CHAPTER 64

10 1 0
                                    


CHAPTER 64:

-xxx-

"Kim?"tawag ko sa kabilang linya.

"Napatawag ka, Amara?"tanong ni Kim.

"Uhm. Gusto ko sanang itanong kung kasama niyo ba si Kyler? Kanina pa ko tumatawag at nagtetext sa kaniya pero walang sumasagot."nagaalalang tanong ko.

"Hindi niya ba nasabi sa'yo? May after party sila kasama ang production ng endorsement niya. Akala ko pa naman nasabihan ka na niya dahil lately, babad siya sa phone niya, mukhang may ka-text."paliwanag ni Kim.

"Anong ka text? Bihira na kami mag-usap dahil sa busy siya sa rabaho at ako din. Salamat nalang Kim."saad ko nalang.

"I heard the news, congrats."saad ni Kim.

"Naku! Ang bunganga talaga ni Synthia. Thank you, Kim. Shh muna tayo, gusto ko ako magsabi sa inyo at surprise iyon."saad ko naman at narinig ko naman siyang mahinang tumawa.

"Naalala ko pa noon, sobrang inlababo ako sa'yo tapos ito ako, magiging soon-to-be-ninong ng anak niyo ni Kyler."biro ni Kim.

"Magselos na naman si Synthia dahil diyan hahaha."biro ko.

"Sige na. Puntahan mo nalang si Kyler sa bahay niya. Bye, ingat ka at ni baby."paalam ni Kim.

"Bye, Kim. Thank you ulit."paalam ko din saka ko pinatay ang tawag.


Matapos kaming magtawagan ni Kim ay dismayado akong tumayo at pinacancel ang surprise pero don't worry hindi ko naman kinuha ang bayad or refund. The chef handed me the cake na gagamitin sa cake kaya no choice ako na kinuha ito dahil ayoko naman na masayang lang ang cake.

Dumeretso naman ako sa bahay ni Kyler. Mabuti naman at alam ko kung anong passcode ng bahay niya pero pagkadating ko doon ay walang tao. Siguro hindi pa siya umuwi. Kaya naman ay naghintay ako sa kaniya.

Mahigit isang oras na akong naghihintay sa kaniya at inaantok na din ako. Mabuti naman at may narinig ako sa pintuan, tunog ng passcode. Kaya dumeretso ako sa pintuan.


"Ang bigat mo naman."rinig ko na tinig ng isang babae.


Napakunot naman agad ang noo ko sa narinig ko. Dahil mukhang nahirapan ang nasalabas na buksan ang pintuan kaya naman ako na ang bumukas. Nagulat naman ako ng makita ko si Chanty na inalalayan si Kyler na mukhang lasing na lasing.


"Ako na."seryoso na saad ko ng makita niya ako.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong irapan. "He's drunk. Let him drink something para maging sober siya."

"Alam ko. Salamat."deretsong saad ko at sinirado agad ang pintuan.


Dahan-dahan ko naman siyang inalalayan papunta sa kwarto niya. Nahihirapan ako dahil sa bigat ng katawan niya.


"Bakit kayo magkasama ni Chanty?"tanong ko sa isang lasing.

"Hindi mo ako sinipot pero nakita ko nalang hinihila ka na ng babae pauwi sa bahay mo dahil lasing ka."inis na saad ko.


Umabot kami sa kwarto niya ay deretso ko naman siyang inihiga sa kama niya. Inalis ko ang sapatos sa kaniyang paa. Kumuha ako ng maliit na balde at nilagyan ito ng maaligamgam na tubig. Kumuha na din ako ng bimpo para pamunas sa kaniya.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon