CHAPTER 38

53 1 0
                                    

CHAPTER 38:

-xxx-

Kakauwi ko naman sa bahay. Hindi kami gaano nakapag-usap o magka time man lang ni Kyler dahil sobrang busy nito. Buong araw kasi ang shooting nila pagkatapos nag wrap-up party sila pero umuwi nalang ako kaysa naman sa magsaya. Nagpaalam naman ako sa iba.

Nagtaka naman ako dahil kitang-kita dito sa labas na balisa si Mama at sinarado ang lahat ng mga bintana pati na ang mga kurtina. Kaya naman dali-dali akong pumasok.


"Anong nangyari, Ma?"tanong ko agad pagkapasok.


Lumapit agad sa akin si Mama. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Okay ka lang, anak?"nag-aalalang tanong niya.


Hinawakan ko naman ang magkabilang braso niya upang pakalmahin siya. Bumuga muna ako ng hangin bago siya kina-usap.


"I'm okay, Ma. Sabihin mo nga sa akin anong nangyayari sa'yo."saad ko.


Umupo naman siya sa sofa namin. Kaya naman ay umupo na din ako at hinarap siya. Hindi siya tumingin sa akin pero nag-uunahang tumulo ang mga luha niya.


"Anak, may ipagtatapat ako sa'yo..."panimula nito kaya't hindi na ako nagsalita at hinintay lang siya magsalita.

"Nakita mo naman siguro ang sasakyan na kulay itim sa labas..."saad nito.


Napa-isip naman ako. Tama nga may sasakyan na kulay itim sa labas.


"Tauhan ito ng Ama mo, nahanap niya tayo..."iyak nitong saad.


Niyakap ko naman si Mama dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko para man lang tumahan siya.


"Kaya minsan ay kay Tita Beth mo ako nakatambay dahil ayoko na malaman kung sino o nasan ka."hikbi nitong saad.


Napabitiw naman ako sa yakap niya ng marinig ang sinabi niya.


"Ibig niyo pong sabihin ay hindi alam ng Papa ko na buhay ako? I mean hindi niya alam ang buong existence ko?"gulat na tanong ko.


Mahinang tumango si Mama. Gulat na gulat ako sa mga naririnig ko.


"Panahon na siguro para malaman mo..."saad ni Mama at humarap ito sa akin.

"Your father never left us. I left him. Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako sa kasinungalingan ko sa'yo."garagal na boses ni Mama kaka-iyak.


Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko dahil sa gulat at pagkalito sa mga narinig ko.


"H-Hindi totoo na i-iniwan ta-tayo ni Papa para sa i-iba?"utal-utal na tanong ko.

"No. May halong katotohanan iyon dahil kasal ang Papa mo sa ibang babae."paliwanag ni Mama.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon