CHAPTER 34

184 9 0
                                    

"Kunwari matutulog na ako, pero ang totoo hinihintay ko goodnight kiss mo."

"Abusado!" Napahiga na lang bigla si Beau at sabay talukbong gamit ang kumot.

"HAHAHAHAHA uyy... matutulog ka na talaga?" natatawang tanong ni Tanner at marahang inalog si Beau.

"Ewan ko sa'yo!" Nagtatago pa rin ito sa ilalim ng kumot. Ayaw ipakita kung gaanong namumula ang kaniyang pisngi.

"Labas tayo," pag-aaya ni Tanner sa kaniya. "Lakad lang, tapos libre kita ice cream."

Umikot ang maliit, sabay ibinaba ang kumot hanggang sa ibaba ng mata lang. "Nakapag-brush na ako ng ngipin," sabi nito sa malambot na tono.

"Edi toothbrush ka ulit mamaya. Dali naaa," pagmamaktol ni Tanner sabay inilapit ang mukha kay Beau.

Paano ako tatanggi niyan, eh ang gwapo-gwapo mo makiusap?!

"Sige na nga, pero mauna ka na sa labas. Magpapalit lang ako ng suot."

"You look fine."

"'Yung mukha ko, oo. Pero 'yung pajama ko, hindi." Paano, butas-butas ang napili niyang suotin sa pagtulog.

"HAHAHAHAHA bakit kasi 'yan pa sinuot mo?" natatawang tanong ni Tanner.

Hindi na siya sinagot ni Beau at inirapan na lang si Tanner bago ito kumuha ng pampalit mula sa cabinet.

"Maaga ka pa bukas, 'di ba? Bakit ngayon mo pa naisipang magyaya?" tanong ni Beau habang binabaybay ang daan patungong convenience store.

"Gusto ko lang kita makasama. Matagal-tagal na rin nung huli tayong nakagala," diretsong sagot ni Tanner.

Mabagal ang lakad nilang dalawa. Kaya may mga pagkakataong nasisilayan ni Beau si Tanner mula sa gilid.

Iba ang pakiramdam sa tuwing pinagmamasdan niya ang matangkad. Kahit tanging ang ilaw lang mula sa mga streetlights at ningning mula sa buwan ang tumatama sa mukha ni Tanner. Nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan nito.

Parang malaya lang siya. Tipong walang pangamba sa tuwing kasama niya ang binata. Tila gusto niya na lang isugal ang lahat at hayaang ipagkaloob ang anumang meron siya kay Tanner.

Huling sulyap at walang pagdadalawang-isip na inabot ni Beau ang isang kamay ni Tanner.

Naramdaman na lang niya ang paghigpit ng hawak ni Tanner.

Iniangat ni Tanner ang kanilang mga kamay at madiing hinalikan ang likod na bahagi nito.

Wala mang nagsasalita sa kanilang dalawa, ramdam naman ng mga puso nila kung gaano sila kasabik sa isa't isa. Patunay na ang simpleng paglalakad-lakad ay maaaring maging espesyal tulad ng pagmamahalan nila.

Si Tanner, hindi na pinakawalan ang kamay ng sinisinta. Hawak-hawak lang nito ang kamay ni Beau habang pumipili ng bibilhin, habang nagbabayad sa kahera, at kahit na ngayo'y naglalakad na sila pauwi, hawak ang ice cream na pinamili nila.

"Sama ka na sa'min bukas. Bili na rin tayo ng mga bago mong pajama hehe," ani Tanner.

"Okay. Pero ako ang gagastos ng sa'kin. At bawal kang humindi."

Sinabi kasi ni Tanner kanina na ayaw niya nang pagbayarin ng upa sa bahay si Beau. Pumayag naman ang maliit, sa kondisyong siya na ang gagastos ng mga bilihin nilang mga pagkain.

Inubos na muna nila ang kanilang kinakain bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Baka kasi matuluan pa ang sahig nang hindi nila napapansin at langgamin pa.

