EPILOGUE

330 9 0
                                    

"Nagmakaawa siya sa'kin na i-update ko siya tungkol sa'yo eh!" Kasulukuyang magkausap sina Beau at Khyla. Video call. "Adik na adik sa'yo si Tanner, kung alam mo lang!"

"Kaya pinagtulukan mo rin akong dito tumuloy sa Maynila? 'Yun pala alam mong si Tanner ang may-ari ng bahay na'to!" Nakahilata lang si Beau habang nakataas ang kaniyang kamay, hawak-hawak ang selpon. "Kunwari ka pang galit kay Tanner, 'yun pala magkasabwat kayong dalawa, pati na rin si Karlo!"

Tumayo si Beau para tignan kung anong pwedeng mailuluto sa kanilang ref. "Nasaan pala ang kapatid ko?"

"Nandoon, tumutulong sa shop ng parents-in-law mo." Napabalik na lang ang tingin ni Beau sa screen ng phone niya nang napasinghap si Khyla. "OMG! Nasabi na ba sa'yo ni Karlo?"

Napakunot-noo na lang ang binata't umiling-iling sa kaibigan.

"Nadakip na tatay mo kahapon. Tapos wasak-wasak na 'yung mga gamit sa loob ng bahay ninyo. Parang nilooban kayo."

Bigla naman ang pagbukas ng pinto ng bahay nila Beau. Si Tanner. Malawak ang ngiti ang may dalang paper bag. "Hi, Ganda!"

"Hi, Baby!" Sinalubong niya ang kasintahan ng isang yakap at halik. "Akala ko titingin kayo ni Craig ng sapatos?"

"Siya lang nakabili. Wala na raw sila nung para sa size ko eh. Nagtatampo pa nga si Craig. Bakit daw ngayon ko lang siya sinabihan na official na tayo HAHAHA."

Napangiti na lang si Beau. Si Tanner lang naman ang may ayaw na sabihing official na ang relationship nilang dalawa. Gusto raw kasi nito na magpa-dinner party kasama ang mga malalapit sa buhay nilang dalawa at doon niya ihahayag ang lahat.

"Bumili na rin pala ako ng lunch natin. Favorite mo hehe." ani Tanner.

Nanlaki naman ang mga mata ni Beau at napatakip pa sa bibig nang masilayan ang laman ng bag. "Pancit Lucban!" Napatalon pa siya't pinaulanan ng halik ang kasintahan.

"Sana ibinaba mo muna 'yung call natin bago kayo naglaplapan sa harap ko!" sambitla ng babae sa kabilang linya. Natawa naman si Tanner at agad na kinawayan si Khyla.

"Usap muna kayo, ayusin ko lang 'yung lamesa," bulong ng matangkad at hinalikan ang sentido ni Beau.

Lumakad ito patungong hardin at pinagmasdan ang mga alagang halaman. Lalo nang gumanda ang halamanan ni Beau. Tinulungan rin kasi siya ni Tanner na ayusin ito, dahil alam ng binata kung gaano kagusto ni Beau ang mga tanim niya.

"Glowing ka," ani Khyla.

Natawa pa ang binata dahil sa hitsura ni Khyla. "HAHAHAHA! Oh, bakit bigla ka na lang umiiyak?!"

"Kasi naman... I—I'm just happy na... finally, masaya ka na. Masaya na 'yung sister ko!" Nanlambot ang puso ni Beau, lalo na't nakita niya kung paano mas naging emosyonal ang kaibigan.

"Salamat sa'yo. Ikaw ang unang tao na naniwalang makakaraos at magiging masaya rin ako. At kahit na ang dami mong pwedeng kaibiganin, mas pinili mo'kong samahan sa kabila ng mga problema ko sa buhay."

"Ano ka ba?! Para kang tanga! Siyempre sasamahan kita! Nangako tayo nung mga bata pa lang tayo na BFF tayo, 'di ba?!" Pinapaypay pa ni Khyla ang kaniyang mga mata gamit ang kaniyang mga palad. "Kaka-make up ko pa lang eh! Pinapaiyak mo agad ako!"

"Bakit ka nag-aalala? Pangit ka naman, umiyak man o hindi." pang-aasar ni Beau. Sinusubukang pagaanin ang kanilang mga damdamin.

"Bitch? Dapat nga lumuluhod ka sa harap ko, nagpapasalamat. Isa ako sa mga dahilan kung bakit mas maaga kayong nagkabalikan ni Tanner noh!"

"Sorry. Si Tanner lang luluhuran ko."

Nambilog ang mga mata ni Khyla at napanganga sa narinig. "EWWWWW YUCKKKKKK! ANG BASTOS MOOOOOOOO!!" Napahagalpak na lang sa tawa si Beau nang mabilis na in-end ni Khyla ang video call.

