CHAPTER 57

19 1 0
                                    

CHAPTER 57:

-xxx-

(SPG WARNING: Please be advised that this chapter will have intimate bed scenes that are not appropriate for kids. Read at your own risk.)


Agad ko namang nakita si Amara sa loob ng bar, habang pinipilit na hawakan siya ng lalaki. Tumakbo naman ako papunta sa kanila at mabilis na sinuntok ang lalaki.


"Ky-Ky! You really come!"masayang saad na lasing na Amara habang yumapos sa akin.

"Tara na."saad ko sa kaniya at hinigit siya palabas ng bar na iyon.


Inalalayan ko din siya papunta sa kotse ko at dahan-dahan siyang isinakay doon. Sumakay na din ako. Masaya lang nakatingin si Amara sa akin kaya naman ay lumapit ako sa kaniya para ilagay ang seat-belt niya.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Bigla niya kasi akong hinalikan sa mismong labi ko. Ngiti lang siya ng ngiti habang ako ay napa-upo ng tuwid sa harap ng sasakyan ko.


"What has gotten to you? Bakit ka uminom?"mahinahon na tanong ko sa kaniya.


Nakatitig lang siya sa akin pero sa puntong ito ay hindi na siya nakangiti. Malungkot na siyang nakatingin sa akin.


"Why are you pushing me away?"malungkot nitong tanong.

"I mean, I know what I did pero hindi mo naman siguro kailangan ako ipagtabuyan."dagdag nito.


Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha. Bumuga naman ako ng hangin at hindi nalang nagsalita. Inabot ko ang pisnge niya at saka pinunasan ang luha niya. Hikbi lang siya ng hikbi hanngang sa biglang bumigat ang kamay ko at napagtanto ko na nakatulog na pala siya.

Nagsimula naman akong magmaneho. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin. Hindi ko naman siya pwede dalhin sa mansion nila dahil alam ko mapapagalitan lang siya. Ay bahala na nga!


Umabot naman kami agad sa bahay ko kaya naman ginising ko na siya ngunit hindi pa rin matinag kaya naisipan ko nalang buhatin siya.

Inilapag ko naman siya sa kama ko. At isa-isang inalis ang sandals na suot niya.


"Dito ka nalang matulog. Sa sala nalang ako matutulog."saad ko sa himbing na natutulog na Amara.


Kinuha ko naman ang kumot at saka kinumutan siya. Habang kinumutan siya ay bigla niya akong hinila kaya naman napahiga ako sa ibabaw niya. Tinignan ko naman siya. Pikit ang kaniyang mga mata ngunit nakangiti.


"I miss your smell..."mahinang saad nito.


Napalunok naman ako. Napatingin naman ako sa mga labi niya at saka naman ako umiling. Tatayo na sana ako ng niyakap na naman niya ako.


"A-Amara..."gising ko sa kaniya.


Nagulat naman ako sa susunod na mangyari kasi bigla na siyang nasa ibabaw ko nakapikit pa rin ito pero nakangiti.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon