CHAPTER 9

264 11 1
                                    

"AHHHHHHHH PUNYETA KA!!! KINIKILIG NA AKO SA RELASYON NINYO!!! SANA AKO RIN MASABIHAN NG MAGANDA LECHE!" reaksyon ni Khyla nang maikwento ni Beau ang lahat ng nangyari kahapon.

Ngayon lang sila nakapag-usap dahil alam niyang hindi siya titigilan ng kaibigan once na magkwento siya. Magka-video call sila para daw mas dama ang story telling ni Beau.

"So ano na?!! Anong next?" hirit pa ni Khyla na ngayo'y nagpapahid ng kolorete sa mukha.

"Wala nang kasunod. Umuwi na kami tapos ayon naglaro buong magdamag. Saan pala punta mo? Ang aga-aga si make-up ka na agad."

"Gagawa lang ng project."

Napangisi naman si Beau sa sinabi ng kaibigan.

Project daw?

"Ulol. Ako pa niloko mo, lalandi ka lang eh!"

"Huy gago ka! 'Wag ka maingay, marinig ka ni mama! At saka ano naman, ikaw nga diyan pa sa Maynila lumalandi eh!" ani Khyla, "nasaan pala 'yang roommate slash almost-lover mo?" dagdag pa nito.

"Pakyu, dami mo na namang pauso. Umalis lang saglit, sinamahan 'yung tita niya mamili."

"Yieeee ina-update siya kahit hindi naman obligado," pang-aasar ni Khyla at tinawanan pa ang sarili.

"Sana maamoy ng ka-date mo kung gaano kabaho ugali mo hehe," asar pabalik ni B at nginitian pa ang kausap.

Sa gitna ng asaran nilang magkaibigan ay narinig na lang nila ang katok mula sa pinto ng kwarto ni Khyla.

"Nabigyan ka na ng pamasahe ng mama mo?" bungad ng tatay ni Khyla. "Oh Beau?! Kumusta ka riyan?" tanong naman nito nang makita si B sa screen ng selpon ng anak.

"Ay tito, good morning po! Okay naman po, mabilis din naka-adjust. Kayo ho, kumusta?"

"Heto, gwapo pa rin! Mabait ba mga tao riyan?"

"Opo naman. Oo nga po pala, nabanggit ni Khyla na sa inyo na raw po madalas nakikikain si Karlo? Nakakahiya man ho pero salamat nang marami."

"Para namang bago kayong magkapatid sa amin, sa amin ka pa nahiya. Baka kapag narinig ka ng tita mo eh magtampo pa sa'yo HAHAHA."

Magkumare kasi ang mga nanay nilang dalawa dahil sabay nitong ipinalaki sina Beau at Khyla. Ito na rin ang naging kasangga at takbuhan ng inay niya tuwing nagkakaalitan ang mga magulang niya. Higit sa lahat, ang pamilya rin ni Khyla ang tumulong sa inay niya para makapag-abroad.

"Ehem, ayaw ko man abalahin ang inyong usapan pero need ko nang umalis hehe next time na lang ulit," pagsingit ni Khyla at bumeso pa sa ama para magpaalam at may pa-flying kiss pa sa screen ng selpon bago ibaba ang call.

Pinatay na lang ni B ang computer at dumiretso sa kaniyang mga tanim. Dapat talaga eh nagluluto na siya ngayon ng kaniyang lunch, nilang dalawa pala, kasi kahapon sa biyahe nila, nagtanong si Tanner na kung pwede raw bang makihati siya sa mga niluluto ni B.

"Beau? Pwedeng makisabay ako sa mga niluluto mo?" tanong ni Tanner nang mag-red light at huminto ang sasakyan.

"Hindi ka ba nagluluto? Paano ka nakakakain eh mag-isa ka lang 'di ba?" pagtataka at tanong pabalik ni B.

"Kina Tita Chi, deliver, or sa school na ako bumibili." sagot naman ng binata at nginitian pa si B sa sinabi.

"Ako na lang sa mga bilihin, sabihan mo na lang ako ng mga kailangan tap-"

"Huh?? Wait! Teka lang!" bulalas ni B at nag-stop sign pa gamit ang kamay. "Malulugi ka sa mga pinagsasabi mo. Anong sa'yo ang bilihin, alam mo ba kung gaano na kamahal ang mga sangkap?"

"Yup. I mean, ako na nga 'yung magpapasabay eh at para hindi na ako nakikihati kina tita."

Hindi pa rin maproseso ni B kung anong tumatakbo sa utak ni Tanner. Kahit saang anggulo tignan, luging-lugi si Tanner sa offer niya.

"Sa'yo na 'yung kalan at gas, tapos sa'yo pa rin 'yung mga sangkap? Bait mo naman, baka kunin ka na ni Lord."

"So... deal? Please?" pagmamakaawa nito.

"Sino ako para tumanggi sa biyaya?"

At ngayon na na nga nagsimula ang sinasabing deal nilang dalawa.

"B?" rinig ni Beau na may tumatawag sa kaniya. Agad naman siyang naglakad paalis sa mini garden upang tignan ang bagong dating na si Tanner.

"OMG. Bakit ang dami mong dala?" gulat na tanong ni Beau nang madatnan niya ang binata sa kusina.

"Pang-isang linggong stock natin?" pagtataka ni Tanner.

"Sure ka? Eh bakit parang magpapa-fiesta ka?"

"Ahh, bumili na rin ako ng snacks at mga inumin para... alam mo na... kapag naglalaro tayo hehe."

Napatulala na lang si B at pinanood na magpatuloy si Tanner sa pag-aayos sa mga pinamili.

WOW. Medyo overwhelming. Pakiramdam ni Beau.

Siguro dahil hindi siya sanay sa ganitong pamumuhay nung na sa probinsya siya.

"Ano palang lulutuin mo, B?"

"Ahhh-uhmm ikaw ba... anong... gusto mong ulam?" tanong pabalik ni Beau na hanggang ngayon ay medyo overwhelmed pa rin.

"Kahit ano, basta luto mo." tugon naman ni Tanner sabay ngiti sa kausap.

Kahit ano pala ha.

"May binili ka bang ampalaya? Parang gusto ko mag-ampalaya," kunwaring seryosong sabi nito.

"B naman, alam mong ayaw ko sa ampalaya eh," sabat naman ni Tanner sabay pout.

"HAHAHAHA akala ko ba sabi mo kahit ano?"

"Gusto mo ba talaga ng ampalaya? Susubukan ko kung kay-"

"HUY! Joke lang, ito naman. Adobo na lang para mabilis?"

Nagliwanag naman ang mga mata ni Tanner sa narinig. Paborito niya kasi ang adobo ni Beau kahit na kailangan niyang magtiis sa anghang nito tuwing binibigyan siya noon during lunch break nila sa school.

"Hindi ko na masyadong aanghangan, alam ko namang mahina kang nilalang," pagyayabang at pang-aasar ni Beau.

"Ahhh ganon... ikaw nga maamoy mo lang 'yung amoy ng sinigang nasusuka ka na eh," bawi ni Tanner at nagkibit-balikat pa.

"Bumoboses ka pa ha, ikaw nga makakita ka lang ng balut parang maduduwal ka na eh," banat naman ni B, "sige subukan mo pang humirit, lalasunin kita."

Humagalpak sa tawa si Tanner sa huling sinabi ni Beau. "Buti na lang maganda ka, bagay sa'yo mapikon."

Hindi na ito pinansin ni Beau at nagsimula nang magluto.

Tumatapang ah. Isip ni Beau.

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now