CHAPTER 28

193 10 1
                                    

"Parang deserve ko ng alak," ani Beau.

"Pauwi ka na?" text niya kay Tanner. Yayayain niya 'tong uminom. Light lang naman. Or pwede ring hindi.

Sa kabilang banda, si Tanner, bored na bored na kahihintay kung kailan matatapos ang party. Sabay ang araw ng Christmas party nila, mas napaumaga lang ng oras ang kina Beau.

Parang nagkislap ang mga mata ng matangkad nang masilayan ang notification bar na naglalaman ng pangalan ng sinisinta. "Pauwi na po."

Nagpaalam na lang siya sa kanilang instructor na masama raw ang pakiramdam niya. Tapos na kasi ang main event ng party, ang pagpapalitan ng mga regalo at wala rin naman kasi si Craig, may kasunod na party ito kasama ang org. niya. Kaya wala nang dahilan para magtagal pa siya.

Hinahanap na ako ng asawa ko hihi.

"Ingat sa pagmamaneho!" Napapadyak pa si Tanner at hindi napigilang mapangiti sa kilig dahil sa reply ni Beau.

Walang patumpik-tumpik na sumakay ito sa sasakyan at matuling pinaandar ang kotse.

"..."

"Seen lang?" bulong ni Beau sa sarili nang hindi man lang siya sinagot ni Tanner sa chat.

Tumayo siya't kumuha ng yelo sa freezer, naghanap na rin siya ng pwede niyang ipampulutan. Sa dami ba naman ng stock nila, kahit ata buong barangay pwedeng makipulutan.

"I'M BACK!" masiglang saad ng matangkad. Bigla namang tumagilid ang kaniyang ulo at napakunot ang noo nang makita na may alak sa lapag. "4 p.m. Alak?"

Mahina namang natawa si Beau at inilapag ang dalang mga pagkain sa lapag, sabay upo.

"Wala lang, gusto ko lang magwalwal dahil, ugh, finally... makakapagpahinga na rin ako!"

Sumali naman agad si Tanner at siya pa nga ang unang tumungga sa basong may laman na alak.

Nagdaan ang halos limang oras, medyo umeepekto na ang alak sa sistema nila. Hindi naman kasi sila diretso kung uminom eh, nanonood sila kanina ng pelikula at sabay nagluto rin si Beau ng pwede nilang ipanghapunan.

"Uuwi ka sa probinsya?" tanong ni Tanner. Dahil matagal-tagal pa naman ang balik nila sa eskwelahan.

"Hindi na. Sayang pamasahe." Medyo hindi na marinig ni Beau ang kaniyang sarili.

"Pwede kitang ihatid. Then, stay muna ako kina Mommy. Para sabay na rin tayong umuwi."

"..."

Natigilan ang maliit sa pag-inom. Itinaas niya ang tingin kay Tanner at seryoso itong tinignan. "Matanong nga kita. Ano ba talagang intensyon mo sa'kin?"

Hindi niya inaasahan ang naging tanong ni Beau. Lumalakas ang kabog ng dibdib niya. "Beau..."

"'Yung totoo." Seryoso pa rin ang titig nito.

Napalunok ng laway at saka lumikom muna ng lakas si Tanner bago magsalita, "Pwedeng mag-usap na lang tayo kapag walang alak sa paligid na—"

"Hindi ko alam kung sapat ang tapang ko nang walang dumadaloy na alak sa katawan ko. Kaya please, ngayon na lang sana." diretsong sambit ni Beau. Kita ang lumbay sa mga mata nito. Napayuko ito't napatitig na lamang sa hawak na baso.

"Wala na kasi akong magawa eh, nasasanay na naman akong nandiyan ka lagi para sa'kin. Na sa tuwing iiwas ako sa'yo, pilit mo'kong hinihila pabalik sa'yo." Nagsisimula nang mamuo at mangilid ang mga luha nito. At pinipilit na may maiboses dahil sa alak na nagpapabilis magpatuyot ng kaniyang lalamunan.

Inabot ni Tanner ang kamay ni Beau, ngunit mabilis din itong pumiglas.

"Alam mo... minsan napapaisip ako kung bakit ang sakit-sakit nung iniwan mo'ko kahit na halos isang taon pa lang tayong magkilala noon." Bumuhos na ang mga luha nito at hinayaan na lamang niyang bumagsak ito.

"'Yun pala... kasi... kasi sa loob ng isang taon na'yon, ipinaramdam mo sa akin 'yung pagmamahal na kahit kailanma'y hindi pa naipadama sa akin." Rinig ang mga hikbi sa pagitan ng mga salita ni Beau. At nasasaktan si Tanner sa nasisilayan niya.

Walang humpay ang pagtaas-baba ng balikat ni Beau. Hindi niya na makontrol ang emosyong nararamdaman. Parang bigla na lang niyang nailabas lahat ng hinanakit na inipon niya sa mga taong paulit-ulit niyang tinatanong kung bakit ba siya naiwan ni Tanner.

"Ikaw ang naging patunay na pwede pala akong gumising na hindi puro pahirap ang na sa isip ko. Na sa kabila ng mga pagdurusa ko, pwede pa rin pala akong mag-asam ng magandang bagay sa mundo, ng isang katulad mo." Mugto na na ang kaniyang mga mata, ilong ay namumula, at paghinga'y naghihingalo na.

"Nasasabik ako sa tuwing naiisip ko na magkikita tayo. Ikaw ang naging araw-araw ko eh. At... kahit alam kong may pasakit na naghihintay sa pag-uwi ko, ayos lang... kasi ikaw pa rin naman ang maaalala ko hanggang sa pagtulog ko." Itinaas na niya ang kaniyang tingin at bakas sa hitsura nito ang wasak na damdamin.

"Ayaw ko man kayong sisihin, pero katulad ni Mama... tangina, nagawa mo pa rin akong iwan." Naghahabol na siya ng hininga dahil nagsisimula nang magbara ang daluyan ng hangin niya.

Napahilamos pa siya sa mukha niya at natigil ang kaniyang nanginginig na mga kamay nang dumampi ito sa kaniyang labi.

Sinubukan niya munang lumunok bago magsalitang muli. "Muntik na, Tanner. Muntik na kitang minahal eh." At sa sandaling iyon, tumulo na ang mga luhang kanina pang pinipigilan ni Tanner. Ramdam niya ang bigat sa mga salitang binitawan ni Beau.

"Kaya parang awa mo na. Kung ang intensyon mo'y paasahin ako't lisanin muli. Tumigil ka na."

Pinakalma niya muna ang sarili at pinunasan ang mga natirang luha mula sa kaniyang mga mata. "Hindi kita pipiliting magpaliwanag. So sana 'wag mo na rin masyadong ipagpilitan ang mga bagay na baka makasanayan ko lang lalo."

Hindi mawari ni Tanner kung kailangan bang pahupain niya muna ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, o ituloy ang usapan at bigyang linaw na ang lahat.

Ngunit wala na siyang nagawa alinman sa dalawa. Nag-imis na si Beau at humiga patalikod sa gawi niya.

Alam ng Diyos kung gaano kaayaw niyang hayaan na lang na matulog si Beau nang hindi man lang sila nagkakaayos, ngunit mas mainam na lang siguro na kausapin niya ito kapag pareho nang mahinahon at maliwanag ang kanilang pag-iisip.

Kaso isang malaking pagsisisi na hinayaan niya na lang na lumipas ang gabi nang wala siyang ginagawa.

"..."

Gumising siyang wala si Beau. Pati na ang mga gamit nito.

"Beau?" Tumungo siya sa hardin at ni anino ng binata ay wala.

"BEAU?!" Sabay katok sa pinto ng banyo. Nagbabakasakaling na sa loob lang ito.

"Fuck!" 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now