CHAPTER 13

81 1 0
                                    

CHAPTER 13:

-xxx-

"Now I know, saan kita nakita."saad ni Kyler habang nakasalo pa rin sa akin.

Nasalo niya ulit ako. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang patuloy pa rin ako sa paglulunok ng laway ko.

"A-Ah, K-Kyler---"

Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng ibinangon niya ato. Inayos ko naman ang damit ko habang nanginginig ang kamay ko.

"Ikaw, yung sa Mall."mahinang saad niya.

"A-Ah, oo ako n-nga."saad ko ng hindi maka tingin sa kaniya.

Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. "S-Salamat ulit. S-Sige u-una na ako."dagdag ko.

Tumakbo naman ako palabas sa CR. Nanginginig pa rin ako sa hiya. Makarating ako sa table namin ay tinakpan ko ang mukha ko ng buhok ko.

"What took you so long, Ate?"nag-aalalang tanong ni Marcus sa akin.

"Nilinis kasi ni Kyler ang sugat ko."saad ko at pinakita ang sugat ko.

"Here, lagyan mo nito."saad ni Vinci.

Kinuha ko naman ang binigay ni Vinci sa akin at inapply sa sugat ko. Hindi naman ganoon kalaki o kalalim ang sugat ko. Tamang daplis lang pero mukhang naapektuhan ng bubog. Tinignan ko naman si Managernim.

"I'm sorry, Managernim. I think I ruined your celebration."malungkot na saad ko.

Ngumiti naman siya sa akin. "Don't worry. It's fine, as long as you are okay."

Ningitian ko naman siya. Napatingin naman ako sa kakabalik lang. Si Kyler. Bakit ngayon lang siya?

"Let's eat!"sigaw ni Reyster.

"Hindi halatang gutom kana."birong saad ni Winston.

Nagsimula naman kaming kumain. Sina Reyster at Vinci ay nagkukulitan habang si Winston ay masayang kumakain. Ang dalawang bata naman ay masayang nagkwentuhan habang si Managernim ay patuloy lang sa pagkain. Si Kim naman ay nilalagyan ako ng mga ulam sa plato ko.

"Kumain ka ng marami. Alam ko pagod ka."saad ni Kim habang kinukuhanan ako ng pagkain.

"Salamat Kim."

Ningitian ko naman siya habang patuloy pa rin siya sa pagkuha ng mga ulam. Napa tingin naman ako sa katapat ko. Nakita ko si Kyler na masama ang tingin sa amin ni Kim. Kaya napa-iwas naman agad ako ng tingin. Problema naman 'nun?

"Okay na 'to, Kim. Baka nga hindi ko 'to maubos."saad ko.

Tahimik naman akong kumakain habang sila ay may kanya-kanyang mundo. Medyo nahihirapan ako dahil pa minsan-minsan ay kumikirot ang sugat na nasa kamay ko.

"Are you okay?"nag-aalalang tanong ni Kim sa tabi ko.

"Ah, kumikirot kasi ang kamay ko."saad ko.

"I'll feed you nalang."suhesyon niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Hindi, 'wag na."

Nabigla naman ako ng may biglang binato sa akin si Kyler na band aid. Tinignan ko naman siya pero hindi na siya naka tingin sa akin. Patuloy lang siyang kumakain.

"Okay na ako Kim. Lagyan ko lang nito."saad ko habang naka ngiti.

"Sige, sabihan mo lang ako pag may kailangan ka."saad ni Kim.

By Your SideWhere stories live. Discover now