Makalipas ang ilang minuto matapos nilang uminom ng tubig at magsipilyo, tumungo na si Tanner sa kama nito, na sinundan naman ni Beau at parehas na silang nakaupo. Idinantay ng maliit ang kaniyang ulo sa gilid ng balikat ni Tanner.

"..." Tahimik lang ang maliit. Naglalaro ng mga sariling daliri habang malalim ang iniisip.

Nakikiramdam lang si Tanner at matiyagang naghihintay sa kung anong gustong sabihin ni Beau.

"Siguro ngayon... pwede na nating ituloy 'yung dati," mahinahong saad ni Beau. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga sandaling ''to.

Dahan-dahang hinawakan ni Tanner ang magkabilang pisngi ni Beau upang iharap ito sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito nang may lambot ang tinig ng boses.

Isinandal at isiniksik ni Beau ang mukha niya sa balikat at leeg ni Tanner. "Ngayong alam ko na kung bakit mo ako nilisan noon, wala na akong rason para matakot at pagdudahan ang pagmamahal mo."

"Beau..."

"Mahal kita, Tanner. Mahal din kita."

Natahimik si Tanner. Tila ninanamnam pa ang mga salitang binitawan ng kausap.

Ipinatong ang kaniyang palad at dinampi niya ang labi sa mahalimuyak na ulo ni Beau.

"Ang tagal kong hinangad na sana dumating na ang panahon na mamahalin mo'kong muli." May nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata. At mga kamay na nagsisimula na ring manghina.

Iniangat ni Beau ang kaniyang ulo at sabay tingin sa mga mamasa-masang mata ni Tanner. "Salamat at hindi mo'ko sinukuan."

"Ikaw? Susukuan ko?" Ipinikit niya ang mga mata, sabay halik sa sinisinta. Kasunod ang pagpatak ng mga luha. "Sa segundong tinibok ng puso ko ang ngalan mo, alam kong sa'yo na ang puso ko hanggang sa huling pagtibok nito."

Ngunit napahagikgik lang si Beau. Na nakapagpakunot ng noo ni Tanner.

"HAHAHAHAHAH nakakatawa na nauna pa 'yung kiss kaysa sa label."

Niyakap ni Tanner si Beau at parehong inihiga ang kanilang mga katawan. Pinaulanan niya ng halik ang pisngi't labi ng maliit. "Kasalanan mo. Nung unang beses mo'kong hinalikan, hinahanap-hanap ko na palagi ang mga labi mo eh."

"Tanner, wait—ah!—HAHAHAHAHAH saglit lang! Nakikiliti ako! HAHAHAHAH!"

"Dito ka na lang matulog. Tabi tayo." bulong ni Tanner habang hawak ang bewang ng maliit.

Marahan namang hinampas ni Beau ang dibdib ng binata. "Alam mo... ang clingy mo! Pero sige."

Ginugol nila ang gabi nang para bang ayaw na nilang mawalay sa pagyayakapan nila. Sinasanay sa amoy ng isa't isa. At binabawi ang mga lumipas na taong hindi sila nagkasama.

"Good morning, Ganda!" bungad na sambit ni Tanner. May hawak na siyansi.

"Good morning po, Tito Ganda!" hirit naman ni Prince. Nakaupo sa bandang paahan ng kama.

"Hoy! Aagawan mo pa ako. Ako lang pwedeng tumawag no'n kay Tito B mo," kunwaring pagmamaktol ni Tanner sa pamangkin.

Tumayo si Beau para mag-asikaso na ng sarili. Pinuntahan niya muna si Tanner na kasulukuyang naglalagay ng placemat sa lamesa.

"Pagseselosan mo pa pati bata HAHAHAHA," ani Beau.

Nang papalakad na siya patungong banyo, mabilis siyang hinawakan sa palapulsuhan ni Tanner at iniharap sa kaniya.

"Good morning kiss ko?" 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now