CHAPTER 60

13 1 0
                                    


CHAPTER 60:

-xxx-

Matagal natapos ang meeting naming kaya medyo gumabi na ng lumabas kaming dalawa ni Dave. Umaambon na din, na parang ilang minute ay uulan na.

Kasalukuyan na kaming pabalik ni Dave sa kompanya. Siya ang nagmamaneho habang ako ay nakatingin lang sa labas. May nakita naman ako na isang bakeshop kaya biglang umaliwalas ang mukha ko.


"Pull over mo Dave."saad ko sa kaniya.


Nagulat naman siya sa itinugon ko kaya medyo natagalan siya sa paghinto ng sasakyan.


"Bakit?"takang tanong nito sa akin.

"Wait me here."saad ko at lumabas sa sasakyan.


Pumasok na ako sa bakeshop na nakita ko. Napangiti naman ako sa nakita ko na nakahelera na cakes.


"Can I get this one? Red Velvet cake."saad ko sa counter.


Tumango naman ito sa akin. Sa tatlong pananatili ko dito sa Korea ay aminin ko man na kahit madali lang aralin ang lengwahe nila pero mas komportable pa rin ako sa KongLish o Korean-English kaysa sa pure Korean lang.

Nabigay naman sa akin ang order ko. Isang bento cake lang siya na red velvet flavor. Gusto ko siyang ibigay kay Kyler. Naalala ko kasi sa kasal ni Mama at Appa, mukhang nasarapan siya sa cake kasi naka-ilang balik na siya. Bumalik naman ako sa kotse ng naka ngiti.


 "Bumili ka lang ng cake? Harabeoji would get diabetes dahil diyan."kunot-noong tanong nito sa akin.


Hindi ko nalang siya pinansin. Instead inayos ko ang seatbelt ko at hinawakan ng maigi ang cake na bitbit ko.


"Okay. Nice talking, Dave."asar nitong saad sa sarili.


Mabilis naman ang oras dahil naka-abot kami sa kompanya. Agad naman ako na bumaba kasunod si Dave. Pabalik na ako sa opisina ko. Matamis akong naka ngiti ngayon habang bitbit ang cake.


"Hatid na kita mamaya sa mansion."tugon ni Dave sa akin.

"Okay lang. Umuwi ka muna. Magpahinga ka dahil alam ko na madaming na-utos si harabeoji sa'yo. Might as well, take a rest."saad ko sa kaniya.

"Are you sure?"ulit na tanong nito.

"I'm more than sure. Alam ko naman kung paano umuwi."ngiti na saad ko sa kaniya.

"Okay. If you need anything, tawagan mo lang ako. Una na ako."paalam nito at lumabas na sa opisina ko.


Inalos ko lang ang mga papeles ko bago ko makita na may nag text pala sa akin. Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan kung sino ito.


From: Kyler

I'm downstairs.


Napangiti naman ako sa nabasa ko. Ibinulsa ko naman ang cellphone ko at inayos muli ang mga gamit. Pagkatapos ko ay kinuha ko ang bag at coat ko at lumabas na.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon