CHAPTER 15

201 7 0
                                    

Wala nang pakialam si Tanner kung basa na't malagkit ang dibdib na bahagi ng kaniyang t-shirt sa patuloy na pagluha ni Beau. Paulit-ulit na lang siyang humihiling sa kaniyang isipan na sana maibsan ang bigat na nararamdaman ni Beau sa pagkakataon na 'to.

"I'm sorry. Mali 'yung ginawa k-"

"Shhhh," sabat ni Beau at umiling-iling pa habang nananatiling nakakulong sa mga bisig ni Tanner. "Wala kang mali. Sa akin 'yung problema."

Ilang minuto rin silang nanatili sa posisyon nila bago iangat at ipakita ng maliit ang kaniyang mukha. "Ako naman ang makikinig sa'yo," sambit nito at sabay punas ng mamasa-masang mga mata at ilong gamit ang palad. "Ano bang gusto mong sabihin kanina?"

"Kung ano rin 'yung naisip mo kanina." sagot ni Tanner.

"Bibilhan mo ako ng cellphone?"

"Apat na taon akong wala sa birthday mo. Gusto ko lang bumawi." sabi ng matangkad at ngumuso pa.

"'Wag kang magpa-cute, mukha kang bisugo." Napahiga't napahaglpak tuloy sa tawa si Tanner sa naging komento ni Beau.

"Shocks! Oo nga pala, wait ka lang diyan..." Tumayo si B at matulin na tumungo sa pwesto kung nasaan ang mga bag niya.

"May binili akong bracelet kanina, may nagtitinda kasing matanda sa harap ng school kanina kaya tinignan ko mga paninda niya at..." Natapos magkalkal ang maliit at itinaas para ipakita ang dalawang bracelet na gawa sa makapal na mga sinulid. "...charan! Tig-isa tayo," turan pa nito at bumalik muli sa kung nasaan si Tanner.

"Pili ka na lang kung anong mas gusto mo."

Imbes na sa mga pulseras tumingin si Tanner, napatitig na lang siya kay Beau. Hindi siya makapaniwala na maiisip siyang bigyan ng ganito ng maliit.

"Ayaw mo ba? Edi 'wag." Lalakad na sana paalis ang maliit nang mabilis na tumayo si Tanner at pinigilan siya.

"'Yung red. 'Yung red na lang sa akin, favorite mo ang blue 'di ba?" Malugod niyang tinanggap ang regalo at pumorma ang malawak na ngiti sa mga mukha nito. "Salamat."

"At ito pa," ani Beau. Iniabot niya ang isang envelope sa matangkad. "Ayan 'yung ipon ko pambili ng cellphone sana. Idagdag mo sa panggastos mo AT! Bawal kang tumanggi."

Tumango na lang si Tanner bilang pagsang-ayon at ibinulsa ang hawak na envelope. "So... alis na tayo?"

"Saan na naman? Kauuwi pa lang natin," pagtataka ni Beau at kinunotan pa siya ng noo.

"Bibili ng phone mo?"

"Ahhhh, ikaw na lang. Sabi mo regalo mo sa mga nagdaang birthday ko, edi i-surprise mo ako hehe."

God. He's so cute. Isip ni Tanner.

"Alright, alis na ako. May merienda pala akong binili, 'yung paper bag na dala ko kanina, kain ka na lang kapag nagutom ka." Nagpalit lang ng t-shirt si Tanner at kinuhang muli ang susi ng kotse.

"Hindi pa nga ako natutunawan, papakainin mo na naman ako. Sige na, maglilinis na rin ako ng bahay at medyo maalikabok na."

NAKAKAHIYA!!!! OMG BAKIT AKO UMIYAK???!! Pagpa-panic ni Beau sa kaniyang isipan nang makalabas si Tanner at maisara niya ang pinto. Napasandal pa siya rito at napatakip pa sa mukha niya gamit ang dalawang kamay.

"Puro sipon tuloy 'yung damit niya, kadiri, Beau!!!!" bulalas niya at pumadyak-padyak pa para kunin ang walis tambo.

"Pero, in fairness, ang bango niya ha."

Inilaan na lang niya ang araw niya sa pag-asikaso sa loob ng bahay kaysa mapraning siya kaiisip sa kahihiyan na ginawa niya.

"...haaaa..."

"KAPAGOD TEH! 'YUNG BALAKANG KO PARANG GI-GIVE UP NA!!" bulalas ni Beau habang sinusubukang habulin ang sariling hininga. Ganiyan talaga siya, hindi niya na mapigilan sarili niya kapag ginanahan na siyang kumilos.

OMG! Nandiyan na siyaaaaa! Nataranta si Beau nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas. Nagmamadali pa nga siyang humarap sa salamin para tignan kung maayos ba ang kaniyang hitsura.

Shet kahit haggard na... ang ganda ko pa rin talaga. Isip ni B.

Bumalik agad ang kaniyang atensyon nang marinig ang pagbukas ng pinto. Si Tanner, may dalang malaking shopping bag.

"Wow. Para kanino 'yang binili mong cellphone? Para sa kapre? Bakit ang laki ng shopping bag mo?"

Natawa na lang ang matangkad at binuksan ang bitbit na lalagyan.

"Namili na rin ako ng stocks natin."

Napanganga at nanlaki ang mga mata ng mas bata nang makita ang mga pinamili ni Tanner. "Teh?! Kabibili mo lang nung nakaraan, tapos bumili ka na naman ngayon. Kulang na lang magtayo ka ng sari-sari store!"

"Well... mas okay nang marami tayong stocks kaysa magutom ka."

"Che! Ginawa mo na naman akong rason. Ganito na lang, sa susunod na magsha-shopping ka, sabihan mo ako para makagawa ako ng listahan. Para hindi tayo natatambakan at nalulumaan, lalo na ng mga pagkain, hmm?"

"Yes po. Naiintindihan ko po," sagot ng matangkad at tumango pa sa kausap.

Ganito ba feeling ng bagong kasal? Ready na po ako. Isip ni Tanner.

"Pikit ka na," utos ni Tanner kay Beau.

Kumunot naman ang noo nito sa pagkalito. "Pikit? Bakit?"

"Isu-surprise nga kita, 'di ba?"

"Ngi. Alam ko naman na cellphone 'yang ibibigay mo."

"Ito naman, pagbigyan mo na ako, dali na!"

Kitang-kita ni Tanner kung gaano nagpipigil ng tawa si Beau kaya nginusuan niya ito at umakto na nagtatampo. "'Wag na nga lang, tinatawanan mo lang ako eh," ani Tanner.

"HAHAHAHAHA heto na! Pipikit na."

Ipinikit na ng maliit ang kaniyang mga mata habang patuloy na nagpipigil ng tawa.

"Pagbilang ko ng three, you open your eyes," utos ng matangkad.

"Okay, boss. Aarte ba ako na kunwari masu-surprise ako?"

"Of course, kunwari hindi mo alam na reregaluhan kita."

"Sige, OMG kinakabahan ako."

"3," unang bilang ni Tanner.

"2..."

"I know sobrang late na ako para sa mga nagdaang mga birthday mo, pero hindi naman pwede na hindi ako bumawi sa'yo," wika ng binata at saka kinuha ang parihabang lalagyan na tinago niya sa ilalim ng mga pinamiling chichirya.

"1. Open your eyes."

Dahan-dahang ibinukas ni Beau ang kaniyang mga mata at hindi rin nagtagal... nanlaki at nambilog din ang mga ito dahil sa gulat. 'Yung totoong gulat.

"What the fuck? Ang mahal nito ah?!"

"Surprise?!" 

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon