CHAPTER 14

79 1 0
                                    

CHAPTER 14:

-xxx-

Mabilis naman lumipas ang panahon. Isang linggo na ako nagtratrabaho sa Hori7on bilang PA nila. Hindi naman ganoon kahirap ng trabaho after birthday ni Managernim. Training Room, Recording Station at mga Photoshoots lang kasi ang pinupuntahan nila. Hindi malalaking event kaya hindi siya stressful. Pero kahit ganoon talagang minsan gusto ko ng sumuko kasi napapagod na ako. Bukas kasi linggo na at pahinga ko kaya lang bukas mag rerevise kami sa feasibility namin dahil next month na ang final defense. 

"Kapagod!"reklamo ko habang naka tingin sa balkonahe. 

Nandito kasi ako sa Training Room ng Hori7on binabantayan sila. Kung sakaling may paqngangailangan sila ay ako ang tatawagin nila. Nauna ako sa kanila dahil tinamad na ako pumunta sa dorm nila. Malapit lang naman dorm nila at saka Training Room eh. 

"Sakit ng puson ko."saad ko sa sarili habang nakahawak sa puson ko.

Napa-isip naman ako. Hala, hindi kaya meron ako? Puti pa naman jeans ko. Yumuko ako para tignan ang jeans ko pero hindi ko naman makita. 

"Shit! Shit! Pano kung natagusan ako?"saad ko sa sarili.

Patuloy pa rin ako sa pagyuyuko. Kahit hindi ko naman makita kung may tagos ba ako o wala. Pero hindi ko talaga makita.

"Anong ginagawa mo?"

Napatayo naman ako ng matuwid dahil may biglang nagsalita sa likuran ko. Napalingon naman ako agad sa likuran ko.

"Kanina ka pa diyan?!"gulat na tanong ko.

"Tss."saad niya lang.

"U-Uhm. K-Kyler, hindi ko kasi makita pwede tignan mo?"nahihiyang tanong ko.

Tumalikod naman ako para makita niya ang likuran ng jeans ko. Wala naman akong choice kundi humingi ng tulong sa kaniya.

"Yeah. May tagos ka."simpleng tugon niya.

Agad naman akong humarap sa kaniya. Nakakahiya naman. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi pa namn ako naka bitbit ng napkin. Sheyt lang.

"F-Favor naman Kyler, pakibilhan m-mo ako ng n-n-napkin."nanahiya at nauutal kong saad.

"No way!"deretsong sagot ni Kyler.

"Please lang."pagmamaka-awa ko sa kaniya.

"Tawagin mo si Kim."saad niya.

"Huwag na nga lang. Pano na 'to wala pa akong extra pants."mangiyak-ngiyak kong saad.

"Fine."saad ni Kyler at dumeretso sa labas.

Dumeresto naman ako sa loob baka may maka kita sa akin dito sa balkonahe na may tagos ako kahiiya naman pag ganoon. Nahihiya nga ako kay Kyler eh. Huhu malay ko ba kung meron ako ngayon. Mabuti nga sumunod 'yun eh.



KYLER'S POV

Kanina pa ako naghahanap ng napkin dito sa convenience store. Putek namang babae na 'yun. Ako pa talaga pinahanap. Pero bakit ba ako sumunod sa kaniya? Talaga naman.

"Alin ba sa napkin dito kailangan niya?"bulong ko sa sarili.

Ay bahala na nga. Kinuha ko lahat ng napkin na nakita ko. Hindi naman siguro ako makilala nito dahil naka cap at mask ako. Dumeretso naman ako counter para bayaran ang mga napkin na napili ko. Matapos ko bayaran ay dali-dali naman ako lumabas.

By Your SideWhere stories live. Discover now