil wala naman kaming label at isa pa hindi nga alam niya ang nararamdaman ko eh.

Pinahid ko nalang ang namumuong mga luha sa pisnge ko. Ang OA ko naman.

*****

"Ito na bagahe mo."sabi ni Mama at tinulungan akong ilagay sa taxi.

"Magpakabait ka doon."dagdag na paalala ni Mama.

"Oo naman, Ma. Una na ako. Mamimiss ko kayo. I love you, bye."paalam ko bago pumasok sa loob ng taxi.


Ngayon ang araw ng variety show nila kaya naman ay aalis na ako papunta sa headquarters nila dahil doon susunduin kami ng bus na gagamitin namin. Mahigit isang linggo na pala ang lumipas simula noong na-ospital ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig kay Kyler. Kahit kamusta niya lang ay talagang wala. Nitong nagdaang araw ay nasa bahay lang ako at kasama si Synthia. Si Kim naman ay oras-oras akong kinakamusta at kung nagpahinga ba ako ng maayos.

By Your SideWhere stories live. Discover now