CHAPTER 46

41 1 0
                                    

CHAPTER 46:

-xxx-

Pagka-abot ko sa airport ay dali-dali akong tumakbo papasok. Pinigilan ako ng guard dahil sa suot ko pero pinapasok niya naman ako sa huli.

Pagkapasok ko ay tinignan ko naman ang boarding ngunit hindi ko makita kaya naman iniisa-isa ko tignan ang mga pasahero na naghihintay sa boarding gate. Ngunit hindi ko makita ang hinahanap ko.

Kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta sa clerk at magtanong.

"Excuse me, naka-alis na po ba ang pa-korea na eroplano ngayong hapon?"tanong ko.

"Let me check ma'am."saad nito sa akin.

Hinalungkat naman niya sa computer niya habang ako ay kanina pa kinakabahan sa sasabihin niya.

"I'm sorry ma'am. Naka alis na sila ng 4:35pm ng hapon po."paumanhin ng clerk.

Tinignan ko naman ang orasan na naka sabit sa dingding. 5:18PM. Naglakad naman ako ng wala sa sarili. Kanina pa naka-alis ang sinasakyan nilang eroplano. Umiyak ako sa bandang gilid at nakita naman nila ako habang sila ay hinahabol ang hininga kakatakbo maabutan lang ako.

"They already left."mahinang saad ko at nag-uunahang tumulo ang luha ko.

Niyakap naman ako ni Synthia at hinayaan akong umiyak. Nakatingin naman sa akin ang mga tao at nagtaka kung bakit ako umiiyak habang naka toga.

"Iyan sana ang sasabihin ko sa'yo nan aka-alis na sila. Pero bigla ka nalang tumakbo."saad ni Mama.

"Umuwi na tayo."saad ni Mama sa amin at hinila ako.

Sumunod naman sila. Wala ako sa sarili ko habang kami ay naglalakad. Inalalayan lang ako ni Mama at Synthia.

*****

Dalawang linggo na ang lumipas. After graduation ay wala kaming hinanda na kung ano. Nakahanap na din ako ng trabaho at iyon ay ang ABC Company kung saan ako ay isang Financial Consultant. Ngunit, next month pa ako papasok. Kasama ko pala sa iisang trabaho sina Dave, Zeus, at Trish. Si Synthia naman ay nasa kabilang company lang nagtrabaho bilang Financial Adviser.

Hindi ako pumasok sa company ni Appa dahil sabi ko nga noon gusto ko pumasok sa kompaniya na pinaghirapan ko. Ngayon ay pupunta kami ni Mama sa Korea kasama si Synthia dahil gusto na daw ni Appa na ipakilala uli kami sa Lolo ko. And this time, ipaglalaban daw kami ni Appa. Gusto nya kasing pakasalan si Mama.

Sa loob ng dalawang linggo ay pinutol ko na ang koneksyon ko sa Hori7on. Si Synthia lang ang patuloy na may koneksyon sa kanila dahil boyfriend niya naman si Kim. Oo, nagulat din ako noong malaman ko eh. Mabuti nga hindi sila nabuking.

Other Hori7on know about my ganaps in life dahil iyon kay Synthia except nalang kay Kyler.

"Finally, we're in Korea!"masayang saad ni Synthia sa amin ni Mama.

Natawa naman si Mama sa likuran naming. Kakalapag lang ng eroplano at nandito na kami sa Incheon International Airport. Kami lang tatlo ang pumunta dito dahil si Appa na nandito na at siya ang kukuha sa amin ngayon.

Palabas na kami sa Airport ng makita naming si Appa na kumakaway kaya naman tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya.

"Welcome to Korea."masayang bati niya sa amin.

Kinuha niya naman ang gamit naming at sumunod kami sa kaniya papunta sa sasakyan niya.

"Ang lamig."saad ni Synthia.

By Your SideWhere stories live. Discover now