CHAPTER 7

301 13 0
                                    


"Iloveyouganda022204" ani Tanner.

Ano raw?!

"Capital I, no space," dagdag pa nito at tinipa para ipakita kay Beau.

Pagkabura ni Tanner sa tinipa ay sinubukan naman ni Beau na tipahin ang sinabing password.

I-love-you-ganda-022204...

Birthday ko?

"Pag-open, punta ka na lang sa chrome," sambit ni Tanner at umatras na para magka-space pa sila sa pagitan.

"Kapag papatayin mo naman, punta ka sa may symbol na'to tapos power, then shut down."

Tumango na lang si Beau at sinunod ang mga sinabi ng kasama.

Nagpaalam si Tanner na bibili lang at isasara na daw niya ang gate at tinanong pa si B kung may ipapabili raw ba ito sa labas na sinagot naman ng isang pag-iling ni Beau.

Awkward. Hindi naman sa gusto mag-assume ni B na siya si "Ganda" pero nang dahil sa pagkailang ni Tanner ay alam niyang siya ang na sa password nito, hindi rin naman nagkataon lang na birthday niya ang kadugtong nito.

Maganda naman kasi talaga ako, hello.

"Matutulog ka na ba?" biglang sambit ni Tanner nang makapasok ito sa loob.

"Nope, maliligo pa ako."

"Hmmm... gusto mo bang ano... makipaglaro?" tanong ng binata habang bitbit pa rin ang mga chichiryang binili kanina.

Laro? Anong laro??

"Anong laro ba? Hindi ako maruno-"

"Turuan kita. Madali lang, promise!" wika nito sabay taas pa ng palad na para talagang nangangako.

Matuling inasikaso ni Tanner ang mga gagamitin sa paglalaro. Sinimulan sa pag-operate ng smartTV dahil dito sila maglalaro gamit ang mga controller.

WOW. Ito ba 'yung PS5? Galing ah.

Sa lapag na lang sila umupo at ginamit ang mga paa ng kanilang mga kama para sumandal.

"Game ka na?"

Akala ko naman bahay-bahayan ang lalaruin. Excited pa naman ako hihi!

"Ewan ko, hindi ko nga alam kung anong gagawin eh. Ikaw, game ka na ba?" sagot ni B habang inuusisa ang hawak na controller.

"HAHAHAHA press x"

Press x. Jusko, what if mabato ko 'to kapag nainis ako sa laro?

"Pili ka ng gusto mo."

Ikaw na 'yan. I choose you!

"Ikaw..."

Kita ang gulat sa mukha ni Tanner dahil sa naging sagot ni B.

"H-huh?"

"Ikaw kako, sino sa tingin mo magandang gamitin?"

"Ahhhh haha, hindi ko sure HAHAHA lahat madali sa akin eh."

"Yabang mo naman kung ganon," hirit bigla ni B sabay tinarayan si Tanner.

"HAHAHAHAHHAHA yabang agad? 'Di ba pwedeng honest lang?" depensa naman nito.

"Kung chinese garter lang 'to, kanina pa kita dinurog hmmp."

Napahagalpak na lang sa tawa si Tanner at ang kaninang pagkailang ay nawala. Kung alam lang ni B na sa mga segundong lumilipas ay ang paulit-ulit na paghiling ni Tanner na sana ganito na lang sila palagi.

"Ayoko na nga! Kinalaro mo lang ata ako para may mapagtripan ka eh!"

"Galing mo nga eh, galing umilag HAHAHAHA!" pang-aasar ni Tanner.

"Leche. Pahingi na nga lang nitong chichirya."

Walang isip-isip na gumapang sa ibabaw ni Tanner si B para abutin ang mga chichirya sa gilid ng binata.

Na-realize na lang niya ang sitwasyon nang tignan niya kung bakit biglang napatigil si Tanner sa pagpindot sa hawak na controller. Nagkasalubong pa ang kanilang mga tingin bago pa makaatras si B.

"Bakit puro maaanghang binili mo, naglilihi ka ba HAHA." sabi agad ni Beau. Ayaw niyang masira ang mga sandaling ito nang dahil sa katangahan niya.

"Mahilig ka sa maanghang, 'di ba?"

Nang dahil sa gaan ng mga pakiramdam nila ay hindi na nila namalayan ang oras. Kung normal lang na araw, siguro mahimbing nang natutulog si B. Kaso ayan, gusto na niyang hampasin ng controller si Tanner dahil lagi na lang siyang talo.

"Tama na hoy! Gusto man kitang bawian pero kasi alas-dos na eh, inaantok na ako," wika ni Beau at tumayo na para itapon ang mga balat ng chichirya.

"Ay oo nga. Makakaligo ka pa ba niyan?" Tanong ni Tanner.

Umiling na lang si Beau kahit nakatalikod pa ito papasok sa C.R. "Hilamos na lang at toothbrush."

Sumandal si Tanner sa kitchen countertop at pinanood ang kasama maghilamos. At nang makita ni Beau na naktingin lang sa kaniya si Tanner ay tinaasan niya ito ng mga kilay na parang nagtatanong kung bakit. Ngunit nginitian lang siya nito at kinuha rin ang sariling toothbrush para sabayan si Beau.

Naunang tumungo si B papuntang kama at iniayos ang hihigaan. Ilang sagling lang ay dumating na rin si Tanner, binuksan ang aircon, at dumiretsong higa.

"May pasok ka pa ba?" biglang tanong ni B. Medyo nakokonsensya kasi siya na napuyat silang dalawa.

Nilingon naman siya ng kausap at umiling.

Nagpapatuyo pa si Beau ng buhok niya na nabasa dahil sa paghihilamos at ramdam niya ang titig ni Tanner kahit na medyo madilim sa na loob.

"May gagawin ka ba bukas?"

Hmmm ano bang gagawin ko bukas?

"Wala naman, bakit?"

"Alis tayo?"

Aalis lang naman.

"Ikaw bahala, basta 'wag mo akong ililigaw ha."

"HAHAHAHA of course," sagot ni Tanner at nginitian lang si B.

"..." Ilang minuto rin ang lumipas na tanging ang mahinang tunog mula sa aircon lang ang maririnig.

"Thank you sa kanina," pagbasag ni Tanner sa katahimikan.

"Dapat lang, masyado kang nag-enjoy sa pagdurog sa akin eh!"

"HAHAHAHA sorry na po... but seriously, B. Salamat," bigkas ng binata nang may matamis na ngiti sa labi.

Lord, ayan na naman siya sa pangiti-ngit niya!

"Salamat din. Goodnight," ani Beau sabay higa at talukbong ng kumot.

"Right. Sweetest dreams, B."

Muntik Na Kitang Minahalحيث تعيش القصص. اكتشف الآن