CHAPTER 30

74 1 0
                                    

CHAPTER 30:

-xxx-

Tinawagan naman kami ni Sir Henry kaya mabilis pa sa mabilis ay agad kaming nagmamadaling bumalik sa Manila. Nakasakay na kami ng eroplano at hinihintay nalang naming lumapag ito.


Mabilis naman ang oras dahil nandito na kaming dalawa ni Kim kasama si Managernim sa opisina ng Sir Henry naka-upo. Kanina pa ako lunok ng lunok.


"Mind if you'll explain this?"kalmadong tanong ni Sir Henry.

"Actually, that's---"hindi natuloy ang sasabihin ni Managernim ng biglang nagsalita si Kim.

"It's true that I like her pero that picture, we just ate. Oo, aminin ko mali ako pero walang kasalan sina Managernim at lalong-lalo na si Amara."deretsong saad ni Kim.

"Kim..."suway ni Managernim.


Nakatingin lang ako kay Kim dahil hindi ko akalain na masasabi niya iyon pero mas lalo akong natatakot sa pag-amin niya.


"Is that true?"tanong ni Sir Henry.

"Just punish me. I was the one who let him do whatever he wants."tayong saad ni Managernim.


Tinignan lang siya ni Sir Henry pero bumalik lang ang tingin nito kay Kim. 


"Hindi pa 'to umabot sa management mo sa Korea pero kalat na kalat na dito sa Pilipinas. Tell me, do you have a solution?"kalmado ulit na tanong ni Sir Henry.

"One-sided lang naman po siya. I like Amara pero hindi niya ako gusto at isa pa po. I'll release a public statement to clear all allegations po."saad ni Kim.

Tumingin naman sa akin si Sir Henry kaya natakot naman ako. "Totoo ba ang sinasabi nito? You don't like him?"

Napalunok naman ako. "O-Opo."mahinang saad ko at nakita ko naman si Kim na mapait na ngumiti.

"That's good to hear. Settle this problem at isa pa, 'wag na 'wag kang magkamaling magkagusto sa isa sa kanila or you'll face bigger consequences."saad nito sa akin.

"Ms. Abalos will make a public statement, sabihin mo sa kumain lang kayo pero sumunod ang ibang members at ang Manager. Don't post or say na gusto ka niya."dugtong pa nito.

Mahina naman akong tumango. "Okay, now leave."madiing saad nito kaya lumabas agad ako.


Palabas ko sa opisina ay paulit-ulit akong bumuga ng hangin. Nakakatakot makitang kalmado si Sir Henry dahil alam ko na galit na iyon sa loob-loob niya.

Umuwi naman ako ng bahay dahil pagod na ako at mamaya ay magpublic statement ako sa lahat ng social media ko. Palabas ko sa taxi na sinasakyan ko ay nakita ko naman na may lalaking nag-aantay sa labas ng gate habang naka mask at cap. Sa pormado palang alam ko na si Kyler iyon. Nilapitan ko naman siya.


"Kyler, bakit ka andito?"takang tanong ko.

"Are you okay? Pinagalitan ka ba? Did they terminate the contract?"tanong nito sa akin.

Mahina naman akong umiling. "Pumasok muna tayo sa loob dahil baka may makakita sa'yo at another issue na naman."saad ko at hinatak siya papasok ng bahay.

By Your SideWhere stories live. Discover now