CHAPTER 20 (R-18)

382 13 1
                                    

"Mag-brush ka muna ng teeth, magluto lang ako ng makakain mo. Para makainom ka rin ng gamot." Sanay si Beau sa ganito, siya na rin kasi ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid niya tuwing may sakit ito.

Nanghihinang bumangon mula sa pagkakahiga si Tanner, napahawak sa sintido at marahang ibinukas ang mga mata. Sinunod niya agad ang sinabi ni Beau at tahimik na umupo sa dining table.

Nakatitig lang siya kay Beau. Pinagmamasdan mula sa likod ang hubog ng katawan nito at hindi inalis ang tingin hanggang sa makarating ito sa kaniya, bitbit ang isang mangkok.

"Alak pa more," pabirong sambit ni Beau.

Sinabayan na rin niya si Tanner sa pagkain. "Nasaan 'yung lagayan ng mga gamot?" tanong ng maliit. Itinuro naman ni Tanner kung nasaan ito nakatago. Nang makapagpahinga saglit, uminom na siya ng gamot at ilang minuto lang ay nagpahinga na siya muli.

Naisipan na lang tumawag ni Beau sa probinsya, nagsimula na rin kasi ang pasukan nina Khyla at Karlo. Nakabili na rin pala ng selpon ang bunsong kapatid niya mula sa mga pinapadala ng kanilang ina, wala naman kasing masyadong pinagkakagastusan ito.

"..."

"Walang sumasagot kaloka..." nakailang subok si Beau pero wala talagang sumasagot sa mga tawag niya. Napagdesisyunan na lang tuloy niyang manood sa computer ng mga cooking videos, pampalipas ng oras.

Ilang oras din ang lumipas bago maalimpungatan si Tanner. Medyo nagpapawis. Napangiti naman siya nang makita niyang seryoso ang hitsura ni Beau na nakatutok sa monitor habang nakasuksok ang earphones sa kaniyang tenga.

Tumayo siya't dahan-dahang naglakad para tignan kung anong pinagkakaabalahan ni B.

Agad namang naramdaman ni Beau ang presensya ni Tanner.

"9 pm? Nandito ka lang simula pa kanina?" pagtataka ng matangkad nang makita nito ang oras mula sa screen ng computer. Tumayo si Beau at kinapa ang kaniyang noo.

"Mas lalo ka atang uminit. Kain ka na ulit, nakapagluto na rin ako."

Mabilis na umiling si Tanner. "Wala akong gana," saad niya at ngumuso pa. Si Beau naman, hindi mawari kung matatawa ba o maaawa. Kita niya pa ang eyebags at bagsak na ekspresyon sa mukha ng kaharap niya.

Naging sunod-sunod kasi ang gising ni Tanner nang maaga, sinabayan pa ng alak sa katawan.

Alak pa more.

"Hindi pwede. Sige na, kahit kaunti lang... magkalaman lang sikmura mo," saad nito at ipinaghain na si Tanner ng makakain.

Pero totoo, wala talagang gana at lakas si Tanner. Kahit pa na kagigising pa lang nito.

"Maligo lang ako. Ipaglalaba na rin kita ng bimpo para makapagpunas ka't makapagpalit ng damit," sabi ni Beau at kinuha na ang tuwalya't tumungo sa c.r.

Masakit ang pangangatawan ni Tanner, pero ang puso niya ay napupuno ng pagkagalak. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapamahal pa lalo kay Beau.

Tumayo na rin siya pagkatapos kumain at naghugas, kahit ayaw siyang paasikasuhin ng anumang gawaing bahay ni Beau. Sumunod, uminom na siya ng gamot at naghintay sa paglabas ng binata.

"Ito oh. Magpunas ka na ng katawan mo, banlawan mo na lang dito sa palanggana kung kailangan..." sambit ng maliit na kalalabas lang mula sa c.r at kabibihis lang.

"Pwedeng... bukas na lang? Wala talaga akong lakas, B..." ani Tanner.

Ilang segundo siyang tinignan ni Beau na parang nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin.

"Hubarin mo pantaas mo. Ako na lang magpunas sa'yo."

Nag-panic ang buong sistema ni Tanner. "Ha? Uhh... a—ako na lang..."

"Para mapunasan din 'yung likod mo."

Kumilos ang matangkad, kahit nahihiya. Napahinga siya nang malalim bago dahan-dahang iniangat at hinubad ang pantaas niyang damit. Parang kakawala ang puso niya sa sobrang lakas ng pagtibok nito, lalo na nang maisip niya na pinapanood siya ni Beau.

Nagsimulang lumapat ang malamig na bimpo sa kaniyang balat, likod ang inuna at sabay sa harap.

Mas lalo niyang naramdaman ang kaba na kanina pa nananalaytay sa buong katawan niya. At nang bumaba ang direksyon ng kamay ni Beau... napaigting ang kaniyang panga. Pinagmasdan niya kung paano unti-unting bumagal ang paggalaw ng kamay nito habang pinupunasan ang kaniyang abs... patungo sa ilalim na bahagi ng kaniyang tiyan...

Oh God...

Nag-iinit siya. Lalo. At hindi dahil sa lagnat.

Ibinalik niya ang mga mata sa mukha ni Beau. Pero agad na naglakbay ang pangingin niya sa exposed na collarbone nito... pababa... at papasok sa loob ng manipis na suot ng maliit.

Tangina.

Alam niyang makasalanan pero... pinagnanasaan niya na si Beau.

"S—salamat, ako na bahala sa iba." Matulin siyang dumiretso sa loob ng c.r at agad na binuksan nang mahina ang shower at hinayaang pumatak at gumawa ito ng tunog sa banyo.

Fuck. Haa...

Tinitigasan siya.

Sinimulan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at ang kaniyang naninigas na tite. Hinawakan niya ito at hinagod, mula sa ulo hanggang sa maglakbay ang palad niya sa kabuuan nito. Napapikit pa siya dahil sa sarap, pero parang maling desisyon ata ang pagpikit niya...

Shit.

Pumasok kasi sa utak niya ang magandang pangangatawan ni Beau na isa sa mga sanhi ng libog niya. Kaya sa sandaling ito... pinagjajakulan niya na ang marikit na binata.

Bumilis ang kaniyang hagod sa kaniyang pagkalalaki, habang pinagpapantasiyahan niya ang sinisinta, kasi naalala niya bigla ang kamay ni Beau... at kung paano ito gumalaw sa kaniyang katawan kanina.

Puta.

Lalo siyang nalibugan nang biglang gumawa ng senaryo ang sarili niyang utak—lumuhod sa harap niya si Beau... at hinawakan ang kaniyang kabuuan. Nakatingin sa kaniyang mata mula sa ibaba. Sabay... mabagal na hagod... hanggang sa bumilis... nang bumilis...

Haaa... Beau.

Nilabasan siya, habang iniisip na ipinutok niya ang kaniyang likido sa mukha ng nakaluhod na binata. Tagaktak ang pawis at patuloy ang paghahabol niya sa kaniyang hininga. Para siyang nanghihina sa sarap na naidulot nito.

Saka lang pumasok sa isip niya ang mga nangyari. Pakiramdam niya ang dungis, dungis niya.

Matapos niyang linisin ang katawan at maghugas, tahimik siyang lumabas at nadatnan niyang natutulog na si Beau. Napaupo na lang siya sa sariling kama at napayukod, kasunod ang pagtakip ng mukha gamit ang mga palad, habang paulit-ulit na pinagsisisihan ang sinasabi niyang kasalanan.

Sabay bigla niyang napagmasdan ang bracelet na regalo ni Beau, kaya mas lalo siyang inatake ng konsensya. Hindi siya makapaniwalang nakasuot ito sa brasong gamit-gamit niya habang binibigyan niya ang sarili ng ginhawa't nagpaparaos.

"..."

I'm sorry.

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now