CHAPTER 17

198 9 0
                                    

"So saan tayo magsisimula?" wika ni Beau nang makapasok sila sa ukay-ukay.

Bago pa makapagsalita si Tanner, nahila na siya agad ni Beau sa bandang gitnang harap ng silid. "Huyyy, bagay sa'yo 'to! Iniangat naman niya ang hawak na damit at idinikit sa dibdib ng matangkad para sukatin at tignan kung babagay ba ito.

"OMG! Bagay 'yung blue sa'yo kasi moreno ka." Nakangit lang si Tanner habang pinagmamasdan ang sinisinta. Marami siyang branded na damit sa bahay, pero kapag sinabi ni Beau na bagay sa kaniya 'yung damit, wala na siyang pake kung branded man o hindi.

Basta pogi ako sa paningin niya. Isip ni Tanner at kinuha ang damit mula kay Beau. Bibilhin niya siyempre.

"Alin dito sa dalawa? Ano sa tingin mo?" tanong ni Beau habang pabalik-balik ang tingin sa dalawang kasuotan na hawak niya.

"'Yung blue na lang." Mabilis na sagot ng matangkad.

Para same color tayo hehe.

"By the way, anong ganap pala sa event na pupuntahan natin?"

"Welcoming lang para sa mga freshmen na bagong member ng organization."

"Eh bakit pwede outsider? Baka hindi ako maka-relate sa inyo HAHAHAHA."

"One way of promoting the school and the organization. Also, nando'n naman ako, hindi naman kita pababayaan," sambit ni Tanner at tinapik ang ulo ni Beau.

"Dapat lang. Kapag iniwan mo ako mag-isa, isisigaw ko na tumae ka sa underwear mo," pabulong na turan ni Beau at pinipigilan pang matawa.

Sapat naman ang lakas ng boses ng maliit para marinig ni Tanner. "HUH?! A—ANONG TUMAE?! WHAT THE HECK, B?!" bulalas nito habang magkasalubong pa ang mga kilay dahil sa hindi siya makapaniwala sa naging turan ni Beau.

"HAHAHAHAHAH! Nakita ko sa sampayan m-"

"Mantsa! Namantsahan lang 'yon kasi naisama ko sa dekolor. At teka nga... bakit mo tinitignan underwear ko? Ikaw ha..." pinanliitan pa siya ng mga mata ng matangkad na para bang nang-aasar.

"Hoy! Hindi ko kasalanan na ibinabalandra mo 'yung sinampay mo 'no!" depensa naman ni Beau.

"Sus... sabihin mo lang kung may gusto kang makita..."

"YUCK! BASTOOOOOOS!!" sabat agad ng maliit at marahang hinampas si Tanner ng hawak na hanger.

Nagmamadali namang naglakad si Beau patungong counter para magbayad at para umiwas na sa panunukso ni Tanner.

"Uwi na tayo para makapaglaba pa ako. Ako na rin maglaba ng iyo para hindi aksayado sa tubi— ANO NA NAMAN BA?! BAKIT NATATAWA KA NA NAMAN?!" iritang wika ni Beau nang makasakay sila sa kotse.

Nagkibit-balikat lang ang na sa driver's seat at nginisian siya.

"Sige mang-asar ka pa... hindi na ako sasama bukas." Inirapan naman niya ang kasama at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

"HAHAHAHAHA huyy! Joke lang, 'to naman. Bili na lang tayo halo-halo."

Siyempre, ano pa bang magagawa ni Beau kung usapang pagkain na. Lalo na't patok na naman ang halo-halo at mga palamig.

Doon na lang sila bumili sa tapat ng bahay nila para hindi rin agad matunaw ang yelo.

"Gusto mo pa? Leche flan at ube?" Nanlaki naman ang mga mata ni Beau sa tanong ni Tanner.

"Seryoso?! Ikaw ha, crush mo ko 'no?" mabilis namang naitikom ng maliit ang kaniyang bibig nang ma-realize niya ang kaniyang sinabi.

"Anong crush... baliw na baliw na nga ako sa'yo."

"Sabi nila kapag mahal mo... ipaglalaba mo..." hirit ni Beau, sinusubukang hindi maging awkward ang sitwasyon.

