CHAPTER 14

230 8 0
                                    

Nagdaan ang mga oras nang hindi nila napapansin, pati nga ata ang gutom ay hindi alintana kahit na maga-ala-una na ng hapon.

Paano, masyado na silang naenganyo sa pag-iikot sa loob ng museo, picture dito, picture doon. Lalo na ang "camera-shy" raw na si Tanner.

Ikaw ba naman sabihan ng gwapo eh. Kinikilig na sambit ni Tanner sa kaniyang isipan.

"Gutom na ako..." wika ni Beau at ibinaling ang atensyon sa matangkad. "Lunch na tayo?"

Ihhh... wala pa nga tayong picture dalawa na magkasama. Tanner.

"Sure, may alam akong kainan. Doon na lang tayo." Sa totoo lang, si Craig talaga ang nagrekomenda ng restaurant na pupuntahan nila. Patok daw 'yon sa mga magkasintahan.

"Mahal?"

Yes, Mahal ko?

Umiling agad ang matangkad. "Libre ko na," turan nito at nginitian ang maliit.

"Anong libre? Sabi ko akong bahala sa atin ngayon eh," mabilis na apela ni Beau. Bumawas pa naman siya sa ipon niya para lang sa araw na 'to.

"Next time na lang ikaw. Gusto kong bumawi sa mga kapalpakan na nangyari nung nakaraang alis natin hehe."

Agad namang nakumbinse ang maliit, siguro dahil wala na siyang energy para makipagtalo pa.

Buti na lang at hindi matao ang pinuntahan nilang kainan. Sa bagay, kanina pa natapos ang lunch time kaya naging mabilis na rin ang pag-serve sa kanila ng order nila.

"B?" bungad na pananalita ni Tanner.

"Hmmm?"

"Uh... nakita ko kasi 'yung maliit na envelope sa bag mo habang nag-aayos ka... nag-iipon ka para makabili ng cellphone?"

"Yup. Para may magagamit din ako once na magpasukan. Bakit mo natanong?" Uminom pa ito nang mabilisan at sabay taas ng palad sa harap ni Tanner. "Medyo alam ko na agad iniisip mo kaya uunahan na kita. Walang libre na magaganap at hindi mo ioobliga ang sarili mo na tulungan ako, naiintindihan mo?"

"Para lang s-"

"Hindi. Ayoko." Tumayo ang maliit at inalok na si Tanner na umuwi dahil ayaw niya maging sanhi ito ng kanilang pagtatalo.

Naging tahimik ang biyahe nila pauwi. Para ngang naging mabagal ang takbo ng oras sa mga sandaling 'yon. Alam ni Beau na wala siyang dapat ikabahala kaso hindi niya mapigilan na mabagabag lalo na't kanina pa nagpapakawala ng buntong-hininga si Tanner.

"Bibilhan ka niya ng cellphone?" Magka-chat ngayon sina Beau at Khyla, naikwento niya rin ang nangyari kanina sa restawran.

"Hindi ako sigurado, pero ramdam ko na gano'n ang gagawin niya."

"Paladesisyon ka pala eh, at saka ano naman? Pera naman niya 'yung panggagastos niya."

"'Yun nga 'yung problema, ayoko na ginagastusan ako. Eh kung sana candy lang 'yung bibilhin niya para sa akin, hindi eh, cellphone teh!"

"Pabida ka rin eh, hindi mo man lang nga tinanong kung anong rason niya. Ano bang tingin mo kay Tanner, sanggol? May sarili nang utak 'yon. Tapos ngayon nakokonsesnya ka kasi tumahimik bigla at iniwan ka mag-isa riyan sa bahay."

"Bakit ikaw? Papayag ka ba na gastusan ka nang ganon kalaki?"

"Oo tanga. Kaya kausapin mo na siya at hayaang magpaliwanag sa'yo." Napasabunot pa sa sarili si Beau habang iniisip kung paano niya lalapitan at kakausapin si Tanner. Hindi siya sanay na gano'n ang matangkad.

"Paano kung ayaw niya ako kausapin?" tanong niya sa kaibigan.

"Deserve. Arte-arte ka pa kasi, hindi ka naman maganda." Napanganga naman siya't napaatras sa kinauupuan nang makita ang chat sa kaniya ni Khyla.

"Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong kasingpangit ng ugali mo. Kaya walang gusto mag-commit sa'yo eh." Natawa pa si Beau nang mai-send ito sa kaibigan niya kasi, for sure, manggagalaiti ito.

"Bitch?! Bakit ka namemersonal?"

Magre-reply pa sana siya kaso biglang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Tanner na may dalang paper bag.

Agad namang nagtama ang mga mata nila kaya ibinaling na lang ni Beau ang tingin sa computer para i-turn off ito.

Nakatitig na lang siya sa nakapatay na monitor sa harap niya at nginangatngat ang mga kuko nang dahil na rin siguro sa kaba.

Shet, anong sasabihin ko? Isip ni Beau.

Ang bilis talaga ng tibok ng puso niya kaya ayaw niya nang patagalin pa ang mga bagay-bagay.

Hindi nakagaganda ang maraming iniisip, kaloka! Tumayo na siya't pinunasan pa ang laway at pawis sa kaniyang mga kamay.

"Tanner?" pagtawag niya sa kasamahan na ngayo'y nakaupo sa gilid ng kama, nagse-selpon.

Nang iangat ni Tanner ang ulo, bakas pa rin sa hitsura nito ang lumbay gawa ng mga pangyayari kanina. Nakaramdam naman ng kirot ang puso ni Beau sa kaniyang nakikita lalo na't alam niya na pinipilit lang ng kausap niya na ngumiti.

"Sorry," ani Beau.

Tinapik ni Tanner ang espasyo sa tabi nito para senyasan si Beau na umupo.

Yumuko ang matangkad sabay hinga nang malalim. "Sorry din. Pinilit ko na naman 'yung sarili ko sa'yo."

"Huy ang over! Grabe ka naman mag-overthink, tinalo mo pa si Einstein," sambit ng maliit sa pagtatangka na mapagaan ang tensyon na bumabalot sa loob ng bahay.

Napatawa naman nang bahagya ang kausap, at sa wakas, tumingin na rin ito sa gawi niya.

"Ayoko sanang ikwento 'to kasi ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa paningin mo, pero para lang malaman mo kung saan nanggaling 'yung mga salitang binitawan ko kanina, ipapaliwanag ko sa'yo..."

Ang atensyon ni Beau ngayo'y na sa kaniyang mga daliri na patuloy niyang nilalaro habang patuloy na pinoproseso at binubo ang mga salita sa kaniyang isipan. "Nasaksihan mo naman kung gaano kahirap ang buhay ng pamilya ko sa probinsya, 'di ba? Siguro... kasi... lumaki ako't namuhay na puro... puro utang ang iniintindi..." Nagsisimula nang matuyo ang lalamunan niya dala nang napakasensitibo ng paksa na 'to para sa kaniya.

"...kaya... hangga't maaari, ayokong nagkakautang sa isang tao, sa kahit anong paraan. Kasi... k-kasi-" Wala na siyang nagawa kun'di ang mapiyok at hayaan na lang na bumagsak ang mga luha na pilit niyang pinipigilan at tinatago kay Tanner. Napaka-vulnerable na niya sa mga sandaling 'to kung kaya't hindi niya na pinansin at tinanggap niya na lang ang mabilis na pagyakap sa kaniya ng binata kasabay ng paghaplos nito sa likod ng kaniyang ulo.

"I'm sorry. I'm really sorry, B. Oh God... 'wag mo pigilan, it's okay to cry, take your time, hmm? I'm here to listen, when you're ready," pagbulong nito sa akap-akap at humahagulgol na sinisinta. Nagpapakatatag siya kahit na alam niyang nasasaktan siya sa kasulukuyang kalagayan ng pinakaminamahal niya.

"...bukod kasi sa nahihiya ako... nanliliit din 'yung tingin ko sa sarili ko," wika ni Beau sa gitna ng paghahabol-hininga't mga hikbi. 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now