CHAPTER 2

633 27 2
                                    


2 pm na halos nang matapos si Beau sa pag-aayos ng mga kagamitan at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakuhang kwarto.

JACKPOT SIS!

Malinis at maaliwalas ang kwarto at...

MAY SARILI NA RING KITCHEN, DINING, LIVING ROOM, AT MAY MINI GARDEN PA?!! NAKAKALOKA!!! HINDI NA BASTA KWARTO 'TO EH, BAHAY NA TALAGA 'TO.

"May natitirang swerte pa rin naman pala sa buhay ko 'no," bulong ni Beau sa sarili.

Kaso, sa gitna ng kaniyang pagmamasid ay bigla namang kumalam ang kaniyang sikmura. Nakalimutan niya na hindi pa nga pala siya nagta-tanghalian.

May malapit kayang karinderya rito? Mas gusto sanang magluto na lang ni Beau kaso hindi pa siya nakakapamalengke at balak niya pang magpasama kay Tita Chi.

Bukas na lang ako magluluto. May mabibilhan pa naman siguro ng pagkain sa labas.

Dumiretso na lang siya sa labas at lumingon-lingon kung saan siya pwedeng maghanap. Tinandaan naman niya ang pangalan ng street nila at kulay ng gate ng tinutuluyan niya.

Teh?! Ang mahal naman ng ulam nakakaloka ha! Otsenta?!!! What if mag-pancit canton na lang ako... kaso pwede kayang makiluto?

Nasaan na ba kasi si Tantan huhu.

"Wala rin akong napala kaloka!" nakalipas na ang 15 minutes at napagpasyahan na lang niyang bumalik at hintayin si Tantan para makapagpaalam siya kung pwede makiluto. Wala rin naman kasi siyang makitang bakery at parang ayaw ng sikmura niya sa mga biscuit at chichirya lang, "Dumating ka lang sa Maynila nag-iinarte ka nang tiyan ka!"

At tulad ng sabi niya kanina... may swerte pa rin pala sa buhay niya, dahil nakita niyang katatapos lang mag-ayos ng tusok-tusok stall si manong sa tapat lang din ng bahay na tinutuluyan niya.

Kwek-kwek! Please patikimin ninyo na ako ng itlog!

"Dalawang stick ng kwek-kwek nga po."

Matamis na may halong sukang maanghang ang paboritong sawsawan ni Beau, bonus na lang na may kasamang pipino 'yung suka ni manong hehe.

"awshaoshoshshshhblaarg--"

PUTA 'YUNG DILA KO NAPASO! HAYOP!

At dahil sa kahihiyan eh napatingin na lang siya sa paligid para tignan kung may nakakita ba sa kaniya. Wala. Pero si kuyang nagtitinda, malamang, oo!

HUHU KUYA... ALAM KO NAMANG MEDYO TANGA AKO SA PART NA HINDI KO MUNA HININTAY LUMAMIG 'YUNG KWEK-KWEK PERO PLEASE, STOP JUDGING ME NA!!

Para makawala na siya sa kahihiyan eh nagbayad na siya at agad pumasok sa bahay para maghanap kung may malamig na tubig sa loob.

"Ay, bakit bukas?" pagtataka ni Beau nang pihitin niya ang door knob.

Shit. Dumating na si Tantan?

Pumasok at marahang naglakad si Beau para hanapin kung dumating na nga talaga ang makakasama niya sa bahay.

At nasilayan niya ang isang lalaki na tila busy sa paghuhugas sa lababo.

Ngayon pa lang din siya kumain?

Maganda ang hugis at porma ng pangangatawan nito at mukhang amoy mabango. Kita rin na bagong gupit ito kahit nakatalikod dahil sa clean cut nito.

"Uhmm Hi, ako si Beau, 'yung magiging roomma-" natigilan siya sa pananalita. SILENCED. TIKOM KUNG TIKOM. Sabay nanlaki ang mga mata ni Beau.

"Hi," tugon ng kausap sabay ngiti nang medyo awkward, "Hi Beau."

WHAT THE FUCKING FUCK. TANNER CORTEZ? KAYA TANTAN KASI TANNER?

"Ahhh... uhmm... gusto mo? Kwek-kwek?" alok ni Beau sa hindi maintindihang dahilan.

OMG! Sorry na, hindi ko na kasi talaga alam sasabihin ko huhu HELP!!!

Sa kabilang dako naman, ay sunod-sunod ang pagtipa sa selpon si Tanner, kausap ang tropa nitong si Craig.

"HAHAHAHAHAHAH TANGINA INALOK KA NG KWEK-KWEK?!" chat ni Craig.

"Para ka namang gago eh, kinakabahan na nga ako eh tapos nangtatarantado ka pa," ani Tanner. Na sa loob siya ng C.R ngayon, nagtatago.

"Baka nga binuhos ko pa sa'yo 'yung sauce ng kwek-kwek kung ako siya eh. Imagine, biglang sumulpot manliligaw mong nilandi-landi ka noon tapos biglang igo-ghost ka HAHAHAHAHAH"

Magre-reply pa sana si Tanner nang biglang may kumatok sa pinto ng C.R na nagpakaba pa lalo sa kaniya. Alam niya sa sarili niya na pinaghandaan niya ang pagkikitang ito pero nung nandito na eh parang gusto na lang niyang i-flush ang sarili sa toilet bowl.

Nagbuhos pa siya para kunwari eh may ginawa talaga siya sa C.R.

"Ayy Beau? Sorry... may kailangan ka ba?" sabi pa niya sabay kamot sa batok.

"Favor sana... pwede makihiram ng phone mo? May ia-update lang ako," tanong ni Beau sabay iwas ng tingin.

"Boyfriend mo?"

Okay, pwede ka na talagang mamatay, Tanner.

"Required bang sagutin kita?"

...

"Sinabi mo talaga 'yon?" bungad na tanong ni Khyla na ka-chat ngayon ni B, gamit ang selpon ni Tanner.

"Mukha bang gawa-gawa kwento lang ako?"

"Wow na wow, masyado kang mataray para sa taong nakikigamit lang ng cellphone huh"

Medyo napaisip tuloy si B sa sinabi ng kaibigan. Natarayan ko ba siya? Eh kasalanan naman niya, hindi man lang niya ako sinagot sa alok kong kwek-kwek kanina at bigla na lang siyang pumasok sa C.R?!

Alam ko naman exotic ang beauty ko pero hindi naman ata enough reason 'yon para bigla siyang matae?

"So anong plano mo? Goodbye bading ka na??" ani Khyla.

"Sa ngayon, hindi muna siguro. I mean, para na akong tumama sa lotto dahil sa mura ng rent ko rito oh at tsaka hindi naman ganon kalakihan 'yung naipapadala ni Inay sa pag-O-OFW niya para maghanap pa ako ng ibang matutuluyan."

Alam na alam naman ni Khyla na sakto lang talaga ang naibibigay ng nanay ni B, dahil siya rin ang kumakausap sa OFW tuwing maghuhulog ito ng perang pampadala sa Pilipinas.

"Anong magiging set-up ninyo? Baka ma-fall ka ulit diyan sa tarantadong 'yan."

"Ulol. Anong ma-fall ulit eh siya 'tong patay na patay sa akin."

"Noon. At saka 'wag mo nang i-deny, hindi naman kita ija-judge kung aaminin mong bumigay ka sa mga mahahalimuyak niyang mga banat at pagpapapansin niya sa'yo."

"Masyado ka nang madaldal. Sana makatapak ka ng tae ng kalabaw."

Ibinalik na ni Beau ang selpon sa lalaki dahil nakakahiya naman kung matatagalan pa siya sa paggamit.

"Salamat," ani Beau.

Tanging ngiti lang naman ang naging tugon ni Tanner sa kaniya kaya kahit awkward eh ngumiti na rin siya sabay balik sa kaniyang kama...

Lecheng ngiti kasi 'yan. 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now