CHAPTER 24

222 8 2
                                    

"Ahhh... haha ayon... nag-overthink lang naman ako buong maghapon." Ibinaling niya na ang tingin sa pagkaing na sa kaniyang harapan ngayon.

"Overthink? Bakit naman?" inosenteng tanong ni Beau sa kaniya.

Siyempre, magpapalusot siya. Alangan namang sabihin niyang nagseselos siya sa bagong kakilala ni Beau. Magmukha lang siyang tarantado. "Uh... wala, wala haha. Ang dami lang binigay na task tapos may mga upcoming exams pa kami."

"Wala man lang bang 'goodluck message' diyan?" dagdag pa ng matangkad.

"Kahit medyo bobo ka, kaya mo 'yan," ani Beau.

Bigla namang nasamid si Tanner sa narinig. Uminom siya ng tubig at tinignan ang kausap nang nakakunot ang noo. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa sinabi mo eh."

"HAHAHAHAHA gusto ko lang pagaanin 'yung nararamdaman mo. I mean, mahina na nga 'yung utak mo, mag-ooverthink ka pa." Alam nilang pareho na sinasadya na 'to ni Beau. Nag-eenjoy siya sa pangbabaliw.

"HAHAHAHAHA at talagang humirit ka pa ha," sambit ni Tanner at natawa na rin sa kalokohan ng kaharap niya. Napalakas tuloy ang halakhak ni Beau dahil naging successful ang kaniyang ginawa.

Nagdaan ang halos tatlong linggo na wala namang gan'ong pagbabago, patuloy pa rin silang binabaliw ng mga gawain sa eskwelahan. Hatid-sundo naman ni Tanner si Beau kapag nagtatama ang kanilang schedule, at kung hindi naman, alam na ni Beau kung paano mag-commute papunta't pauwi ng kaniyang school.

"May problema ba?" tanong agad ni Tanner nang pumasok ng bahay at makita si Beau na nanlulumo. Hindi naman ito sumagot at nanatiling bagsak ang katawan sa kaniyang kama.

"Nakapag-dinner ka na?" Beau. Nakikipag-usap ito nang nakahiga't nakatingin lang sa kisame.

10 pm na nang makauwi si Tanner dahil sa last subject nito. "Nakakain na po." Lumapit siya at lumuhod para maging ka-level niya ang kausap. "Pagod?"

Ibinaling ni Beau ang kaniyang atensyon sa binata at tinanguan ito. "Eh ikaw? Bagsak na 'yung mga mata mo oh," ngumuso pa si Beau para ituro ang mga pagod na mata ni Tanner. Totoo naman, iba 'yung pagod niya, parang anumang oras eh makakaidlip na siya.

"Buong magdamag nakatutok sa laptop eh," sagot ng nakaluhod at binigyan ng matipid na ngiti si Beau.

"O, edi pahinga ka na."

Mabilis na umiling si Tanner at tinapik ang ulo ng kausap. "Usap muna tayo. Musta araw mo?"

Nakaramdam naman ng gaan ng loob si Beau sa marahang paghaplos ni Tanner sa kaniyang buhok. Para bang hinehele siya nito. Bumangon siya't umayos ng upo. "Grabe, tambak agad ng mga gawain. Tanda mo pa 'yung prof ko na hindi sumisipot sa klase namin? Ayon, pumasok siya para lang magbigay ng project at mga readings. Umay talaga."

Ayaw niya sanang sabayan ang pagod ni Tanner eh, pero hindi na siya nakapagpigil na mailabas ang bigat ng kanyang nararamdaman. "Tapos na-elect pa ako as class president." Kasunod nito ang pagpapakawala niya ng malalim na buntong-hininga.

Taimtim naman ang pakikinig ni Tanner. Umupo na rin siya sa tabi ni Beau at nananatiling nakatingin sa kausap.

"Kakayanin ko ba?" tanong ng maliit habang nakatitig sa kawalan. Nilingon naman niya ang katabi at parang nangungusap ang mga mata habang naghihintay ng kasagutan mula rito.

