CHAPTER 8

315 9 0
                                    

"Magdadalawang linggo pa lang tapos may 'date' na agad kayo? Speed lang ah," reply ni Khyla nang maikwento ni B na aalis nga sila ni Tanner.

Gamit niya ang computer habang hinihintay si Tanner na matapos maligo. Ginawan na rin siya ng binata ng sariling account sa computer para malaya itong gawin ang lahat ng gusto niya.

"Gaga! Aalis lang. At saka para naman ma-enjoy ko 'tong Maynila bago magpasukan."

"Okay? Sabi mo eh. Basta 'wag kang magcha-chat bigla na in love ka na ulit, baka masaksak kita sa apdo pag-uwi mo rito."

Bahagyang natawa na lang si B at mabilis na nag-exit nang marinig niyang bumukas na ang pinto ng C.R. Pinatay niya na rin ang computer at nang nilingon niya si Tanner ay mabilis ding umiwas ang tingin niya dahil tumambad ang nakatapis lang na binata.

Ay! Bastos! Sigaw ni Beau sa kaniyang utak.

Hanggang sa makaligo't matapos magbihis si B ay hindi pa rin mabura sa kaniyang isipan ang imahe ng kasama; matangkad, malapad ang balikat, katamtamang laki ng mga braso, medyo basa ang buhok, at ang mga patak ng tubig na tila'y naglalakbay sa kayumangging balat ng binata mula sa leeg... pababa sa kaniyang abs... hanggang sa dumampi ito sa tuwalyang nakapalupot paikot sa v-line...

"B..."

"Beau?" nabalik sa ulirat si Beau nang tawagin siya ni Tanner. Ngayo'y na sa sasakyan sila na pagmamay-ari ng kasama.

"H-huh?" tanong niya at napalunok dahilan ng kaniyang mga iniisip kanina. Hindi naman siya makatingin nang diretso sa kausap dahil nakokonsensya siya na parang pinagnasaan niya ang binata.

Tanginang utak kasi 'yan, detalyado ah. Naging makasalanan pa tuloy ako.

"Okay ka lang? Medyo namumula ka ata? Naiinitan ka ba, lakasan ko 'yung aircon?" sunod-sunod na tanong ni Tanner nang may pag-aalala sa mukha nito.

"Hindi na, medyo... ano lang siguro... ngayon na lang kasi ako ulit nakabiyahe kaya ganito haha."

"Ohh... sorry, malapit naman na tayo... dapat pala sa malapit na lang tayo para hin-"

"Huy okay lang talaga, ngayon lang 'to, mabilis naman mag-adjust katawan ko," pagpigil ni Beau sa sunod-sunod na salita ni Tanner.

Kaso, kahit anong sabi ni Beau na okay lang siya ay mas lalong natataranta si Tanner sa driver's seat.

Bobo naman kasi, Tanner. Sana nagtanong ka man lang kung okay siya bumiyahe pa-Tagaytay.

"Gusto mo, stop over muna tayo? Baka need mo rin gumamit ng restroom?" mungkahi nito.

"Hindi na, diretso na lang tayo para mas maaga tayong makapunta."

Tumango na lang si Tanner na ngayo'y dismayado sa sarili. Epekto na rin siguro ng puyat. Matapos kasi nilang maglaro ay hindi pa siya nakatulog kaiisip kung paano magiging maayos ang kanilang lakad sa araw na'to.

Simula pa lang, palpak na agad. Isip ni Tanner.

"Sorry, Sir. Under renovation po kasi 'yung taas," sambit ng receptionist nang tanungin ni Tanner kung bakit hindi available ang 2nd floor kung saan niya dinala si Beau para mag-lunch.

Maganda kasi ang view sa itaas at open ang area kaya mas dama ang daloy ng hangin at ganda ng mga tanawin, unlike sa ibaba. Favorite ni Tanner dito dahil bukod sa masarap ang pagkain, relaxing talaga ang experience. Kaso mukhang kaysa ma-relax siya eh mas lalong nababadtrip na siya sa sarili niya.

Lagi naman siyang tumatawag at nagpapa-reserve bago siya pumunta kahit na hindi naman punuan ang restaurant, kaso biglaan nga ang punta nila rito ngayon at sumaktong inaayos ang favorite spot niya.

