CHAPTER 31

181 11 1
                                    

Hindi na nakapag-usap sina Beau at Tanner. Kinailangan pa kasing kausapin ng magkapatid ang kanilang ina. Kanina pa kasi nila ito sinusubukang tawagan at ngayon lang siguro ito nagkaroon ng bakanteng oras para makasagot.

"Ma, kanina ka pa iyak nang iyak. May trabaho ka pa po atang gagawin." ani Beau. Nakapwesto sila malapit sa pintuan ng bahay kung saan medyo malakas ang signal.

"Si Bunso? Kumusta?" Inabot niya ang cellphone sa kapatid.

"Bunso? Karlo? Kumusta ang sugat mo?"

"Okay naman po." matipid na sagot ng pinakabata.

"Dapat binigay mo na lang kay papa mo 'yung pera, alam mo namang wala na sa tamang pag-iisip 'yon. Napahamak tuloy ikaw." mahinang sambit ng babae.

Lumingon saglit si Karlo sa kaniyang kuya at saka ibinalik ang tingin sa cellphone. "Pinaghirapan ninyo po kasi 'yon."

Naiyak naman lalo ang kanilang ina sa sinabi ng bata. Halata ang pagtakip nito sa bunganga para lang hindi kumawala ang malakas na paghagulgol.

"Sumama ka na lang kay kuya mo sa Maynila, tapusin mo na lang school mo riyan. Pabayaan ninyo na ang tatay ninyo."

Nagkatinginan naman ang magkapatid at tumango si Beau kay Karlo, sinesenyasan ito na sabihin na ang kanilang plano. "Dito na po ako maninirahan sa bahay ng mga magulang ng manliligaw ni Kuya," saad ni Karlo.

Napakunot naman ng noo si Beau at marahang hinampas ang kapatid sa braso.

"Manliligaw ng kuya mo?" tanong ng kanilang ina.

Sinusubukan ni Beau na hablutin ang telepono mula sa batang kapatid pero pumapalag sa kaniya ito. "Opo. Si Kuya Tanner. Medyo malayo naman po ang bahay na'to sa atin. Kinausap po ako nina Tita't Tito, sabi nila magiging kamag-anak din naman daw po nila ako."

Ilang segundo ring tumahimik ang kanilang kausap at tanging pagsinghot lang nito ang kanilang naririnig.

"Bading ang kuya mo?"

Napahagikgik naman si Karlo at nakatanggap ng mas malakas na hampas mula sa kaniyang kuya.

"Ma," sabat ni Beau.

"HAHAHAHAHAH joke-joke lang, Anak! Matagal ko nang alam noh! Naaalala ko pa nga na paborito mong suotin 'yung bestida kong pula. Minsan naman, ginagawa mong dress 'yung kumot natin," masayang wika ng babae.

"MA!"

"Bakit? Tuwing matatapos kang maligo, pinupulupot mo 'yung tuwalya sa ulo mo, tapos iisipin mo na long hair ka HAHAHAHAHA!" Nagtawanan na lang sina Karlo at ang kanilang ina, habang si Beau ay yumuko at nagtakip ng mukha sa kahihiyan.

"O, siya. Pakausap ako sa mga magulang ni Tannner ba? Bukas na lang, para makapagpasalamat ako. At Beau... pakilala mo sa akin 'yang manliligaw mo ha, 'wag kang mahiya kay mama."

Kumaway na ang babae at tuluyan nang nagpaalam sa magkapatid. 'Yung dalawa naman, naghabulan. Hiyang-hiya si Beau sa mga pinagsasabi ni Karlo sa kanilang nanay kanina.

"Sinasabi ko sa'yo, kapag nakatulog ka, sasampalin kita hanggang magising ka!" mahina at nanggigigil na sambit ni Beau.

"HAHAHAHAHAH mukha bang natatakot ako?" pang-aasar pa lalo ni Karlo.

Natigilan na lang sila nang nakita nilang nakaabang si Tanner sa pinto ng kwarto nito.

Matuling pumunta si Karlo sa bandang likuran ng matangkad, tila nagtatago sa kuya niya. "Kuya Tanner! Bubugbugin daw ako ni Kuya!" hinihingal nitong sabi.

Napahawak naman sa balakang si Beau at sinisikap na habulin ang hininga dahil sa pagod. "Gawa-gawa ka na naman ng kwento, pepektusan na talaga kita!"

Natawa na lang si Tanner sa bulyawan ng magkapatid at sinabihan na lang si Karlo na magtungo na ito sa kwartong tutuluyan nito sa pansamantala. Si Beau ang kasama ni Tanner sa dating kwarto niya, habang si Karlo naman ang na sa guest room.

"Akala ko pa naman natutulog ka na," ani Beau. Gumapang na siya sa kama at sabay sandal sa headboard.

"Naalimpungatan lang," sagot naman ni Tanner at saka inayos ang kaniyang unan, sabay diretso ng binti nito sa kama.

Binalot ang buong kwarto ng katahimikan. Nakakailang. Hindi mawari ng dalawa kung sino ba ang dapat maunang magsalita.

"Apat na taon." panimula ni Beau at nilingon ang katabi. "Bakit hinaayan mo'kong sisihin ka sa loob ng apat na taon?"

"'Yung araw na magkikita tayo, sabi mo may sasabihin ka sa akin. At ganon din ako. Nakasalubong ko ang tatay mo, amoy alak at wala sa tamang pag-iisip. Hindi ko alam kung paano at saan niya nalaman ang namamagitan sa'tin. Pero tinanong niya ako kung totoo bang nagkakamabutihan tayo." Napasinghap ito at ibinaba ang tingin sa mga daliring kanina niya pa pinagkakaabalahan.

"Binantaan niya ako na sasaktan ka niya. Kung kinakailangang pilayan at balian ka niya ng buto para lang hindi ka na makalapit sa akin, gagawin niya." Nanginginig na inabot ni Tanner ang kamay ni Beau at mahigpit na hinawakan ito. "Beau, natakot ako. Kaya nagmakaawa ako na... na ako na lang ang lalayo."

Nanlaki ang mga mata at bumibilis na ang tibok ng puso ni Beau dahil sa mga inamin ni Tanner sa kaniya.

"Kaya mas pinili mong magalit na lang ako sa'yo?" tanong niya kay Tanner.

"Sabi mo... pangarap mo pa rin na magkaroon ng buo na pamilya. Na baka isang araw, magbago ang tatay mo. Kaya mas ginusto kong sisihin mo na lang ako kaysa kamuhian mo pa lalo ang ama mo." Tinitigan at hinaplos nito ang likod ng kamay ni Beau bago ibalik ang tingin sa kausap.

"Beau, noon pa lang, ramdam ko na lahat ng paghihirap at pagsusumikap na ginagawa mo para lang magkasama-sama ulit kayo ng pamilya mo. Kaya alam kong hindi kakayanin ng puso mong sumama sa'kin at tumakas."

Diretso lang ang tingin ni Beau kay Tanner. Tila blanko ang pag-iisip at sa hindi mapaliwanag na dahilan, bigla na lang niyang hinalikan ang kaharap na binata sa kaniyang labi.

Madiin.

Napaatras na lang siya nang ma-realize kung ano ang nagawa niya. Sabay nagmadaling humiga at nagtalukbong gamit ang kumot.

OMG?! Para saan 'yon? Isip ni Beau. FIRST KISS KO 'YON! Sabay hawak sa kaniyang labi.

Nadala siya ng sitwasyon. Dahil sa mga ipinagtapat ni Tanner, naunawaan niya lalo kung gaano siya minahal nito. At parang gusto na lang niyang sukliaan ang lahat.

Nang makatulog si Beau kaiisip kung anong ipapaliwanag niya kay Tanner sa katangahang ginawa niya, naiwan namang naguguluhan ang matangkad kaiisip kung bakit na lang siya hinalikan ni Beau.

Ramdam pa rin niya ang paglapat ng mainit-init at malambot na labi ng sinisinta.

That was my first.

Sumapit ang umaga at medyo naging awkward ang naging almusal nilang dalawa. At hindi naman ito nakalagpas kay Karlo.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Kuya Tanner?" Nakakunot-noo naman siyang nilingon ni Beau.

"Nag-boombayah kayo, 'no?" 

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon