CHAPTER 21

79 1 0
                                    

CHAPTER 21:

-xxx-

Yesterday was a special day for me. Sobrang saya ang nangyari kahapon. Sa totoo lang, I tend to know them better. Ngayon ay may photoshoot sila at dahil 10 AM pa naman call time nila ay ngayon lang din ako pupunta, 8 AM pa kasi ngayon. Nakita ko naman si Mama na kakauwi lang.

"San ka ba galing Ma?"kunot-noong tanong ko.

"Ah. Sa Tita Beth mo lang."mahinang tugon niya.

Dumeretso naman siya papasok sa kwarto niya kaya naman ay napa kunoot ang noo ko. Anong problema ni Mama? I mean she seems bothered. Parang may bumabagabag sa kaniya. And lately, laging late umuuwi si Mama. Baka naman nag bonding lang sila ni Tita Beth.

"Ma, una na ako!"paalam na sigaw ko bago lumabas.

"Mag-ingat ka!"sigaw naman balik ni Mama sa kwarto.

Masaya naman akong lumabas at naglakad papunta sa sakayan ng taxi. 

Nakasakay naman agad ako ng taxi papunta sa location ng photoshoot nila. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng bigla itong nag vibrate.

From: Kyler

Bring coffee. Americano sa akin.

Napakunot ang noo ko habang binasa iyon. Ano na naman ito? 

"Kung makapag-utos parang siya ang nagpapasahod sa akin."inis na bulalas ko.

"Ano po 'yun Ma'am?"tanong ni manong driver sa akin.

Ningitian ko naman siya ng peke. Shocks, rinig niya pala. "Wala po 'yun."

Ibinalik ko nalang ang phone ko sa bag na dala ko. Sa totoo lang may ibinigay na card sa akin ang management na gagamitin ko kung sakaling may ipapabili o bibilhin para sa Hori7on. Kaya naman hindi ako lugi kaso nga lang minsan nakakatamad na ang trabaho ko. Parang paulit-ulit lang kasi ang cycle na gagawin ko. 

"Dito lang po."saad ko at ibinigay ang bayad kay manong driver.

Bumaba naman ako sa isang coffee shop malapit lang sa building kung saan ang photoshoot. Mabuti naman at wala gaanong tao kaya naman umorder agad ako ng pitong kape. At talagang kay Kyler ang naiiba dahil 'yun ang gusto niya eh.

"Number 2."tawag sa number ko kaya naman mabilis akong pumunta doon.

Kinuha ko naman ang mga kape. "Thank you!"masayang saad ko.

Papunta na ako ngayon sa building kung saan gaganapin ang photoshoot. Sakto naman at wala pa ang Hori7on pagpasok ko sa loob. Mabilis naman akong nagpakilala sa iba at pumunta sa dressing room nila. 

Inilagay ko naman isa-isa ang mga kape nila sa upuan nila at ang Kyler ay nilagyan ko ng note.

Ito na, bayad mo ha!

Biro ko sa nakalagay na note. Napangiti naman ako habang inaayos ang mga damit na gagamitin nila. Habang nag-aayos ako ay biglang nag ring phone ko.

"Hello?"tawag ko sa kabilang linya.

"Ms. Abalos, we need you here in the office."

"Managernim, what's the problem?"takang tanong ko.

"Mr. Henry, summoned us for an important meeting. Don't worry about the boys, I sent someone to accompany them."

"Yes, Managernim. I'll be there."saad ko at pinatay niya naman ang tawag.

Mabilis ko naman kinuha ang bag ko at lumabas sa building. Kinuha ko naman ang phone ko at nag text kay Kyler.

By Your SideWhere stories live. Discover now