Tangina talaga. Malas. Isip ni Tanner.

"May available naman po 'no? Table for two, please," ani Tanner kasabay ang paghinga nang malalim.

Naging mabilis lang din ang lunch nila dahil gustong-gusto na ni Tanner maidala si Beau sa next nilang pupuntahan para na rin kahit papaano ay may maging successful sa plano niya.

"Uwi na tayo."

Laking gulat ni Tanner nang imungkahi ni Beau na umuwi na sila. Napaawang ang labi at nanlaki ang mga mata dahil biglaan na lang na gustong umuwi ng kasama niya.

"W—Why? Bakit, sumama lalo pakiramdam mo?" tanong nito kay B at inusisa pa ang hitsura ng kausap para tignan kung may mali ba rito.

"Parang ikaw dapat tinatanong ko niyan. Nakailang buntong-hininga ka na, tapos parang aligaga ka kanina pa," sagot ni B.

Shit. Gago naman Tanner.

"H-huh? Okay lang naman ako haha, uhmm... ano lang-"

"Kahit papaano, may pinagsamahan naman tayo, Tanner. Alam ko kung may bumabagabag sa'yo or kapag may mali tuwing biglaan na lang nag-iiba ang mood mo."

Mabilis na nilingon ni Tanner si Beau mula sa driver's seat. Totoo na may bumabagabag sa kaniya, pero alin ang pwede niyang sabihin? Na naiinis siya sa sarili niya kasi puro kapalpakan na lang ang nangyari? Na ayaw niya pang pauwiin si B dahil gusto niya pa itong makasama? Or baka kasi pag-uwi nila ay bumalik na ulit 'yung malamig na pakikitungo ni Beau sa kaniya kaya hangga't maaari ay maging maayos man lang sana ang huli niyang plano na mag-Sky Ranch na matagal nang pinapangarap ni B?

Ipinatong ni Tanner ang kaniyang ulo sa steering wheel at pumikit kasi ayaw niyang makita ni Beau kung gaano siya kadismayado sa sarili.

"Sorry talaga. Hindi lang talaga siguro sang-ayon ang mundo sa akin ngayon. Plano ko sanang makapag-relax tayo, since malapit na rin pasukan mo."

"Last night was already enough, all thanks to you," ani Beau, "at saka marami pa naman tayong oras para gumala HAHAHA."

Napaangat ang ulo at nilingon ni Tanner ang kausap dahil sa mga sinabi nito.

"Turn ko naman. Next saturday, free ka? Kung gusto mo... samahan mo ako sa magiging school ko, magpapasa lang ng requirements. Ano, G?" dagdag pa ni Beau.

Unti-unti naman nang ngumiti si Tanner at tumango-tango sa offer ni B.

"Uuwi na talaga tayo?" tanong ni Tanner. Pero ngayon ay wala nang kirot na nararamdaman kasi alam niyang okay pa rin sila at kaysa magmukmok sa palpak niyang plano ngayon ay mas paghahandaan niya na lang ang magiging lakad nila sa sabado.

"Baka abutan pa tayo ng traffic. At tsaka parang gusto ko ulit maglaro... habang... kumakain ng brazo de mercedes..." sambit ni Beau.

Nanlaki naman ang mga mata ni Tanner at napaawang ang labi nito dahil sa gulat nang maalala niya ang biniling pasalubong.

"Oo nga pala! Buti pinaalala mo, atleast... may dessert na tayo HAHAHAH."

"Actually... kaninang umaga ko pa siya gustong tikman kaya sabi ko hindi pwedeng hindi ko siya mababanggit sa'yo HAHAHAHA!"

Cute tangina. Isip ni Tanner.

"Kaya umuwi na tayo para matagal tayong makapaglaro at nang maubos ko na 'yung cake na binili mo hehe," hirit pa ni B.

Sinimulan nang paganahin ni Tanner ang makina ng kotse at inayos ang seatbelt nito sabay sulyap sa katabi...

"Fasten your seatbelt, Ganda."

Well... tulad nga ng sabi ni Beau. Maganda naman talaga siya. 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now