CHAPTER 5

345 14 0
                                    


Mabilis na lumipas ang mga oras kahihintay ni Beau kay Tanner kaya lumabas na lang siya para maghanap kung may makikita siyang computer shop or kahit pisonet man lang.

Makikiusap rin kasi siya kay Khyla kung pwedeng makausap ang kapatid, kaya mas mainam kung aagahan niya ang pagtawag.

"Oh hijo, saan ka?" wika ni Tita Chi.

"Ayy maghahanap lang po ng malapit na computer shop."

"Huh? May computer naman si Tantan ah, makigamit ka na lang, Para namang bago ka kay Tanner."

Eh? Nabanggit na ba ni Tanner kina tita na magkakilala na kami noon pa?

"Hindi pa rin po kasi umuuwi si Tanner at tsaka hindi po ako marunong magbukas ng computer hehe," sambit naman ni B. Kahit na ilang beses na siyang nakapasok sa computer shop sa probinsya nila eh ang may-ari naman ng shop ang tumutulong sa kaniya magbukas nito.

"Ganon ba... gusto mo tawagan ko na lang pamangkin ko?"

Mabilis na umiling si B at sinesenyas pa ang mga kamay na 'wag na.

"Nako hindi na po! Para na rin po makapaglibot-libot na rin po ako sa labas." sagot niya at nginitian ang nakatatanda.

Buti na lang at pumayag ito dahil nakakahiya naman na tatawagan pa si Tanner para lang makihiram siya ng computer.

Baka busy 'yung tao, maistorbo ko pa.

Sa kabilang banda naman ay ang nababanas na Tanner, paano ba naman kasi, ang lapit-lapit lang ng pinanggalingan niya pero nang dahil sa traffic sobrang bagal ng daloy ng mga sasakyan.

"Tanginang traffic kasi 'yan AHHHHHHHHH!" iritang sambit ni Tanner at sinabunutan pa ang sarili nang dahil sa inis. Gusto niya na kasing makauwi dahil may dala siyang pasalubong na brazo de mercedes, sobrang favorite kasi ni B ito. Noon raw, kahit walang pera panghanda tuwing birthday niya ay pipilitin ni B na makabili kahit na slice lang ng brazo de mercedes. Kaya simula nang magkakilala sila, si Tanner na lagi ang bumibili nito para sa kaniya bilang "birthday gift" niya.

"Hindi naman niya siguro tatanggihan 'tong pasalubong ko 'no?" bulong niya sa sarili.

Nang maka-park na siya sa garahe ay mabilis itong lumabas, dala-dala ang biniling cake.

"Oh buti at umuwi ka na, kanina pa nagmumukmok pamangkin mo, sabi ko kasi paggising niya, maglalaro na kayo," ani Tita Chi na nagwawalis ng mga nalagas na dahon.

"Ay sige po, ibaba ko lang ho itong dala ko," tugon ni Tanner matapos magmano sa mas nakatatanda.

"Wow naman, nako bigyan mo si Beau niyan ah, kanina ka pa rin niya hihintay kaso ayon naghanap na ng malapit na computer shop, sabi ko nga makigamit na lang siya ng computer mo pero hindi raw siya marunong eh," sambit ng tiyahin na ikinagulat ni Tanner.

Huh?

Matulin siyang tumungo sa loob ng bahay para ibaba ang mga dalang gamit at pagkain. Hahanapin niya si B. Ang kaso...

"Tito Tantan!" bungad ng pamangkin niya.

Hindi niya namamalayan na medyo nagpa-panic na rin siya nang dahil lang nalaman niyang pinaghintay niya si Beau.

Hahanapin mo siya? Saan ba ang malapit na computer shop dito?! Paano kung mahanap mo si B, anong gagawin mo?

Gulong-gulo na ang isip niya. Weird nga naman kung susundan niya pa si Beau para ano? Pauwiin tapos gamitin ang computer niya?

"Kanina ka pa raw naghihintay kay tito? Sorry po..." sabi ni Tanner sa pamangkin.

Ibinaling na lang ang atensyon sa bata nang maging kalmado't magkaroon pa siya ng sapat na oras para mag-isip kung anong gagawin niya kapag nakauwi na si Beau.

"Okay nga lang ako kuya, tanong mo pa kay ate Khyla," sagot ni Karlo, kapatid ni Beau, nang tanungin kung kumusta siya sa kanilang probinsya.

Medyo natagalan si Beau na makahanap ng computer shop kaya halos madilim na ang kalangitan nang makapag-online ito.

"True! Hindi pa naman nagdo-droga 'tong kapatid mo, so don't you worry!" dagdag ni Khyla sa kabilang linya. Cellphone ng babae ang gamit ni Karlo sa pakikipag-usap.

"Subukan mo lang! Kokotongan ko 'yang panga mo! Sinasabi ko talaga sa'yo, Karlo!" bulalas ni Beau sa kapatid kahit na alam niyang nagbibiro lang ang kaibigan.

"Wala naman akong ginagawa, naniniwala ka agad sa bruhang 'to?!" sagot naman ng Kapatid sabay turo sa katabing babae.

Nagpatuloy ang pagbabangayan nung dalawa sa kabilang linya nang biglang nalihis ang usapan sa kalagayan ni Beau.

"Eh ikaw, kuya, musta? Sabi ni inay, tawagan mo rin daw siya, miss ka na niya."

"Sinubukan ko siyang tawagan kanina habang hinihintay kita kaso hindi sumasagot eh, baka may trabaho," ani Beau sa nakababatang kapatid, "Ikaw? Nagkausap kayo ni inay?" dagdag pa nito.

Tanging katahimikan lang ang tila naging sagot ni Karlo sa tanong ng kuya.

"Galit ka pa rin ba kay inay?" dugtong na tanong ni B.

Rinig ang malalim na buntong-hininga ni Karlo bago pa ito nakasagot. "Alam mong hindi ako galit kay inay, kuya. Ang akin lang... sana nung umalis siya ay kinuha niya na rin tayo," may lumbay na saad ng kapatid.

Naiintindihan ni Beau. Naiintindihan niya dahil kahit siya ay minsan nang napatanong kung bakit hindi na lang sila isinama ng inay nila. Eh 'di sana hindi sila nagtitiis sa kanilang ama...

"'Wag mo sanang sisihin ang inay... biktima rin siya, Karlo. Intindihin mo na lang na wala ring magagawa ang inay noon dahil ngayon lang naman siya muli nakapagtrabaho," mahinahong wika ni B at nginitian ang bunso.

"Mm-hmm..."

"Bunso... kapag tumawag ang inay, kausapin mo ha. Gumagawa naman siya ng paraan para makapagpadala sa atin. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang nararamdaman mo pero... please, hayaan mong bumawi si inay. Hindi siya ang dapat nating kagalitan, okay?."

Mabilis namang tumango't sumang-ayon ang kapatid sa mga sinabi nito. Nagpasalamat na rin siya kay Khyla sa mga tulong nito sa kanilang dalawa at kahit pa may natitira siyang oras eh minabuti na lang niyang umuwi para hindi na siya masyadong gabihin sa labas.

Rinig mula sa labas ang tawanan sa loob ng bahay nang makabalik si B sa tinutuluyan. Naalala niya nga pala na makikipaglaro ang bata sa Tito Tanner nito.

"Good evening, po," bati ni Beau nang may lumabas na babae mula sa katabing bahay. Alam niyang ito ang anak ni Tita Chi kaya ipinagpalagay niya na rin na ito ang ina ni Prince at pinsan ni Tanner.

"Beau, right? Samantha nga pala. Sama na ako sa'yo, susunduin ko na 'yung makulit na bata HAHAHA," wika ng babae.

"Mama! Tito B!" bungad ng bata nang buksan nila ang pinto.

Napaawang naman ang labi at halos magkasalubong ang kilay ni Tanner nang marinig ang tawag ng bata kay Beau.

"Tito B?" 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now