CHAPTER 6

88 1 0
                                    

CHAPTER 6:

-xxx-

Mabilis ang panahon dahil bukas na start ng trabaho ko as PA. At ngayon ay kasalukuyang nandito sa school dahil ngayon ang unang defense namin sa Feasibility namin. Kagrupo ko nga pala si Synthia kaya kasama ko siya. 

Kinakabahan na ako kasi kami na ang susunod na grupo ang magdedefend. Hinihintay pa namin ang ibang kagrupo namin kasi bumubili pa ng makain para sa mga panelist. Our Feasibility Study is all about Piggery kaya medyo mukhang madaming tanong ito mamaya.

"Group 3 na daw."saad ng isang kaklase ko.

Tumayo naman kami. Mabuti naman at nakita na namin ang mga kasamahan ko na bumili ng pagkain. Pinagpagan ko naman ang damit ko bago bumuga ng hangin. Si Synthia naman ay kumapit sa braso ko at malamig ito.

"Okay ka lang?"nag-alalang tanong ko sa kaniya.

"Kinabahan lang ako."saad niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Kalma lang. Kaya natin 'to. Mapapasa natin 'to ng sabay."pagpapakalma ko sa kaniya.

Kasama ang mga kagrupo ko ay pumasok na kami sa loob ng room. Para sa future!



KYLER'S POV

"Saan ka nanggaling kahapon?"tanong ni Winston kay Kim.

"Sa labas lang."tipid na sagot ni Kim.

"Nakipagkita 'yan sa PA natin."nakisali ako.

"Hindi nga?"gulat na tanong ni Winston.

Kasalukuyan kaming naka-upo dito sa balkonahe ng training room namin. Sina Vinci, Jeromy, Reyster at Marcus ay nasa loob sumasayaw pa rin. Kakatapos lang ng practice namin kaya vacant time namin ngayon. 

"Ang daldal talaga nito."inis na saad ni Kim.

"Totoo nga?"tanong ni Winston.

Hindi ko nalang siya pinansin. Ininom ko nalang ang tubig ko. Pero parang pamilyar sa akin ang babaeng 'yun. Parang nakita ko na siya before sa insidente sa school nila. I just can't remeber. 

"Pero seryoso nga? Huwag mo sabihing type mo, Kim? May contract tayo na bawal magkipag relationship."palala ni Winston.

"Alam niyo ang OA niyo. Gusto ko lang naman maging kaibigan siya. Isa pa, kailangan makihalubilo tayo sa kaniya PA natin siya."paliwanag ni Kim.

"Alalahanin mo mabuti ang hirap natin Kim. 'Wag mo sanang sirain iyon dahil lang sa babae."saad ko.

"Copy, master."ngiting saad niya.

Sa aming lahat si Kim ang friendly pagdating sa babae kaya minsan napagkamalan siyang playboy eh. May kontrata kaming pinirmahan at ayon doon ay wala munang maging distraction. Ayokong masira kami dahil lang sa babae. Mawawala lahat ng hirap at pagod na dinanas namin. 

"Pero seryoso nga, type mo?"tanong ni Winston.

Ningitian naman siya ni Kim. "She's cute at ang sarap niya kasama."saad niya.

"Malala na 'to mukhang tinamaan na."napa-iling saad ni Winston.

Nagsimula naman akong mainis sa babaeng iyon. Hindi naman sa selfish ako at ayokong magka gusto si Kim pero sa ngayon ay kailangan muna naming mag focus. Lalo na isa pa kaming baguhan sa industriya. 

"Chill lang, ayoko din naman sirain ang pangarap natin."saad ni Kim.

"Alam niyo nagcra-crave ako ng jajangmyeon ngayon."ngusong saad ni Winston.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon