CHAPTER 34

65 1 0
                                    

CHAPTER 34:

-xxx-

Maaga naman akong nagising dahil ngayong araw ibinalita ni Managernim ang start ng shooting for MV nila at mamayang gabi ay release ng first episode ng variety show at pupunta kami sa headquarters. Dahil doon kami manunuod.

Nasabi ko na din kay Mama ang about sa amin ni Kyler. Nagulat siya noong una pero kalaunan ay tinanggap niya naman ito. Alam ko naman kasi na tatanggapin ni Mama iyon. Kaya gusto nga niyang makipag dinner bukas kay Kyler. Gusto niya kasing makilala ng pormal si Kyler. Aalamin niya kasi na seryoso ba daw siya sa akin o hindi lang ba ako pampalipas ng oras. Masaya nga si Mama eh dahil after ilang years ay ngayon lang ako may dadalhin na lalaki sa bahay na ipakilala ko bilang boyfriend. Kaya gusto niyang kilatisin ng maayos.

Nagmamadali naman akong lumabas ng bahay at sumakay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Mama dahil umalis iya maaga pa lang. hindi ko na naman alam kung saan 'yun magsusuot. Mabilis naman ako nakarating sa site kung saan sila magshoshooting. Isang studio type lang.

Dumeretso naman ako sa dressing room nila at pumasok roon. Binati ko naman lahat ng makikita ko. Nakita ko din si Sir Henry at Manager sa labas.


"Good Morning! Sorry hindi na ako nakabili ng kape!"bati ko sa kanilang lahat.


Malumay naman silang lumingon at sa akin at pilit na ngumiti. Tumingin naman ako kay Kyler at malapad siyang naka ngiti at kumakaway pa sa akin. Siya lang masaya sa kanila. Napakunot naman ang noo ko sa kanila.


"Bakit matamlay kayo?"tanong ko sa kanila.

Bumuntong-hininga nman silang lahat. "Our clothes."saad ni Vinci.


Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa pagbibitin nito. Ayaw ko pa naman sa lahat eh 'yung bibitinin ako.


"In simple terms, wala kaming masusuot dahil hindi pa naideliver ang mga customes namin."paliwanag ni Reyster.


Napatango naman ako at hindi muna sila kinausap. Naghalungkat naman ako ng mga gamit sa loob ng dressing room nila. May nakita naman akong mga damit na kulay purple kaya naman ay mabilis ko itong kinuha sa malaking box.


"Siguro naman ay walang magagalit kung hihiramin natin 'to?"tanong ko sa kanilang lahat.

Tumingin naman sila sa akin at tumayo si Kim. "Galing mo talaga!"puri nito sa akin.

Ngumiti naman ako at isang kinuha ito. "This is great! Saktong pito. Kaya lang kung ito ay tama sa sizes niyo."saad ko.


Nagsitayuan naman silang lahat at kinuha ang mga damit na inilapag ko sa sahig. Isa-isa nila itong kinuha para sukatin.


"Galing talaga mag-isip ng girlfriend ko."bulong ni Kyler ng makalapit siya sa akin kaya naman ay napangiti ako sa kaniya.


Isa-isa naman silang lumabas galing sa pagbihis. Sakto sa kanilang lahat kaya napangiti ako. Bumalik naman sila sa kaniya-kaniya nilang upuan para ready na sa make-up at hairstyle. Habang sila ay inaayusan ay lumabas muna ako para kumuha ng pagkain dahil alam ko nagugutom na sila at ako din.

Busy lahat ng mga tao dahil inaayos na nila ang set-up sa shooting place. Linagyan na nila ng mga props, nagkalat ang mga cameras at higit sa lahat madaming mga Korean staff/producers ang nandito. Dahil under sila sa Korean management ay natural sa kanila na ang hahawak bawat MV at kanta na ilalabas nila ay galing din sa management nila.


"Anyeonghasseyo!"bati ko sa mga crew at bumati din sila sa akin.


Kumuha naman agada ko ng mga pagkain na nasa bento box at bumalik na sa dressing room. Pagkabalik ko ay tapos na sila at wala na ang mga make-up artist at hairstylist.


"Pagkatapos niyo mamaya, kumain kayo."saad ko sa kanila.

Tumango naman sila at mabilis na lumapit si Kyler sa akin dahil wala namang tao.

"Did you eat na?"tanong niya sa akin.

Mahina naman akong umiling. "Hindi pa, dumeretso talaga ako dito."sagot ko sa kaniya.

"Kumain ka muna diyan."saad nito sa akin at hinawakan ang kamay ko.


Ngumiti naman ako sa kaniya. Napabitiw naman kami sa paghawak kamay ng biglang bumukas ang pintuan. Pinatawag na sila kaya naman ay isa-isa na silang lumabas habang nagpahuli si Kyler. Tumingin din siya sa akin at sinigurado na walang tayo ay madali niya akong iniwanan ng halik sa kanang pisnge ko bago umalis.

Napahawak naman ako sa pisnge ko at bumalik sa kinauupuan ko. Binuksan ko naman ang isa sa mga bento box na kinuha ko kanina at kinain ito.

*****

Natapos na din ang first shooting nila ng MV sa comeback nila. Dahil inabot na kami ng whole day at ngayon ay gabi na. Naisipan na naming doon na sa headquarters kumain ng pananghalian. Dahil panunuodin naming ang unang episode ng variety show.

Hindi pa namin nasabi kay Managernim ang tungkol sa amin ni Kyler. Mamaya ko nalang siguro sasabihin. Maghahanap ako ng tiyempo. Nandito na kami ngayon sa loob ng meeting room at hinahantay nalang si Sir Henry at iba pang mga korean executives na nadito ngayon sa Pilipinas.


"Managernim!"tawag ko nito pagkapasok palang.

Lumingon naman siya sa akin. "Can we talk? I have something to confess."saad ko.


Hindi pa man nakapagsalita si Managernim ay hinila ko na siya palabas ng meeting room at humanap ng lugar kung saan kami makapag-usap ng maayos.

Umabot naman kami sa bandang dulo ng opisina. Bumuga muna ako ng hangin bago siya hinarap.


"Managernim, I-I... w-we..."utal na saad ko.

"You want to say that you are now together with Kyler?"ngiting tanong nito.

Nagulat naman ako. "H-How did you know?"tanong ko.

"Vinci told me and also, Kyler admitted it after the amusement park."ngiting paliwanag ni Managernim.

"I'm happy for you. Don't worry I always got your back."dagdag nito at umalis na at mukhang bumalik na sa loob.


Naiwan naman akong tulala. After amusement part? Sinabi na pal ani Kyler kay Managernim ang nangyari after ko siya sinagot. Kainis naman itong si Kyler hindi pa niya ako binigyan ng thumbs-up na tapos na pala siyang mag-explain.

Bumalik naman ako sa meeting room at nandoon na ang lahat ng mga tao. Ang bakanteng upuan na vacant ay sa tabi ni Managernim kaya doon ako dumeretso. Tinignan ko naman ang gawi ni Kyler, ang katabi niya ay si Kim. Nakatingin lang sa akin si Kyler habang ngumingiti. Sinasaway ko naman siya kasi baka may makapansin sa amin. 

Dahil nagstart na ay nakatutok lang kami sa screen na nasa harapan. Habang pinasulyap-sulyapan ko naman si Kyler na nakatingin lang sa akin at hindi sa screen na nasa harapan namin.

-xxx-

Tuesday upadtes is done! Salamat naman at nakaraos na din despite the busy sched. Thank you sa lahat tayo ay umabot na sa 500 reads. Let's keep it up people!

By Your SideWhere stories live. Discover now