CHAPTER 21

257 10 0
                                    

"Hi. Good morning. Brunch na ikaw," ani Beau, "gigisingin sana kita kanina kaso ang himbing ng tulog mo eh."

Ang totoo niyan, late na nakatulog si Tanner. Buong magdamag ba naman siyang binagabag ng konsensya niya eh.

"Ay, oo nga pala! Tumawag mommy mo, sinabi ata ni Tita Chi na nilalagnat ka."

"Nabanggit mo na may lagnat ako?"

"Sorry, bawal ba? Hinahanap ka kasi ni Prince kanina eh, kasama si Tita. Ang sabi ko nagpapahinga ka pa kasi masama pakiramdam mo."

"No, hindi naman sa bawal. Sobrang mag-aalala kasi na naman 'yan sina mommy." Bumangon na mula sa pagkakahiga si Tanner at inayos ang kama bago dumiretso patungong banyo.

Medyo maayos naman na ang pakiramdam niya, kaunting pahinga at inom ng gamot na lang siguro ay magiging okay na siya.

Mabilis siyang napaiwas nang kakapain sana ang kaniyang noo ni Beau. "Uh, sorry. Nagulat lang."

Bakas sa mukha ng maliit ang halong gulat at pag-aalala. "Okay lang. Titignan ko lang sana kung mainit ka pa."

"Bukas, makalawa, okay na'ko." Kasinungalingan kung sasabihin na hindi niya iniiwasan si Beau. Lalo na tuwing magkakasalubong ang kanilang tingin sa isa't isa.

Inabot na lang ni Tanner ang kaniyang cellphone at sabay press ng call button para tawagan ang kaniyang ina.

"Momm—"

"Haynako Tanner! Nilalagnat ka na, hindi ka man lang tumawag sa amin ng daddy mo?! Gusto mo ata na malaman na lang namin kapag na-hospital ka na eh!" bulalas nito.

"Mom, pagaling na rin naman po ako. Ayoko lang na mag-alala pa kayo HAHAHAHA."

"Nanay mo kaya ako, malamang mag-aalala ako!"

"Opo... sige na po. Masyado ko na pong pinaghihintay ang pagkain," sambit ng matangkad at hinihintay na lang ang pagpapaalam ng ina bago ibaba ang telepono.

"Bigay mo kay Beau 'yung cellphone. Jusko Tanner! Paano na lang kung wala si Beau?!" hirit pa ng ina nito na mas lalong nagpakonsensya sa kaniya. Walang ibang ginawa si Beau kun'di ang alagaan siya tapos... ang igaganti niya ay isang kabastusan.

Iniabot niya ang telepeno sa maliit. "Hello po, Tita," ani Beau.

Ilang minuto lang ang itinagal bago nito sabihin na ibinaba na ang tawag ng nanay niya at sabay balik ng cellphone sa kaniya.

"Ang bilis mo naman kumain, matatapos ka na agad?" tanong ni Beau nang mapansin na halos maubos na ang pagkain sa plato ni Tanner.

Malamlam na ngiti lang ang ibinigay sa kaniya nito. Baka dahil sa pagod. "Iwan mo na lang pinagkainan mo, ako nang bahala." Sinunod naman ito ni Tanner at akmang tatayo na.

"OMAYGAD!" bulalas ni Beau nang maduwal si Tanner. Mabilis namang natakpan ng matangkad ang kaniyang bibig para pigilan ang masuka nang tuluyan.

Nang makarating sa banyo, agad naman niyang isinuka't idinura ang mga laman ng kaniyang bibig. Halos maluha-luha. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Beau, kasabay ang paghagod nito sa likod ng binata.

"Magmumog ka muna. Kaya mo bang mag-take ng tubig? Or ice cube na lang, para ma-hydrate ka kahit papaano," sunod-sunod na bigkas ng maliit. Alam niyang hindi ideal ang mataranta sa mga sitwasyon na tulad nito pero... hindi niya mapigilan ang sarili na, kahit papaano, mag-panic.

Akala ko gumagaling na siya?

Tumungo si Beau sa kitchen area para kumuha ng ice cubes mula sa kanilang refrigerator. At habang patuloy siya sa paghihiwalay ng mga magkakadikit na yelo, nakaramdam na lang siya bigla ng pagpatong ng isang ulo sa kaniyang balikat.

"Ay, sorry, hindi ko mabiyak 'yung yelo eh. Teka lan—"

"Sorry. I'm sorry, B," ani Tanner. Ulong nananatiling nakapatong sa balikat ng maliit... para bang itinatago nito ang hiya't hindi makatingin sa mga mata ni Beau.

"Sorry saan?" Iniikot ni Beau ang kaniyang katawan at kinapa ang magkabilang pisngi ng matangkad para iangat ito.

"Tanner, huy..." Sa halip na bigyan siya ng kasagutan, marahang umiling si Tanner sabay kumuha ng pirasong yelo at bumalik sa kaniyang higaan.

Naiwang naguguluhan si Beau. Wala siyang ideya sa kung saan patungkol ang naging sambit ng kausap niya kanina.

"..."

"Baka lang feeling niya nagiging pabigat siya sa'yo, kaya nagso-sorry." Kausap ni Beau si Khyla sa telepono. Napagdesisyunan na lang muna niyang bumili ng mga prutas na pwedeng ipakain kay Tanner.

"Ang over! Okay pa naman kami kagabi, walang masamang nangyari. Ewan ko, bakit bigla na lang siyang humihingi ng paumanhin."

"Or baka naman... malay mo... dahil pala sa nangyari dati," Natigilan siya sa naging turan ng kaibigan niya.

Hindi pa pwede.

"Sige na, message na lang ulit kita kapag nakauwi na'ko, paubos na data ko." Palusot. Talagang pinili lang niyang iwasan ang usapan tungkol sa nakaraan. Alam niyang matagalan niya nang gustong marinig ang panig ni Tanner pero... hindi pa sa ngayon.

'Wag muna.

Nagkakamabutihan na silang dalawa, kaya ayaw niya munang masira ito lalo na't matagal-tagal pa siyang maninirahan sa Maynila.

Kaso...

Hindi naman niya inakala na lilipas nang halos isang linggo ang malamig na pagtrato sa kaniya ni Tanner.

"Magaling naman na siya ah, bakit parang ang lamya pa rin niya pagdating sa akin?" tanong ni Beau sa sarili.

Tuwing paggising, wala na 'yung masigla at punong-puno ng energy na binata. Tapos, tuwing magsasabay sila ng kain, lagi na lang itong nagmamadaling matapos. Sa tuwing uuwi naman siya mula sa eskwelahan, tatanguan lang siya, sabay wala na.

Ganong-ganon na lang. Sobrang nakakapanibago at ayaw ni Beau sa ganito.

"Tanner," pagtawag niya sa binata.

Ginabi na naman siya.

"Kumain na'ko," agad na sambit ng matangkad. Ibinaba nito ang mga gamit niya at kinuha ang tuwalya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Nilingon lang siya nito nang saglit at nagpatuloy ang paglalakad patungong banyo. "After ko na lang maglinis."

"Tapos sasabihin mo na inaantok ka na? Kesyo, bukas na lang ulit?" diretsong tanong ni Beau.

Napatigil si Tanner sa kaniyang kinatatayuan. Sabay ikot para harapin siya. "M—May problema ba?"

"Ako, wala. Ikaw?" Walang pagbabago sa tono niya. Nananatiling iisa.

"W—Wala naman... baki—"

"'Wag mo'kong gawing manhid."

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now