CHAPTER 23

231 8 3
                                    

"So far, okay naman. Nothing special. Nag-introduce lang kami ng mga sarili namin, tapos may isa agad kaming prof na hindi sumipot sa klase." Magkausap ngayon sina Beau at Tanner. Video call. Pareho nilang lunch break.

"Eh, mga kaklase mo? Okay lang?" Lumitaw pa ang mukha ni Craig mula sa screen ni Tanner, sabay 'Hello' kay Beau. Kumayaw na lang ang maliit bilang pagsagot.

"Normal naman. Nagkakahiyaan pa siguro. Medyo bandang likod ako pinaupo kasi may katangkaran daw ako." Nakaupo siya ngayon sa lilom ng isang sheltered picnic table, kumakain.

"Ikaw? Matangkad?" pang-aasar ni Tanner at nginisian pa siya.

Napatigil sa pagkain at tinaasan siya ng isang kilay ni Beau. "Ay wow? Hindi ka magyayabang nang ganiyan... 'di porket 5' 11'' ka. Hoy, 4 inches lang tinangkad mo sa akin 'no!"

"HAHAHAHAHAHAHA galit na galit. Still, maliit ka pa rin kumpara sa akin." Nagkibit-balikat pa ito at nginitian sa paraang nang-iinis.

"Napakayabang mo talaga! Sana masamid k—" Natigilan sa pagsasalita si Beau nang may lumapit at kumusap sa kaniya.

Pati tuloy buong atensyon ni Tanner ay na sa kaniyang cellphone screen, pinapanood na nakikipag-usap ang maliit sa kung sinuman ang kausap nito.

Boses lalaki.

Nang bumalik ang tingin ni Beau sa kaniya ay iniangat niya lang ang kaniyang mga kilay at naghihintay na magsalita ito. Lumapit si Beau sa screen at bumulong. "Ibaba ko muna 'yung call, may gustong makisabay sa'kin, kaklase ko. Byeeee, enjoy your lunch!" Kumaway pa siya bago pindutin ang end-call button.

Naiwang nakatulala sa phone screen ang matangkad.

"Aray ko po! Paano ma-eenjoy ang lunch, eh pinagpalit sa kaklase," ani Craig. Pinipigilan pa nito ang matawa sa hitsura ng kaibigan.

Sinimulan na lang ulit ni Tanner ang pagkain. Walang pake sa kung ano ang kinokonsumo. Kaya ayon...

"Woah... nasamid ka nga. Pero hindi dahil sa kayabangan mo. Nasamid ka dahil sa selos? HAHAHAHAHAH masyado nang malaki epekto ni Beau sa'yo, pre." biro ni Craig.

Sa halip na patulan niya ang mga pang-iinis ng kaibigan, tinikom na lang niya ang kaniyang bibig. Walang imik. Hanggang sa makauwi siya.

Nadatnan niya ang nakaidilip na binata sa computer table. Nakakalat ang mga notebooks at mga gusot na papel sa tabi nito. Ang himbing ng tulog.

Alam niyang mali pero kinuhaan niya pa rin ito ng litrato. Iniba-iba pa ang anggulo.

Ang ganda niya talaga, Lord.

Bigla naman siyang nataranta nang biglang nag-alarm ang phone ni Beau. Alas-syete na ng gabi. Pero kahit sa anong lakas ng tunog nito, hindi man lang ito umepekto sa natutulog na binata.

"..."

"Malilintikan ka na talaga sa'kin, Tanner! Tumawag ka para lang magpaturo kung paano magluto ng adobo?!" bulalas ng mommy nito mula sa telepono. Ayaw niyang gisingin si Beau, kaya ipagluluto niya ito. Ipagluluto lang, hindi niya sigurado kung masarap.

"Dali na, 'Mmy. At saka 'wag po kayong sumigaw, natutulog si Beau hehe." sambit ni Tanner habang naghahalungkat sa ref ng mga isasangkap niya sa putahe.

"Magpatulong ka na lang sa tita mo! Kahit nga ata maghiwa ng bawang eh hindi ka marunong! Mahiwa ka pa."

"Ihhh... sige na, 'Mmy. Gusto ko lang ipagluto si Beau para wala na siyang intindihin paggising." pagmamaktol niya.

"Hindi sa ayaw kitang matuto ha, pero baka mas magkaproblema pa kayo ni Beau kapag nalaman niyang nag-aksaya ka lang ng pagkain. Sa susunod mo na lang pormahan 'yang crush mo," pang-aasar ng babae.

"Mommy naman eh! Baka marinig kayo ni Beau!" mariing bulong nito sa phone screen at tinawanan pa siya ng kaniyang ina "Sige na po, o-order na lang po kami! Ingat po kayo ni Dad!"

Kung alam ko lang na ganito mangyayari, edi sana tumulong na ako sa kusina nung bata pa lang ako!

Baka hindi na ako pakasalan ni Beau kapag hindi ako marunong magluto.

"Ano ba, Tanner. Um-order ka na lang para kang tanga," bulong nito sa sarili at sinimulan na akong paghahanap ng makakain via online.

Medyo matagal-tagal din bago dumating ang kaniyang order. Dinner time naman kasi. Bucket of fried chicken at soup na lang ang kaniyang naisipang bilhin, meron pa namang kanin sa rice cooker.

Nilapitan niya ang natutulog na binata at niliitan ang pagitan ng kanilang mukha sa isa't isa. "Gising na po, Sleeping Beauty... sige ka, kapag hindi ka pa gumising... ki-kiss kit—" Nagulat at napaatras si Tanner nang biglang iminulat ni Beau ang kaniyang mga mata. "Uy gag—gising ka na pala?"

"Manyak," paratang ni B at natatawa nang masilayan niya ang halos namumutlang si Tanner.

"Sorry. I was just joking! Wait. Kailan ka pa gising?" pagtataka ni Tanner.

"Ngayon-ngayon lang, nung kausap mo 'yung delivery guy." Nananatiling nakadantay ang ulo nito sa kaniyang mga braso sa lamesa.

"Eh bakit hindi ka man lang dumilat?"

"Hinihintay ko 'yung kiss mo eh," pang-aasar niya pa sa kausap at pinipigilan ang pagbungisngis.

"Beau naman eh!" Napayuko pa siya't tinakpan ang mukha para itago ang kahihiyan. Haharot-harot tapos hindi naman mapanindigan.

Umayos na ng postura si Beau at tumayo. Nag-unat sabay tinignan ang mga pagkain na na sa lamesa. "Sana ginising mo na lang ako, napagastos ka pa tuloy."

"Actually... dapat magluluto ako kaso hi—"

"SALAMAT! Salamat at hindi mo tinuloy woooh!" pag-exaggerate ng maliit at nagpakawala pa ng hininga.

"Ouch ha. Ikaw na nga ipagluluto ko tapos ang sakit mo pa magsalita," kunwaring pagtatampo ni Tanner at sumimangot.

"Awwww... I'm very sorry. Ang akin lang, baka kasi may mangyari pang masama."

Nagliwanag naman ang ekspresyon ng matangkad. "Sa akin? Yieee concern siy—"

"Pinagsasabi mo? Concern ako sa presyo ng bilihin. Na-appreciate ko naman na gusto mo 'kong ipagluto, pero teh?! Mas panatag ang loob ko kapag hindi ka makakasunog ng pagkain hehe."

Agad na nabura ang ngiti sa labi ni Tanner. "Okay lang, ganiyan naman kayo eh. Isang pagkakamali lang, ayaw ninyo na ulit pagkatiwalaan." Tinakpan niya pa ang kaniyang mga mata, umaaktong umiiyak.

"HAHAHAHAHHA wow, sadboi yarn?" Natawa na lang din si Tanner sa pag-iinarte niya at inaya nang kumain si Beau.

"How's your day?" tanong ni Tanner habang na sa gitna ng hapunan.

"Okay naman. May assignments agad at in-introduce na agad sa amin 'yung isa sa mga magiging projects namin." Iniisip pa lang ni Beau, napapagod na agad siya eh.

"Sino pala 'yung kausap mo kanina? Kaklase mo?" Kanina pa talaga siya kating-kati na tanungin 'to kay Beau eh.

"Huh? Ah... si Jace? Yes, kaklase ko. Same raw pala kami na nag-stop for one year. Nakwento ko kasi during introduce-youself-portion na natigil ako after senior high school. Bakit mo natanong? Ikaw, musta araw mo?"

"Ahhh... haha ayon... nag-overthink lang naman ako buong maghapon."

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now