CHAPTER 9

84 1 0
                                    

CHAPTER 9:

-xxx-

Nakalabas na ako sa dorm nila. Patuloy pa rin ako sa pagtatakbo kahit medyo lumalabo na ang mga mata ko dahil sa namumuong luha. Dahil sa kakatakbo ko ay napadpad ako sa park nila dito at umupo naman ako sa bench na nakita ko at doon na humikbi at pinadaloy ang mga luha sa mga pisnge ko.


"Ang sama ko ba?"tanong ko sa sarili ko habang humihikbi.

"Idol na idol ko nga siya eh. Isa pa, ginawa ko lang naman ang trabaho ko ng tama. Ganito ba talaga siya? Ang soft-soft niya sa kamera pero sa totoong buhay hindi? Ang hirap niyang intindihin!"pagmo-monologue ko.


Ipinatong ko ang tuhod ko at doon ko isinubsob ang mukha ko. Naiinis ako na nasasaktan. Gusto ko siya patulan pero ayaw ko din naman masaktan siya.


"Amara!"


Napalingon naman ako sa sumigaw. Nakita ko si Kim humihingal. Lumapit naman siya sa akin at tumabi sa space sa bench na inupuan ko.


"Are you okay?"nag-aalalang tanong niya.


Hindi ko naman siya kinibo. Sinubsob ko lang ulit ang mukha ko sa tuhod ko. Malamang, tingin niya umiiyak ako sa tuwa? 


"Uhm. I know nasaktan ka sa sinabi ni Kyler."saad niya.

"Malamang."tipid na saad ko.

"I-I just want to say sorry on his behalf. Ayaw niya kasi sa lahat ay 'yung pinapakialaman gamit niya kaya medyo naging hysterical siya. Kahit naman sa amin ay ganoon siya."paliwanag ni Kim.

Itinaas ko naman ang mukha ko. "Hindi porket gwapo siya ay pwede na siyang manakit ng kapwa niya."inis na saad ko.

"Sa totoo lang, siya ang bias ko sa grupo. Matagal ko na kayong tinitingala dahil sa determinasyon niyo. Lalo na si Kyler. Gustuhin ko man siyang intindihin ay talagang sumobra na siya."dagdag ko.


Hindi naman siya kumibo kaya ibinalik ko nalang ang mukha ko sa tuhod ko. Pero nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit at niyakap ako. Gusto ko pumiglas pero sa totoo lang nakaka gaan sa pakiramdam ang yakap niya. Kaya naiyak ako ng todo.


"Shh. Just cry it out. Nandito lang ako. I can be your crying shoulder if you want."pagpapatahan niya sa akin.


Hinayaan naman niya akong umiyak ng umiyak sa balikat nita. Nang mahimasmasan ako ay bumitiw naman siya sa pagyakap sa akin.


"Water."bigay niya sa akin.

Kinuha ko naman ito. "Salamat."saad ko.


Ininom ko naman ang binigay niya sa akin. Sa totoo lang nahiya ako sa ginawa ko. Umiyak ako ng nakayakap kay Kim. Baka may sipon akong tumulo. Kahiya ka Amara.


"By the way, how did you learn Korean?"tanong niya sa akin.

Napa-isip naman ako sa tanong niya. "Actually, wala akong formal learning about sa langauge. Natutunan ko lang siya through kpop at kdrama. If you wouldn't ask, adik ako sa kdarama. Kung gusto mo pa nga magrecommend ako ng mga kdrama for you."mahina naman akong tumawa.

By Your SideWhere stories live. Discover now