CHAPTER 61

13 1 0
                                    

CHAPTER 61:

-xxx-

A month has passed since our confrontation ni Dave. Kasalukuyan kaming nandito sa Pilipinas kung saan kami ay kumakain sa isang kilalang restaurant dito sa BGC kasama ang mga barkada ko.


"Ano ang chika?"tanong ko habang kumakain kami.

"Bakit niyo kami pinauwi dito?"takang dagdag ko.


Hindi sila sumagot kaya tinignan ko sila isa-isa at tumigil muna sa pagkain. Nagkatinginan naman sina Synthia at Trish sa akin habang ang mga lalaki ay patuloy lang sa pagkain ng walang pakialam. Kaya tinaasan ko sila ng mga kilay.


"You tell her!"saad ni Trish kay Synthia.

"Aba! Problema mo na 'yan!"sumbat naman ni Synthia.


Mas lalo ko silang tinignan ng masama at sinabayan pa ng pag cross-armed ko. Nagulat naman ako ng may inilapag si Zeus na isang envelop sa akin. Taka naman akong kinuha ito pero mas nagulat ako sa sinabi niya.


"Punta ka sa kasal namin ni Trish."pacool na saad nito at kumain ulit.


Gulat naman akong tinignan ang envelop. Wedding Invitation. Tinignan ko naman kung kanino naka pangalan. Totoo nga, nakapangalan kay Zeus at Trish.



"What?! Magpapakasal kayo? Did I miss something? Sa pagkakaalam ko, hindi naman naging kayo."gulong tanong ko sa kanila.


Nakita ko naman na tumingin ng malungkot sa akin si Trish at mukhang maiiyak na ito kaya naman tumingin ako ng deretso sa kaniya.


"Ganito kasi 'yan... I'm pregnant."deretsong saad nito.

"And? Nasa tamang edad naman tayo."takang tanong ko.

"Ako ang ama."sagot naman ni Zeus.

"What?! How?!"inis na saad ko.

"Pareho kaming lasing ni Zeus dahil umattend kami ng party at alam mo na, may nangyari na. Papanindigan naman ni Zeus ang bata."paliwanag ni Trish.


Tinignan ko ng deretso si Zeus na ngayon ay pinatahan at pinakalma si Trish. Bumuga naman ako ng hangin bago ibinuka ang bibig ko.


"Ayusin mo ang sagot mo, mahal mo ba si Trish? 'Wag ka talagang magkamali Zeus."pagbabanta ko.

He smiled and slowly held Trish hand. "Oo naman, matagal na. I only have eyes for her. Hindi ko lang masabi sa kaniya kasi natatakot ako na hindi niya sagutin. Luckily, that incident happened."

"Proud pa talaga kayo na mag kaka-anak kayo before kayo ikasal."ngiti at iling-iling na saad ko.

"Alam mo din to, Synthia?"tanong ko sa kaniya.

Napakilbit-balikat naman siya. "It's not my story to tell."

Tinignan ko naman si Dave. "Ikaw?"

"Matagal na, gusto ko ga sabihin sa'yo kaso lagi ka namang missing in action."walang emosyong saad nito sa akin.


By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon