CHAPTER 27

166 7 0
                                    

Nakita naman ni B na seryosong-seryoso si Tanner sa naging tanong nito. Para tuloy obligado siyang dagdagan ang kaniyang sagot. "Well... siguro? I mean, okay na 'yung marunong siya ng mga basic na mga putahe."

"So... may chance na magustuhan mo 'yang kaklase mo?" Ayaw niya talaga papigil. Seryoso pa rin siya.

"Ano na namang sininghot mo? Malamang hindi!"

"Kahit masarap siya magluto?"

"Ano namang tingin mo sa ak—Teka nga. Nagseselos ka ba?"

Mabilis na iniwas ni Tanner ang kaniyang tingin. "Huh? Selos? Bakit naman ako magseselos haha?"

Naningkit naman ang mga mata ni Beau at nginisian ang matangkad. "Weh? Eh bakit umiiwas ka ng tingin?"

Nagsisimula nang mamula ng mga pisngi ni Tanner. Hiyang-hiya siya, feeling niya kasi ang childish ng dating niya sa mga sinasabi niya kay Beau. "Eh kasi inaasar mo na naman ako!"

"Sus... sasagot ka lang naman ng oo o hindi. So ano? Nagseselos ka ba?" Ito ang mga forte ni Beau. Ang mabaliw ng mga tao, akala niya pwede gawing libangan ang pang-aasar eh.

"Bahala ka na kung anong gusto mong isipin."

Hala pabebe yan? Isip ni Beau.

"HAHAHAHAHA! Sa taon ng pinagsamahan natin, hindi mo man lang ba napagtanto kung ano ang tipo ko sa isang lalaki?"

Ngayon, nakatingin na ulit si Tanner sa kaniya. "Bakit, ano bang mga tipo mo sa isang lalaki?" Sabay tagilig ng ulo.

Hindi naman maintindihan ang naging ekpresyon ng mukha ni Beau, parang gusto na lang sabihin nito na "sure ka ba na hindi mo alam?"

"Naalala ko na medyo bonak ka pala. Malamang ikaw. Hello?! Sa'yo pa lang naman ako nagkagusto noh!" sambitla ng maliit.

Kasunod nito ay ang pagkatok mula sa kanilang pinto. Perfect ang timing ni Prince dahil naiwan lang namang nakatulala at nakaawang ang bibig ng kaniyang tiyuhin sa mga salitang kumawala mula sa bunganga ni Beau.

"Confession ba 'yon?" bulong niya sa sarili. Agad naman siyang umiling at pinipilit na itaboy ang kaniyang mga iniisip. "Nope. Hindi. 'Wag nating madaliin."

Ayon, sa sobrang ayaw niyang madaliin. Inabot siya ng kumulang apat na buwan bago magkaroon muli ng pagkakataong makausap nang matino si Beau. Nagsunod-sunod kasi ang mga school event nila, at bilang class president, expected ito na magiging super busy. Madalas din na diretso na ito sa pagtulog tuwing uuwi galing sa eskwelahan, kaya si Tanner...

Bilang understanding na asawa... naiintindihan ko.

Naiintindihan niya kahit na gustong-gusto niya nang magpapansin sa sinisinta.

"Fly me to the moon..." pampukaw atensyon ni Tanner sa nagsusulat na maliit na binata.

"Let me play among the stars..." Partida nakahiga pa siya niyan. Diretso ang tingin sa kisame habang isinasapuso ang liriko ng awitin. "Let me see what spring is like on... a-Jupiter and Mars..." Natatawa na siya sa katarantaduhang ginagawa niya. Ramdam na rin niya ang pagtitig sa kaniya ni Beau. 'Yung may pandidiri.

Kaya iginilid niya na ang kaniyang katawan para maging magkaharap sila nito. "In other words, hold my hand."

Napangiti siya nang masilayan si Beau na nagtatakip ng tenga nito. Tagumpay ang plano niyang pagpapapansin. "In other words, baby, kiss me."

"Muntik nang tumama 'yung tono mo," ani Beau.

Natawa naman si Tanner at marahang umubo para alisin ang kung anumang nakabara sa lalamunan niya. "Kanina ka pang umaga nandiyan, sulat nang sulat. Malapit na magdilim, nandiyan ka pa rin. Baka pulikatin na 'yang kamay mo."

"Dami kasing kailangang gawin." Binitawan nito ang hawak na lapis at pinatunog ang kaniyang mga daliri. "Project for finals, Christmas party, exam." Napahinga na lang nang malalim si Beau sa pag-iisip ng mga kailangang asikasuhin.

Nagtaka na lang ang maliit nang bumangon mula sa kama si Tanner at hindi na kumibo. Tumungo ito sa kusina. "Tapusin mo na lang kung anong kaya mong tapusin, dinner tayo after hehe."

"M—Magluluto ka?" pagtataka ni Beau sa kaniya.

Nagkibit-balikat lang ang matangkad at nginitian siya.

Si Beau naman, nawala na ang pokus sa ginagawa. Paano, bangong-bango siya sa niluluto ni Tanner.

Lord, anong kaluluwa ang sumapi kay Tanner?

Pero nagtaka siya nang may inilabas na mga kandila at bulalaklak ang lalaki. "Teka, saang sementeryo ang punta mo?"

Napa-'huh' tuloy si Tanner sa tanong ni Beau. "Punta ka na rito. Kain na tayo."

Sinindihan ni Tanner ang scented candle na na sa gitna ng lamesa, katabi nito ang mga bagong bili na bulaklak na hindi mawari-wari ni Beau kung kailan niya binili.

Candlelit dinner huh... pwede na. Isip ni Beau. Sinasabi niya lang na 'pwede na', pero ang totoo ay halos hindi niya na makontrol ang sarili sa kilig. Bukod sa biglaan ang mga paandar ni Tanner na'to, isa rin kasi sa mga pangarap niya ang romantic dinner na tulad nito.

Nagpatugtog din ng malumanay na musika si Tanner galing sa laptop nito.

"Fettuccine Alfredo huh..." sambit ni Beau nang ipinatong ni Tanner ang hawak na plato nito sa harap niya.

"Kailan ka pa natuto?" tanong pa ng maliit.

"Kumuha ako ng 3-month online course. Nag-aral ako magluto, kaso Filipino at Italian pa lang ang alam ko." Nahihiya si Tanner, wala siyang ideya kung bakit. Dahil siguro hinihintay niya ang magiging verdict ni Beau sa kaniyang niluto, or dahil hindi niya alam kung romantic ba ang nagawa niyang set-up. First time niya gawin pareho.

Hinihintay niyang sumubo si Beau. Hawak-hawak niya ang kaniyang hininga at tinitignan kung ano ang magiging ekspresyon ng kaharap. Tumango-tango naman ang maliit at binigyan siya ng malawak na ngiti. "OMG, TANNER! ANG SARAP!"

Parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan ang binata at nahawa na siya ng pagngiti. Napakasaya ng loob niya lalo na't kitang-kita niya na nag-eenjoy si Beau sa gawa niya. At least, alam niya na may natutunan siya sa pag-aaral niya.

"Oo nga pala! Malapit na birthday mo!" biglang saad ni Beau habang patuloy ang paglamutak sa pagkain.

Naalala niya?

Matapos ang kanilang romantic dinner sa loob ng bahay, kinailangan na namang harapin ni Beau ang katotohanan na baka mabilis siyang magigiling losyang sa dami ng gawain niya sa school.

Final project, checked. Finals exam, checked. Christmas party? CHECKED!

"BAKASYON NA!" sigaw ng buong klase nang matapos ang selebrasyon. PEro ang na sa utak ni Beau ay walang iba kun'di...

"Alak. Parang deserve kong magwalwal."

Muntik Na Kitang MinahalDonde viven las historias. Descúbrelo ahora