CHAPTER 3

522 20 1
                                    


"Anong level niyo na diyan sa laro ninyo, B?" agarang tanong ni Khyla kay Beau nang magsabay sila papasok sa school.

Nickname niya ang B. As in... LETTER B!

It was during their fourth year in high school when Tanner and his "panliligaw" happened.

"Huh? Anong laro?" pagtataka ni B.

"Kayo ni Tanner, araw-araw na lang kayo naglalaro ng landi-landian."

B couldn't tell her friend about Tanner's mga paandar because he, himself, was not sure if Tanner was even serious about it.

Ang bilis naman kasi eh, isang araw, bigla na lang lumapit si Tanner at umupo sa tabi sabay bigay ng isang crumpled paper na may nakasulat na "Pwede manligaw?" with a cheeky smile on his face.

Hindi tuloy napigilan ni B na mapaisip noon.

Anong trip nitong kupal na 'to?

"Bakla ka, hindi mo na ako sinagot! Ano nang namamagitan sa inyo ni Tanner?" turan ni Khyla.

"Wala nga, at saka baka gusto lang makipagkaibigan."

"Makipagkaibigan?! Eh tinalo niya pa si Mayor sa mga binibigay niya sa'yong ayuda; prutas, gulay, mga pampalasa, at mga bulaklak?!"

Natawa na lang si B sa bulalas ng kaibigan. Tama naman si Khyla, nagtataka na nga rin ang kapatid ni Beau kung saan galing ang mga dinadala niya tuwing umuuwi siya eh.

"Gaga, business lang ng parents niya 'yon. At pwede ba, manahimik ka na lang at bilisan mo maglakad, baka ma-late na tayo!"

Inirapan naman siya ng kaibigan at sumabay sa bilis ng padyak ni B, "Nagtatanong ako para lang alam ko kung anong palusot ang sasabihin ko if ever na malaman ng tatay mo. Alam mo naman 'yon, mas crazy pa sa crazy."

Dahil sa sinabi ng babae ay napatawa si B. Tatay niya ang nilait pero hindi naman niya masisisi ang kaibigan dahil totoo naman... mas crazy pa sa crazy.

"Sasabihin ko naman sa'yo kung meron talagang kailangang sabihin."

...

Beau...

"Beau..."

"Beau." nagising na lang si B nang maramdamang may tumatapik-tapik sa kaniya. Napagdesisyunan niya kasing maaga matulog kagabi dahil hindi niya makayanan ang awkward na sitwasyon sa pagitan niya at ni Tanner.

"Beau sorry, ayaw sana kitang gisingin pero kasi si Tita, sabi niya sasabay ka raw mamalengke?" bungad ni Tanner.

Nagkusot ng mga mata sabay kapa sa bandang bibig si Beau para tignan kung may laway ba.

Shet. Panaginip pala. Baka tumulo laway ko habang tulog ah!

"Oo nga pala! Pasensya na, nasaan si Tita Chi?" natatarantang sambit ni B at nagmamadaling pumasok sa C.R para maghilamos at mag-toothbrush.

"Uhh... mag-almusal ka muna. May ni-" natigilan sa pagsasalita si Tanner nang umiling si B sa kaniya at mabilis na tumungo sa pinto ng bahay.

"Hindi na. Baka wala na kaming abutan sa palengke."

"..."

"Sakit non par, first time mo siyang ipagluto tapos hindi pinansin HAHAHAHA todo bantay ka pa sa niluto mong longganisa para lang hindi masunog tapos dinedma ka," pang-aasar ni Craig kay Tanner. Na sa school sila dahil sa isang subject na kailangang pasukan.

"Gago. Hindi naman niya alam na ako 'yung nagluto."

"Sa bagay, kung nalaman niyang ikaw nagluto baka mas lalo niya lang hindi pansinin at kainin."

Tinignan naman ni Tanner nang masama ang kaibigan dahil sa naging sambit nito.

"Ano na plano mo?" tanong ni Craig.

"Ewan ko, ayoko maging planado ang lahat dahil baka isipin ni B na ginagawa ko lang ang lahat ng ito dahil sa konsensya ko. Mas okay siguro kung maging natural lang ako."

Napalingon at tinaasan siya ng kilay ni Craig sa mga sinabi nito, "Natural daw... eh simpleng paggising mo nga lang kay Beau, nagpa-panic ka na."

"Wala akong pake. Ganda niya matulog eh."

Umakto naman na nandidiri si Craig sabay tulak sa kaibigan, "Kadiri! Lumayo ka nga, Lover Boy!"

Hindi na rin nagpatagal sa school si Tanner at mas piniling umuwi kaysa sumama kay Craig mag-lunch. At siyempre, alam na alam naman ni Craig na gusto lang ni Tanner makita agad si Beau kaya nagmamadali itong umuwi.

"Oh nandito ka na pala, pakibigay mo nga ito kay Beau. Mahilig pala sa mangga 'yon," bungad ni tita Chi kay Tanner. Nagmano naman ang binata at kinuha ang tatlong pirasong hinog na mangga.

At dahil sa mangga, bigla na lang naalala ni Tanner kung gaano kamahal ni B ang prutas...

"Baka naman malugi ang business ninyo niyan sa mga binibigay mo sa akin?" tanong ni B na katatapos lang maglinis ng classroom.

"Hindi ah, at binabayaran ko naman sila kapag kumukuha ako."

Nagulat naman si B sa sinabi ng kausap, "Binabayaran mo magulang mo?"

Wala namang mali roon, akala lang kasi ni Beau na spoiled at puro hingi lang si Tanner sa parents niya.

"Yup. Hindi naman ako papayag na hindi ako 'yung gumagastos sa mga binibigay ko sa'yo."

Dahil sa sinabi nito ay pinipilit pigilan ni B ang ngumiti kaya kinuha na lang niya ang isang plastik ng mangga at inamoy-amoy ito.

"Matamis ba 'to?" tanong ni B na patuloy ang pagsinghot sa balat ng mangga.

"Siyempre! Galing sa akin eh dapat kasing sweet ko rin." sagot naman ni Tanner sabay kindat sa kausap.

At mas nahirapan si B na pigilan ang pagngiti sa naging sagot ni Tanner sa kaniya.

"Weh? Baka naman kasing asim mo at ng P.E uniform mo 'to?"

Napanganga naman si Tanner na parang hindi makapaniwala sa mga paratang ni B.

"Ahhhh gano'n? Kahit mag-amuyan pa tayo ngayon eh!" wika ni Tanner at marahang tinusok-tusok si B sa tagiliran para kilitiin.

"Maduga! Bakit ka nangangaliti?! Baka mabitawan ko 'tong hawak ko!!"

"Akala ko ba ayaw mo na niyan dahil baka maasim?"

"Pauso ka, wala naman akong sinabi na ayaw ko. Matamis or maasim, mahal ko ang mangga noh!"

"Kahit kasing asim ko at ng P.E uniform ko?" pagbibiro ni Tanner.

"Gross. Pero yes."

"Eh ako?" biglang tanong ni Tanner na bahagyang ipinagtaka ni B.

"Kahit maasim, mahal mo pa rin ako?"

Ang pinipigilang ngiti ni B kanina ay naging halakhak dahil sa naging tanong ni Tanner sa kaniya.

"HAHAHAHAHAHAH LECHE KA! MANDIRI KA NGA SA MGA SINASABI MO HAHAHAHAHA!"


Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon