CHAPTER 10

246 10 1
                                    

Pansin ni Beau ang mga matatamis na banat ni Tanner at ang pagiging unti-unti nilang malapit sa isa't isa.

Nagiging komportable na ba siya?

Siguro. Wala naman kasing magandang mangyayari kung hindi kami magkakasundo lalo na't kasama ko siya sa bahay.

Akala ko ba galit ka sa kaniya?

Dismayado lang. Pero apat na taon naman na ang lumipas.

Kaya kinalimutan mo na, kaya pwede na ulit?

Kung parehas lang madali, bakit hindi?

Ayan ang takbo ng utak ni B ngayon. Para bang nagtatalo ang dalawa niyang sarili.

Nagiging mabilis ba masyado ang progress ng relasyon nila kung sa una palang eh wala namang dapat pabagalin?

Hindi naman kasi naging sila.

Niligawan siya, oo. Pero pinaghintay niya.

At kung kailan handa na siya, biglaan naman ang pag-iwan sa kaniya.

Pero kahit na, bakit parang wala lang sa kaniya? Ni hindi man lang niya ako bigyan ng rason ng biglaang paglaho niya. Kung napagod siya sa kahihintay sa akin, matatanggap ko naman eh... pero kahit na katiting man lang na pagpapaliwanag wala... tangina... naiwan ako sa ere eh.

"B?" nabalik na lang siya sa ulirat nang magsalita ang kaharap niya sa hapag ngayon.

"H-huh? Ano 'yon?"

"Ako na maghugas, sabi ko. Okay ka lang ba?" tanong ni Tanner at tumayo na para sana kunin ang plato ni Beau kaso mabilis itong pinigilan ni B.

"Ako na lang, para makaalis ka na rin."

"Ano ka ba haha ito na nga lang alam k- OH SHIT!"

Nasagi kasi ng braso ni Tanner ang baso malapit kay Beau habang pilit inaabot ang plato nito.

"Fuck. Tissue. Sor-"

"Okay lang. Maliligo na rin naman ako," malamig na sambit ni B at tumayo. "Ikaw na lang maghugas ng iyo kung ayaw mong magpapigil," dagdag pa nito at tinalikuran ang kausap.

"Sorry" na lang ang tanging nasabi ni Tanner habang bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Bobo mo kasi," wika ni Craig habang nagta-type at nakatingin sa kaniyang laptop. Magkasama sila sa balkonahe ng bagay ni Craig dahil nagpapatulong ito sa pagpaplano ng isang event nila sa school organization na kinabibilangan nila.

Pareho silang under business administration program at iisa rin ang sinalihan nilang org.. At kahit mukhang hindi, isa sa mga org. officers si Craig.

"Oo na, bobo na nga eh, ulit-ulit pa. Gusto ko lang naman tumulong."

"Alam mo namang mas sanay siya sa mga gawaing-bahay tapos mangingielam ka pa, ayan nagalit tuloy," sabat ng kaibigan habang busy pa rin sa ginagawa nito.

"'Yun nga eh, siya na lang ang gumagalaw sa bahay, kahit man lang mabawasan 'yung gawain niya... paghuhugas na nga lang ng plato alam ko eh."

"Actually gets ko kung bakit ayaw niyang humingi ng tulong sa'yo eh... imagine, out of nowhere, inalok mo siya na ikaw na ang gagastos sa mga bagay-bagay." sambit ni Craig.

"Para namang sa aming dalawa 'yon."

"Alam mo naman pala eh. Sa inyong DALAWA... so bakit pinipigilan mo siyang makihati?" bulalas ni Craig at tinitigan nang maigi si Tanner. "Sabi mo sa'kin, laking hirap si Beau. Baka kasi iniisip niya na nagkakaroon siya ng utang na loob sa mga ginagawa mo."

"Pero pumayag naman siya sa deal namin."

"Oo nga. Pero napaka-OA mo naman kasi pre. I know na gusto mong ibigay sa kaniya ang lahat, pero... saksi ka sa naging pamumuhay ni Beau sa probinsya, masyadong overwhelming mga pinaggagawa-gawa mo." Natahimik na lang si Tanner sa mga salitang binitawan ng kaibigan.

"Subukan mong maging simple lang, 'yung matatanggap nang bukal sa puso ni Beau." dagdag pa ni Craig.

"Gusto ko siyang regaluhan ng selpon, pa'no 'yon?"

Napa-facepalm na lang si Craig. "Tanginamo. Nakinig ka ba sa mga sinabi ko. Parang gago. Lumayas ka na nga! Mas nai-stress pa ako sa'yo kaysa sa school event na'to. Bobo amputa."

Tumayo na lang at tinawanan ni Tanner si Craig bago iwan ito. Nakasalubong niya pa sa pagbaba ang nakababatang kapatid ng kaibigan, kaya nagpaalam na rin siya rito.

Si B naman... ayan kumakain ng ice cream na kasama rin sa mga pinamili ni Tanner, pampakalma raw. Inaamin naman niya na nagbago bigla ang mood niya nang maalala niya ang mga nangyari noon, pero hindi naman tama na magpapaapekto na lang siya palagi.

Nang dahil sa simpleng paghuhugas ng pinggan nagtaray ka na agad. Isip ni Beau.

"Ang kulit naman kasi," bulong nito sa sarili at nagpakawala pa ng malalim na buntong-hininga.

Nagpabalik-balik na lang siya ng lakad sa loob ng bahay habang subo pa rin ang stick ng ice cream.

"Sarap nito ah, lasang kahoy." Tukoy ni B sa popsicle stick sa bunganga.

Bored na bored na talaga siya at hindi niya na alam kung anong dapat niyang gawin bukod sa maglakad at kausapin ang sarili.

Nawindang naman ang buong pagkato niya nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi niya na narinig ang pagparada ng sasakyan ni Tanner kasi busy siya sa mga inner monologue niyang walang saysay.

May sarili namang susi si Tanner kaya alam niyang hindi niya kailangang pagbuksan ito ng pinto kaya nagmamadali siyang pumulot ng libro sa computer desk para magkunwaring busy

Dahan-dahang pumasok si Tanner. At ramdam niya ang titig nito kahit na nagkukunwari siya sa pagbabasa.

"Interesado ka sa business?" marahang tanong ng bagong dating na binata.

Gago? Tungkol ba sa business 'tong libro na hawak ko?!

"Ha? Ahh... wala nga akong maintindihan haha." Nakayuko pa siya at tinatago ang mukha niyang natatawa sa kabaliwan niya.

Mas lalo naman siyang kinabahan nang hindi na nagsalita ang kausap niya. Tanging mga footsteps na lang nito ang naririnig niya.

"Uhmmm... gusto mo? Kwek-kwek?" Sabay abot ng isang translucent na plastic bag.

Ay parang nangyari na'to.

"Anong meron, bakit ang daming kwek-kwek?" Nanlaki pa ang mga mata ni Beau nang makitang punong-puno ang plastic bag ng kwek-kwek.

Gagi ang dami, naglilihi ata 'to eh.

"Sorry sa kanina. Bati na tayo, please?"

Hala. Lugi, bakit ang gwapo niya mag-sorry?!!

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now