Success naman, napatawa pa si Tanner sa sinabi niya. "HAHAHAHA sige na, ako na maglalaba. Baka... kung ano na namang tignan mo sa damit ko."

"ANG KAPAL, KAPAL, KAPAL MO TALAGA!! SINASABI KO SA'YO K-"

"Nye nye nye nye nye nye, wala akong naririnig..." pang-aasar pa ni Tanner at nagtakip pa ng mga tenga habang naglalakad papuntang washing machine.

Madali namang lumipas ang mga oras at walang ibang ginawa ang dalawa kun'di ang magpahinga. Pagtapos kasi nilang maglaba at magluto, pinili na lang nilang magpahinga dahil masyadong nakapanghihina ang init kahit na naka-aircon pa sila.

"..."

"Good morning. Sorry, medyo uminit ba? Nagluto na ako ng breakfast natin... kaso..." Nag-aalinlangan pang magsalita muli si Tanner sa kagigising lang na si Beau.

"Kaso?" Tumayo ang maliit at nanghihinang tumungo sa c.r para mag-brush ng ngipin. "Oh gosh... hindi ko naman nabanggit na nagke-crave ako ng sunog na tapa HAHAHAHA." patawang sambit ni Beau nang masilayan ang nakahain sa lamesa.

"Sorry. Promise, binantayan ko naman talaga 'yan eh. Nag-ayos lang ako ng mga plato't baso, tapos... ayan, nasunog agad." mahinang turan ni Tanner at ngumuso.

"Sana kasi ginising mo na lang ako, akala ko ba nagkasundo na tayo na ako ang magluluto?"

"Oo nga, pero kasi ang himbing ng tulog mo eh."

Tinapos muna ni Beau ang morning routine niya bago niya balikan ang usapan nilang dalawa. Medyo natatawa na naaawa pa nga siya sa tuwing napapalingon siya sa gawi ni Tanner.

Ang aga-aga nakasimangot agad HAHAHAH. Isip ni Beau.

"Patingin nga," wika pa niya at sabay kumagat ng parte ng tapa. "Ano ka ba! Okay pa 'to!"

Dadakmain pa sana ni Tanner ang kamay ni Beau para kunin ang natitirang karne. "Baka sumakit lang tiyan mo."

"OA ka! Natusta lang pero hindi sunog. At saka, hello, nakakalimutan mo na bang matibay ang sikmura ko."

Hindi na nagpapigil ang maliit kahit ano pa ang sabi ni Tanner sa kaniya. Naniniwala kasi siya na may mga pagkakataong ganito. Kahit naman din siya na marunong magluto, hindi palaging perfect ang mga putaheng niluluto niya.

Wala naman na silang dapat asikasuhin bukod sa pagpaplantsa, kaya naging mabilis ang kanilang pagkilos at paghahanda para sa gaganaping event sa school ni Tanner.

"Seatbelt po."

"Paano kung hindi ako maka-relate sa mga tao ro'n? Parang yayamanin mga schoolmates mo eh," tanong ni B habang nila-lock ang seatbelt.

"As I said, nando'n naman ako. At saka, kapag may nagpakita ng hindi magandang attitude sa'yo, bawian mo HAHAHAHA."

"Parang ayoko... baka masira pa image mo sa school mo 'no!"

"Wala akong pake. May iba talaga sa kanila na spoiled brat kahit na sa college na. Turuan mo sila ng leksyon, mas malditahan mo."

Natawa naman nang bahagya si Beau sa sinabi ni Tanner. "Ikaw ba talaga 'yan? Si Tanner na prim and proper?" tanong niya sabay side-eye.

Nang makarating sila sa school, agad na sumalubong sa kanila si Craig.

"Welcome, Craig pala." Inilahad ni Craig ang kaniyang palad para makipag-shake hands kay Beau.

"Hi, Beau," sagot naman ng maliit.

Pumunta si Craig sa gilid ng kaniyang kaibigan nang maglakad na sila papuntang venue.

"Maganda siya, kaya pala patay na patay ka," bulong ni Craig. Nilingon naman agad siya ni Tanner at binigyan pa ng masamang tingin.

"Kung makatingin ka naman, hindi ko 'yan aagawin sa'yo tanga." 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now