Nang naglalakad na papasok ng bahay si Beau, bigla na lang ulit nag-ring ang kaniyang phone. Ang kaniyang ina.

"Hello po, Ma? Good morning po!" Inilayo niya saglit ang kaniyang telepono para tignan ang oras. "Ang aga pa po riyan ah, kagigising ninyo lang po?" tanong ni Beau.

"Tumawag si Karlo, nakakulong na pala ang papa mo." Tunog bagong gising pa nga ang matandang babae.

"Opo nga, kasasabi lang din po ni Khyla sa'kin."

"Ay oo nga pala! Kayong dalawa ni Tanner ha!" Napasulyap tuloy si Beau kay Tanner. Inilagay niya sa loud speaker ang kanilang call at lumapit sa kasintahan. "Lumipas na ang New Year, hindi ninyo man lang sinabi sa akin na kayo na?! Buti na lang at sinabi ng kumare ko! Jusko, nung nakaraan, manliligaw mo lang 'yan ah!"

Wow. Kumare niya na agad si Tita Ana? Bilis ah HAHAHAH!

Pinindot ni Beau ang button for video call. Pumunta siya sa tabi ni Tanner at hinawakan ang braso nito.

"Ma. Si Tanner. Boyfriend ko po," pagpapakilala niya sa kaniyang kasintahan.

"Hello po. Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapagpakilala." Ninenerbyos siya. Kahit ata pagngiti niya ay may halong kaba't panginginig.

Umaliwalas naman ang ekspresyon ng matandang babae. "Anak... ang gwapo naman ng boyfriend mo! Mukhang marami kang kaagaw riyan, ano?"

"Ay, wala ho! Si Beau lang po ang mahal ko," agap ni Tanner.

"Dapat lang. Alam mo bang dati akong mangkukulam. Subukan mo lang magloko, nako!" Pinandilatan pa ng mga mata ng babae si Tanner. Pabirong nananakot.

"Mama!" Tawang-tawa si Beau. Parang alam niya na kung saan niya namana ang kaniyang ugali.

"Sige na mga anak, ipagluluto ko pa mga amo ko. Kayong dalawa ha... malalaki na kayo. Kapag may problema, pag-usapan. O siya! Ingat kayo palagi!"

Nang ibinaba ng babae ang call, agad na napayakap si Tanner sa kasintahan.

"Anong ginawa mo't nahuli si papa?" biglang tanong ni Beau.

"H—Huh? Wala akong alam sa mga sinasabi mo," maang-maangan ni Tanner.

Natawa naman ang maliit at sabay sumunggab ng isang halik sa labi ng kasintahan. "Hindi ako magagalit. Nagtatanong lang kung ano na namang pinagplanuhan mo."

"..."

Tinaasan na lang si Tanner ng kilay ni Beau, naghihintay ng isasagot niya sa maliit.

"Tanda mo pa 'yung mga tropa ko nung high school? Nagpatulong lang ako na ipahanap 'yung tatay mo dahil nababagalan ako sa pagkilos ng mga pulis sa lugar natin. Ayon... ginulo't sinira nila 'yung mga gamit sa bahay ninyo para wala nang mapakinabangan 'yung tatay mo kung sakali mang masalisihan nila. Swerte lang, nung nag-iingay na dahil sa mga fireworks, palihim na umuwi tatay mo... ang hindi niya alam may mga tauhan akong nakaabang sa kaniya. So... mabilis nilang isinuko tatay mo sa presinto," pagpapaliwanag ni Tanner.

Hinigpitan ni Beau ang kaniyang pagyakap sa baywang ni Tanner at isinandal ang mukha sa dibdib nito.

"Galit ka?" mahinang tanong ng matangkad. Napatingala tuloy si Beau sa kaniya.

"Galit? Bakit?" pabalik na tanong ng maliit. Nagtataka.

"Sinira ko buong bahay ninyo," malamlam na banggit ni Tanner.

Bahagya namang natawa si Beau sa naging turan ng kasintahan. "Nagpapasalamat pa nga ako. Wala naman kasi akong magandang alaala sa bahay na 'yon. 'Tsaka... ito na ang bagong bahay ko. Ikaw na ang palaging uuwian ko." Ipinaikot ni Beau ang kaniyang braso sa leeg ni Tanner para yakapin ito.

"Kaya magmula ngayon, hanggang sa huling oras ko sa mundo..." Sabay isang halik sa labi.

"Ikaw at sa piling mo na ang tahanan ko."

Muntik Na Kitang MinahalWo Geschichten leben. Entdecke jetzt