CHAPTER 13

229 7 0
                                    

Mabilis na sumapit ang sabado kaya todo asikaso ang dalawa; si Beau, para sa mga dadalhin niyang requirements at si Tanner naman ay ang kaniyang mga plano at palusot para makasama lang nang mas matagal si Beau.

"Ready ka na, wala ka nang nakalimutan?" pambungad na tanong ni Tanner habang nakatingin sa kasamang kapapasok at kauupo lang sa sasakyan.

"Yup, nag-double check naman ako. Ikaw?" balik na tanong ni B sa kausap.

Tumango at nag-smile naman ito sabay maneho palabas ng kanilang gate.

"Seatbelt, po." paalala ni Tanner.

Buti na lang talaga at hindi nag-commute si B dahil tirik na tirik ang araw.

"Ano 'to, preparation ng mga bading sa impyerno? Ang init nakakaloka!" bulong ni Beau sa sarili nang makababa mula sa sasakyan.

Mabilis lang naman ang biyahe dahil malapit lang sila at wala pa namang traffic. Tanging ang makasunog-balat na init lang ang nagpaparusa sa kanila.

"Wait na lang kita sa sasakyan, bawal ata nang may kasama," turan naman ng matangkad at itinuro pa ang signage na may nakasulat na tanging ang enrollee lang ang pwedeng pumasok sa loob ng paaralan.

"Hala shocks! Oo nga... sorry, hindi ko alam."

Umiling naman agad si Tanner para sabihing ayos lang siya at walang dapat ikapaumanhin. "Okay lang, magsa-soundtrip na lang ako sa kotse HAHAHA."

Pumayag na lang si B at nangakong bibilisan niya kahit na hindi naman niya alam kung magiging mabilis talaga ang proseso ng enrollment.

Nakakapanibago't nakapanliliit ang naramdaman ni Beau nang makapasok ito sa loob ng pamantasan. Ganon naman talaga eh, lalo na't panibagong simula ito para sa kaniya.

Kaya mo 'yan! Daanin mo sa ganda, rumampa ka! Pange-enganyo nito sa sarili.

Sa kabilang dako naman ay ang hindi mapakaling si Tanner. Gusto niyang ilibot si Beau sa buong Intramuros kaso hindi niya alam kung gugustuhin ba ito ng binata dahil sa init.

National Museum!

Naalala niya na mahilig nga rin pala sa Arts at History si Beau. Isa sa mga talento nito ang pagdo-drawing, lalo na ang mga portraits.

"Lord, bigay ninyo na po sa akin 'to. Sana hindi na pumalya, please, please, please..." dalangin nito.

"Ay gagu!" Napabalikwas ito sa driver's seat nang bigla na lang may kumatok sa pinto, si Beau.

"Bakit ang bilis mo?" sambit ni Tanner nang maka-upo si Beau sa passenger seat.

"Gulat nga rin ako eh, maiksi pa lang 'yung pila at saka wala namang kulang sa mga pinasa ko kaya nakalabas agad ako."

"Hindi ka man lang naglibot around the campus?" sunod na tanong nito.

"Hindi na, ayaw naman kitang paghintayin 'no!" sagot ni B habang nagpupunas ng kaniyang pawis sa noo.

"Okay nga lang ako HAHAHA!"

"Eh ako nga hindi okay na pinaghihintay ka! Bakit ba parang gusto mo pa akong pabalikin?" pagtataray ni Beau sa kausap at inirapan pa ito. "Nakikisabay ka pa sa init ng panahon ha, kapag ako na-badtrip... ikaw magluluto ng sarili mong ulam nang isang linggo."

Napahagalpak na lang sa tawa si Tanner at pinisil-pisil pa ang pisngi ni B. "Napakapikunin talaga ng baby na 'yan huhuhu-" Napatigil na lang siya nang ma-realize na nakatitig lang si Beau sa kaniya na halatang nagulat sa ginawa niya. "Ehem, I mean... ano kasi... h-hindi pa ata open 'yung National Museum," sambit nito at napakamot pa sa likod ng ulo.

"NATIONAL MUSEUM?! Pupunta tayo?!" bulalas ni Beau. Halata ang kasiyahan at pagkasabik sa mga mata nito.

At sa segundong 'yon, alam ni Tanner na tama ang desisyon niyang dalhin ang sinisinta sa Pambansang Museo.

Nagpalipas na lang sila ng oras sa pagkuha ng mga litrato. Si Tanner ang nag-alok na mag-picture na lang sila para may alaala sila ng pagpunta nila sa Intramuros.

"'Yan! Isa pa! Nice! Okay, smile!"

"Alam mo... parang pinagtitripan mo na lang ako. Kanina mo pa ako kinukuhaan ng picture, tapos kung ano-ano pang pose pinapagawa mo sa akin," sabi ni Beau.

"Wow, ngayon mo lang napansin?" Umakto pa ang matangkad na parang nagulat.

"Aba'y tarantado ka pala eh! Ayoko na nga, bahala ka sa buhay mo! Delete mo na lang mga pictures ko leche ka!" bulalas nito at kumaripas ng lakad pabalik sa sasakyan.

Natatawa namang hinabol ni Tanner si Beau at paulit-ulit na sinabing "joke lang".

"Huy sorry na nga eh, dinamihan ko lang 'yung pictures mo para marami kang pagpilian. Dali na, 'wag ka na magalit, hindi kita pinagtitripan, promise!" paliwanag nito at tinaas pa ang palad para manumpa na totoo ang kaniyang mga sinabi.

"Eh bakit ako lang pini-picture-an mo? Tapos nakangiti ka pang nakatingin sa screen."

"Kasi mahiyain ako sa harap ng camera..."

...at ang cute mo kasi kaya hindi ko mapigilang ngumiti. 

"Eme ka! Sabihin mo, nage-enjoy ka dahil binabaliw mo 'ko!"

"HAHAHAHAHAHA hindi nga!" depensa ng mas matanda.

"Ewan ko sa'yo! Kapag ako talaga nainis sa loob ng museum, sesementuhan kita at idi-display kita nang buhay!"

"Ganon? Edi ako na magiging pinaka-gwapo sa lahat ng naka-display ro'n."

Napanganga naman si Beau sa sambit ng kasama niya. "Hindi naman ako na-inform na kasing kapal pala ng tig-te-tres na yelo 'yang mukha mo!"

"Sus... parang nung nakaraan lang... sinabihan mo ako ng gwapo." hirit naman ni Tanner.

Hindi naman na sumagot si Beau at umakto na lang na nasusuka ito sa kayabangan ng kaniyang katabi.

"Woah... ang ganda..." marahang sambit ni Beau nang makapasok sa loob ng museo. Manghang-mangha siya, marahil hindi niya inaakala na ang dating naririnig lang niya ay sa wakas, mapupuntahan din niya.

"Pssst... Tanner... doon tayo mag-start," bulong ni B at tumingkayad pa para maabot ang tenga ng matangkad.

Tila nagpintig naman ang tenga ni Tanner sa pagdampi ng hangin na nagmula sa bibig ng mas bata.

Nakasunod na lang siya't pinagmamasdan ang nasasabik na maliit.

"Ayaw mo talaga mag-picture?" pambungad na tanong ni Beau na nakalingon ngayon sa kaniya.

"Kuhaan sana kita ng picture dito oh... feel ko babagay 'yung outfit mo sa painting na 'to," dagdag naman nito bago pa man makasagot si Tanner. Bakas sa mga mata nito ang paghanga habang nakaturo sa sining na kanilang nasisilayan sa puntong 'yon. "Dali na, picture-an kita."

Siyempre susunod siya kahit camera-shy, kasi paano naman siya makakatanggi kung umaapaw ang kasiyahan sa mukha ng sinisinta.

Naglakad siya palapit sa likhang sining, nagdadalawang isip kung ano ang magiging pose niya. Sa huli, nag-smile na lang siya habang ang mga kamay ay na sa loob ng mga bulsa ng kaniyang pantalon.

Si Beau naman, gamit ang cellphone ni Tanner sa pagkuha ng litrato, ay lumapit sa nahihiyang matangkad sabay pakita ng cellphone screen dito.

"Oh 'di ba... ang gwapo mo." sambit ni B.

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon