CHAPTER 11

208 7 0
                                    

"Sorry sa kanina. Bati na tayo, please?" tanong ni Tanner at iniabot ang plastic na puno ng kwe-kwek , apology gift kumbaga.

"Wala 'yon haha. Sorry din," tugon naman ni Beau at tinanggap ang peace offering.

"Naiintindihan ko naman. Medyo sumosobra na mga ginagawa ko at alam kong napapansin mo rin."

"Alam mo naman pala eh, bakit hindi ka pa tumitigil?" diretsong sambit ni Beau.

Parang suntok sa tiyan ni Tanner ang naging tanong ni Beau. Makirot, samahan mo pa ng mga matang tila walang emosyon na nakatingin sa kaniya ngayon.

"Gusto ko lang na... alam mo 'yon... maging maayos 'yung samahan nating dalawa."

"Gusto ko rin naman. Ang akin lang, hindi mo obligasyon gawin lahat ng mga ginagawa mo. Sapat na 'yung pakitunguhan mo ako nang maayos bilang normal na kasamahan mo rito sa bahay," ani Beau, "so... okay na tayo? Tulungan mo akong ubusin 'to HAHAHAHA," dagdag pa nito at lumakad na papuntang kitchen counter.

Naiwan namang naguguluhan si Tanner sa kaniyang kinatatayuan. Dapat masaya siya kasi naresolba na ang kung anumang nangyari sa pagitan nila kanina pero bakit may lumbay?

Dahil ba sa pagka-prangka ni Beau? Pero sanay naman na siya rito kahit noon pa man.

Or baka naman kasi nag-set ito bigla ng boundaries?

Na isa lang siyang kasamahan sa bahay, hindi man lang kaibigan o ano. Kasamahan lang.

Paunti-unti, Tanner. Isip nito sa sarili.

Sa gitna ng pag-iisip ni Tanner ay ang sunod-sunod naman na katok mula sa kanilang pinto. Nagkatinginan pa silang dalawa sa pagtataka.

"Tanner?" tawag na nanggagaling sa isang boses ng babae. Mabilis namang lumakad at pinagbuksan ni Tanner ang tao sa labas ng kanilang tirahan.

"Angel?"

"Why do you look so surprised? Sabi mo sabay na tayong gumawa ng project?"

"Oo nga, pero pwede namang through online meeting na lang at wala akong sinabing dito tayo sa bahay gagawa?" diretsong sambit ni Tanner.

"Ihhh mas gusto ko sa personal eh at saka... your house kaya ang pinakamalapit from school, kaya here na lang tayo hehe," ani Angel at hindi na pinansin pa si Tanner at pumasok na lang sa bahay.

Napatigil naman ito nang masilayan si Beau na hanggang ngayon ay nilalamutak ang mga kwek-kwek.

"Oh... may iba ka palang bisita," turan ng dalaga at nag-smile pa kay Beau. "Hello, I'm Angel, classmate ni Tanner... and you are?"

"Beau. Kasamahan ni Tanner dito sa bahay."

Agad naman na nagkasalubong ang mga kilay ni Angel dahil sa narinig. "Housemate?"

"Ahhhhhh..." Nag-pause pa ang babae saglit habang sinusuri si Beau mula ulo hanggang paa. "Relative?" sumunod na tanong nito.

"No," sagot naman ni B at umiling.

"So... ano?" Lumakad pa ang babae papalapit sa pwesto ni Beau nang hindi binibitawan ang tingin nito.

"Angel, simulan na natin 'yung project nang makauwi k-" sisingit pa sana sa usapan si Tanner nang magsalita ulit si Beau.

"Tanner's ex..."

Bakas sa mukha nung dalawa ang pagkagulat, lalo na si Tanner. Para bang nabingi siya sa naging turan ni B.

"...ex classmate, high school." dugtong ni Beau at nginitian ang babaeng kaharap.

Nage-enjoy si Beau; enjoy na enjoy niya ang tensyon na bumabalot sa bahay. Hindi naman sa gusto niyang asarin si Angel pero alam niyang may naging epekto ang mga salita niya kanina sa babae, at dahil bored siya, bakit hindi niya gawing entertainment ang siwasyon nilang tatlo ngayon lalo na't ramdam niya ang palihim na pasulyap-sulyap ni Angel sa kaniya kanina pa.

Si Tanner naman seryosong-seryoso sa ginagawa nilang project. Gusto niya na talaga matapos ito nang mabilisan nang makaalis na ang kaklase niya. Hindi naman kasi niya inaakala na pupuntahan siya sa mismong bahay niya at magpupumilit na doon na lang sila gumawa.

Hindi kasi siya komportable sa mga unannounced appearances tulad nito, lalo na't wala rin siyang nabanggit kay Beau na may bisita siya.

"Here. Check mo na lang pag-uwi mo tapos send mo sa akin mga kailangang i-revise sa proposal," ani Tanner at iniabot ang hawak na USB flash drive sa babae. Nag-unat pa ito nang makatayo.

Halos limang oras din ang itinagal ng paggawa nila at kita niyang medyo madilim na ang kalangitan nang sumilip siya sa bintana.

Si Beau ay na sa bahay ng tita niya para naman daw makapag-focus ang magkaklase sa project nila. Pipigilan pa nga sana ni Tanner si Beau na lumipat sa kabilang bahay dahil mas gusto niyang nararamdaman ang presensiya nito, pero anong irarason niya para lang mag-stay si Beau sa loob kasama siya?

"Tanner... uhmm wala kasi akong... wala akong ma-book na car pauwi, pwede mo ba akong ihatid? Please? I'll pay you na lang para sa gas hehe." sambit ng babae at nginitian pa nang malawak si Tanner.

Walang ma-book? Palusot. Isip naman ng binata.

Pero siyempre, para makasigurado at maging panatag ang loob niya, pumayag na rin siyang ihatid ang babae; responsabilidad pa rin naman niya ito.

"Sige lang, start ko lang 'yung kotse."

Actually, pupuntahan niya talaga si Beau para tignan kung anong ginagawa nito at aalukin na sumama sa paghatid kay Angel.

Dinner date hehe.

Marahan siyang kumatok sa pinto ng tirahan ng kaniyang tiyahin at agad naman niyang nakita si Beau na nakikipaglaro ng mga kotse-kotsehan kasama ang pamangkin niya. Lumingon naman ito sa gawi niya kaya nginitian niya ito at kinawayan.

Mabilis namang lumapit si Beau para tanungin kung tapos na ang paggawa nila ng project.

"Katatapos lang namin. Sama ka?" Itinaas pa niya ang hawak na car keys at ipinakita kay B.

Napakunot naman ang noo ng mas maliit na binata sa pagtataka. "Saang lupalop ng mundo ka na naman pupunta?"

"Hahatid ko lang si Angel, wala raw ma-book na sasakyan eh."

"Tanner! Let's go na?" pagtawag ni Angel na kalalabas lang ng bahay.

"Sama ka na, please. Kain na rin tayo ng dinner para hindi ka na magluto," sambit ni Tanner at pinagdikit pa ang mga palad, nagmamakaawa.

"Ehhh... may bahaw pa tayo, baka mapanis lang, sayang naman."

"Bili na lang tayo ng ulam. Pares at inihaw! Uyyy... natatakam na 'yan!" Mahinhin pa niyang tinusok-tusok ang tagiliran ni Beau para mang-asar.

"Palibhasa kasi alam mo mga paborito ko eh. Tara na nga!"

Natawa na lang si Tanner nang mauna pa sa kaniya si Beau papuntang sasakyan at dahil na rin success ang kaniyang panghihikayat dito.

Isang puntos para kay Tanner Cortez! 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now