CHAPTER 19

182 9 0
                                    

Naglaro lang sila nang naglaro, laking pasalamat pa nga ni Beau na hindi siya ang napipili ng boteng umiikot sa gitna nilang lahat.

Nakakakaba pala ito, kaloka! Beau.

Mag-aalas-syete na nang mapagpasiyahan nilang kumain muna ng light dinner bago simulan ang celebration.

"Okay! Last na ikot before tayo kumain." Pinaandar ang walang laman na bote at naging tahimik ang lahat sa antisipasyon para sa matatapatan nito.

"..."

Sabi ko na nga ba eh. Malas pa rin talaga ako shuta!

Nagsiangatan ang kanilang mga ulo nang makita nilang tumapat ang bote kay Beau. "Save the best for last daw HAHAHAHA. Truth or dare?"

"Parang nakakatakot mag-dare so truth na lang hehe."

"Since hindi pa tayo masyadong magkakilala... magsimula tayo sa past HAHAHAHA uhmmmm... ilan na naging ex mo?"

"Medyo pinakaba mo ako ha!" sambit ni Beau, sinusubukang pagaanin ang ilangan. "Wala."

"Really? Or... nahihiya ka lang sa amin?"

"Huy isang tanong lang, ano ka ba?" pagsingit ng isang lalaki sa usapan.

Natatawa pang umiling si Beau sa kausap. "No, wala talaga. Nanligaw, meron. Pero hanggang do'n lang haha."

"Awww... sayang naman. Sorry, last na talaga dahil chismosa ako huhu. Anong nangyari? Hindi mo ba siya minahal?"

Napalunok si Beau at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ko rin alam, bigla na lang siyang nawala eh. At... muntik na... muntik ko na siyang minahal."

Rinig ang sunod-sunod na pagsinghap ng mga kasamahan niya sa bahay dahil sa mga naging sagot niya.

Nawala na lang ang tensyon nang pumalakpak nang malakas si Craig. "Alright, kain na tayo! Para masimulan na ang inumaaaaaaaan!"

Sinulyapan niya si Tanner nang tumayo ito. "Kain na tayo," sabi nito sabay iwas agad ng tingin.

Nang matapos ang kanilang hapunan, mabilis silang nagtipon at binuksan na ang mga alak na kanina pa nilang pinagmamasdan.

"Beau? Do you drink alcohol?" Tanong sa kaniya na agad niyang hinindian. Tumulong na siya sa pagliligpit ng mga pinagkainan kahit na sinabihan siyang 'wag na.

Siguro lumaki kasi siya na palaging kinakabahan at natatakot tuwing umuuwi ang kaniyang tatay na lasing, kaya heto siya ngayon, ingat na ingat pagdating sa usaping alak.

Pero si Tanner... ayon, ginawang tubig ang alak. Kahit 'yung best friend niya, hindi siya maawat eh. "Gago pre, hinay-hinay lang."

Parang wala naman itong naririnig at tuloy pa rin sa pagtungga ng tequila at pinagmasdan ang sinisinta.

Alam niya na walang mali sa mga sinabi ni Beau kanina, sadyang hindi lang niya matanggap na hindi niya napanindigan 'yung pagkamit sa pagmamahal na muntik na palang ibigay sa kaniya ni Beau.

Nanlambot naman ang kaniyang ekspresyon nang makita niyang masayang nakikisalamuha si B sa ibang tao.

Makailang salin sa baso at tungga pa ng alak si Tanner nang biglang may lumapit at tumabi sa kaniya. "Are you okay? Baka sumuka ka na niyan." Si Angel. Hinawakan pa nito ang braso ni Tanner at dahan-dahang hinaplos ito.

Lalagukin pa sana niya ang natitirang tequila sa baso niya nang pigilan ito ng dalaga. "C'mon, pahangin muna tayo sa labas, it's starting to get hot in here na rin," sabi nito.