"Alam nating dalawa kung gaano ka kaseryoso pagdating sa mga responsibilidad na dumarating sa'yo. Hindi ka rin natatakot na huminde lalo na't kapag alam mong wala kang kakayahang gampanan ito." Itinaas at ipinatong ni Beau ang kaniyang mga binti't paa sa inuupuang kama, niyakap ito at idinantay ang baba sa tuhod nito. "Kung hindi mo kaya, alam kong hindi mo tatanggapin. Pero tinanggap mo... kaya naniniwala rin akong kakayanin mo." mahinahong sambit ni Tanner.

Naiiyak si B. Wala na siyang pake kung dahil ba sa pagod kaya siya nagiging emosyonal sa mga sandaling 'to. Isabay mo pa ang malumanay na boses ni Tanner. "Salamat. Sa tiwala. Kahit noon pa man."

Nginitian siya ni Tanner at muling hinaplos ang kaniyang ulo. "Walang rason para hindi ako magtiwala sa'yo."

Iniwas agad ni Beau ang kaniyang tingin dahil nararamdaman niya na ang pamumuo ng kaniyang luha. Wala siyang ideya kung bakit ba nagiging iyakin siya pagdating kay Tanner.

"Totoo. Uto-uto ka kasi eh," pagbibiro niya, sinusubukang pagaanin ang nararamdamang emosyon.

"Well... kung ikaw naman mang-uuto sa akin, why not?" Natawa pa silang dalawa sa pabago-bago ng mood ng kanilang usapan, kanina seryoso pa sila, tapos ngayon nagbabaliwan na naman sila.

"At dahil diyan," wika ni Tanner at tumayo sabay naglakad para buksan ang t.v, "para mabawasan ang stress mo, manood na lang tayo ng movie."

"Eh? Akala ko ba pagod ka? Magpahinga ka na lan-"

"Horror movie. Bagong release lang."

Siyempre, alam na naman ni Tanner kung paano mapapapayag si Beau. Paborito nito ang mga horror or thriller movies at alam niyang inaabangan nito ang release ng panonoorin nila.

"Pause muna natin. Anong gusto mong kainin? May popcorn at chichirya pa tayo sa cabinet." Na sa kusina ngayon si Tanner, naghihintay sa sagot ni Beau sa kung anong pagkain ang kukunin.

"Na sa ref pa 'yung kiwi at orange, 'no? Ang tagal ko nang nagke-crave ng maasim."

"Alright. Maasim it is."

Inilatag naman ni Beau ang mat, kasunod ang extra na kutson na ginagamit nila sa tuwing magmo-movie marathon o tuwing maglalaro sila. Masakit sa katawan ang lapag lang.

Umupo na silang dalawa at idiniretso ang mga binti sa kutson, ginawa naman nilang sandalan ang mga binti ng isang kama nila.

"B... pagbalat mo naman ako ng prutas oh," pakiusap ni Tanner habang hawak nito ang orange.

Pinanliitan naman siya ng mga mata ni Beau. "Gusto mong ikaw balatan ko nang buhay?" Natawa ang kausap nito at nagpatuloy sa pagmamakaawa na tulungan siya. "Haynako, Tanner! Pati ba naman pagbabalat."

Actually, marunong naman talaga siya. Gusto lang niya lang magpa-baby kay Beau. Sa ngalan ng pag-ibig at kalandian, natuto siyang magmaang-maangan.

"Ang tagal mo namang i-play," sambit ni Beau habang nakatingin sa binabalatan nitong mga prutas. Naaamoy pa lang niya, naglalaway na siya sa asim eh.

"Tapusin mo muna 'yan." Hinintay muna ni Tanner na matapos si Beau sa kaniyang ginagawa at saka tumayo para patayin ang ilaw. Nang makabalik sa pwesto ay pinindot na nito ang play button.

"Excited ka masyado ha, matapang ka ba?" ani Tanner.

Kahit madilim, dama ni Tanner ang pagtitig at pagtaas ng kilay ni Beau sa kaniya. "Excuse me, boy scout ako nung grade 5 noh!" depensa ng maliit.

"HAHAHAHAHAHAHA! Ang tapang nga."

"Shhhh, 'wag ka na nga maingay! Isusungalngal ko sa'yo 'yang remote, 'tamo!"

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now