"Paanong hindi magiging mainit, masyado kang nakadikit, tapos hawak ka pa nang hawak sa braso ko," dire-diretsong bigkas ni Tanner. Sapat ang lakas ng boses niya para marinig ng mga kasamahan nila ang naging turan niya sa babae.

"OMG, what's happening?" bulong ng katabi ni Beau.

"Beau? Sorry, hatid ko na kayo? Medyo may tama na ata si Tanner," sabi ni Craig nang makalapit ito sa pwesto nina Beau.

Naglakad si Beau palapit sa gawi nina Tanner at sinubukang usisain ang sitwasyon. Tumayo naman at nagpunas pa ng palad si Tanner nang magtama ang kanilang paningin.

"B? May kailangan ka?" Parang hindi pansin ng matangkad ang mga mata na nakatingin sa kanila.

"Anong nangyayari dito? Bakit umiinit na 'yang ulo mo?" Saka lang na-realize ni Tanner ang nangyayari. Nilingon niya ang mga taong kasama nila at napagtanto na dahil ito sa kanina.

Aaminin niya, nagsisimula nang umepekto ang alak sa sistema niya pero hindi naman siya 'yung tipo na eskandaloso o maoy sa inuman.

"Sorry, I made you all uncomfortable. Ayoko lang talaga na may dikit nang dikit sa'kin," mabilis niyang paumanhin sa lahat ng kasamahan nila.

"Ayos lang, pre. Kilala ka naman namin, sana lang walang mamuong alitan sa pagitan ninyo ni Angel," wika ng isa sa mga kainuman nila.

Si Angel naman ay nakaupo pa rin sa couch. "I was just trying to look out for you," sambit nito.

Tumango na lang ang matangkad bilang sagot sa dalaga. "I apologize, napagtaasan kita ng boses."

Ibinalik niya agad ang atensyon kay Beau, nag-aalala kung natakot niya ba ito sa anumang paraan. "I'm sorry."

Naiintindihan ni Beau. "Uwi na tayo? Pagluto kita bukas ng soup."

"Magkasama kayo sa bahay?" Um-oo na lang si Beau.

"Unfair! Bakit siya lang may soup?!" sunod na tanong sa kaniya.

Natawa naman ang maliit at tinignan ang namumulang pisngi ni Tanner. "Kasi... hindi kayo si Tanner?"

Sa gitna ng pagpipigil ng kilig, sumabat agad si Tanner. "Tama, kasi hindi kayo, ako. So... byeeee." Winagayway pa nito ang kamay at maingat na hinila palabas si Beau.

"Anyare? Kanina nakabusangot lang 'yon ah."

"Sinong hindi matutuwa, ikaw ba naman ipagluto after mong lumaklak ng alak," sambit ng mga naiwan sa loob ng bahay.

Katulad ng ipinangako, si Craig ang nag-drive at naghatid sa dalawa.

"Salamat, ingat ka," ani Beau.

"Sorry sa kanina pre, nasira ko pa ata celebration ng org.," turan ni Tanner bago lumabas ng kotse. Sinilip naman nila si Craig mula sa bintana ng driver's seat.

"Wala 'yon, tanga. Uh... Beau? Ikaw na bahala sa tropa ko."

Hinintay nilang makaalis ang sasakyan bago sila pumasok ng bahay. Madaling naglinis ng katawan at nag-toothbrush si Tanner, ngayon niya lang mas lalong naramdaman ang sipa ng alak sa katawan.

...

Sumapit ang umaga at halos tanghali na nang magising si Beau. Nadatnan niya ang binata na halos nakatiklop na sa kama at bahagyang nanginginig.

"Tanner?" pagtawag ni Beau. Sinubukan niya pa itong hawakan at kalabitin para ito'y gisingin. "Oh God, may sinat ka... Tanner?" Marahan niya na itong inuga.

"Hmmm?" 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now