CHAPTER 22

208 7 0
                                    

"Hindi ako manhid." ani Beau. "Bigla ka na lang nanlamig. Nung una, akala ko dahil lang hindi maayos ang pakiramdam mo, pero ilang araw na ang nakalipas simula nung gumaling ka, Tanner. Kung may problema ka, sabihin mo. Hindi 'yung parang ako pa 'yung nagdudusa kaiisip at nangangapa sa sitwasyon natin."

"Beau..." Lumapit siya at pinaliit na ni Tanner ang distansya na namamagitan sa kanilang dalawa.

"Sabihin na nating wala dapat tayong pakialam sa kaniya-kaniyang buhay natin pero... nadadamay kasi ako. Ayoko ng may ilangan, lalo na't araw-araw tayong magkasama sa bahay na'to." sambitla ni Beau. Pinipigilan ang sarili na manginig at mataranta dahil sa namumuong malakas na emosyon.

"Sorry. I've been distant these past days, kasi... hindi ko alam kung paano bang... haa... basta, sa akin 'yung problema... and I'm sorry kung... kung nadamay kita," natatarantang wika ni Tanner sabay napayuko. "It's very personal. I don't really know how to tell you. Sorry."

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng bahay bago may muling magsalita.

"Wala kang nasunog na pagkain?" Napaangat naman bigla ang tingin ni Tanner sa naging tanong ni Beau.

"Huh?"

Inusisa ni Beau ang binata mula ulo hanggang paa. "Wala kang nabasag na kitchenware? Baso, pinggan, mangkok, platito?"

Natatawa na naguguluhan si Tanner. "W—Wala HAHAHAH."

"May nasira kang gamit k—OMG! MAY NASIRA KANG TUPPERWARE?!" malakas na sambit ni Beau. Nanlaki pa ang mga mata't napabuka ang bibig.

"HAHAHAHAHAHA wala ah! Walang nasira o nabasag, sarili ko lang 'yung may problema kaya... sorryyyy na poooo... kung nadamay ka pa," ani Tanner at binigyang ngiti ang kausap.

"Apology accepted. Dahil mas bagay sa'yo ang nakangiti."

"Parang mas bagay sa'kin 'yung nagpapangiti."

Nagbalik na nga talaga ang totoong Tanner. Masyadong matamis eh!

"Nge? Corny. Sige na maligo ka na, umaalingasaw ka na eh." Umiwas. Kasi kinilig.

"Beau? Bawi ako sa'yo. Ako na lang maghatid at sundo sa'yo. Start na ng pasok ninyo bukas, 'no?"

"Pinagsasabi mo? Mas malayo school ko kaysa sa'yo at saka... hindi tugma schedule ng mga uwian natin."

"Ihhh... gusto kitang ihatid. Kahit hatid lang!" pagmamakaawa pa nito sabay nguso sa maliit.

"Bahala ka sa buhay mo. Ikaw naman ang gagastos sa gas." Kunwari lang talaga na wala siyang pake. Ayaw niya lang ipahalata na ang gaan-gaan ng pakiramdam niya nang dahil lang nagkaayos silang dalawa.

Makatulog na nga lang!

"..."

Tunog ng mga nagbubulungan ang marahang nagpagising kay Beau. Tumambad sa kaniya ang mukha ng magtiyuhin na nagpipigil ng tawa habang nakaluhod at nakatitig sa kaniya.

"Good morning, Tito B! Rise and shine po!" maganang sambit ni Prince.

"Good morning, B. Nagluto na ako ng breakfast, nakahain na rin," sabi ni Tanner. Tumayo ang dalawa mula sa pagkakaluhod at hinihintay na lamang na makabangon si Beau.

Napahaplos naman bigla si Beau sa kaniyang bibig para tignan kung may laway bang tumulo habang siya'y tulog.

Bakit ako pinagtatawanan ng dalawang 'to?

Mabilis naman siyang nag-asikaso ng sarili at tumungo sa dining table kung nasaan nakaupo ang magtiyuhin.

"Hindi ba kayo aware na masamang panoorin ang isang tao habang natutulog?" biro ni Beau. Nagkatinginan pa ang dalawa at sabay nagbulungan.

"Sorry po. Si Tito Tantan po kasi eh, sabi niya po kamukha ninyo raw po si Sleeping Beauty," wika ng bata.

Sinulyapan niya saglit ang matangkad bago ito ibalik muli sa bata. "Eh bakit ninyo ako pinagtatawanan? Nahiya tuloy si Tito B." Ngumuso pa siya na tila nagtatampo sa bata.

"Walaaaa, kumain na tayo habang maini—" hihirit sana si Tanner kaso mabilis agad na pinutol ito ng pamangkin.

"Sabi ko po kasi, kung ikaw po si Sleeping Beauty... dapat po i-kiss ka po niya para magising ka."

Hindi alam ni Beau kung anong magiging reakyon niya sa naging turan ng batang maliit. Kaya ibinaling na lang niya ang atensyon sa tiyuhin nitong gulat na gulat din. "Kung ano-ano tinuturo mo sa bata."

"Huy, hindi ako ang nagturo sa kaniya. Fan siya ng disney kaya marami siyang alam sa mga ganiyan," depensa ni Tanner.

"Ewan ko sa'yo. Bakit nga pala nandito si Prince?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Isasabay ko na sa paghatid, coding 'yung kotse nila eh."

Naging taimtim naman ang kanilang umagahan at nag-insist na lang si Tanner na iwanan na lang ang mga pinagkainan sa lababo at siya na ang maghuhugas, uuwi pa naman daw siya dahil maya-maya pa ang first subject niya.

Inuna na lang nilang ihatid ang bata, tutal may sapat na oras pa naman para makarating sa eskwelahan si Beau.

"Kinakabahan ka?" tanong ng nagmamaneho nang mag-red ang stop light.

Rinig ang pinakawalang buntong-hininga ni Beau. "Medyo. I mean, lahat kasi magiging bago para sa'kin—bagong mga mukha, bagong lugar, bagong sistema."

"Hmm... is there anything I can do? Para maibsan 'yan kaba mo. Ice cream?"

Mabilis na umiling ang maliit. "Baka matae ako, hindi pa naman ako nakadumi bago tayo umalis."

Bahagyang natawa naman ang na sa driver's seat. "So dapat pala, tissue or wet wipes ang bilhin ko sa'yo? You know... emergency." At sinulyapan nang mapang-asar ang katabi.

"Meron akong pansarili. Tulad mo naman ako sa'yo." Tinaasan niya ng isang kilay si Tanner. "Remember, grade 10, nagpasama ka pa sa isa nating kaklase para bantayan ka lang habang dumudumi ka, tapos wala naman pala kayong dalang tissue or sabon. Edi ang ending, bumalik 'yung kasama mo para magtanong sa buong klase kung sinong meron."

Napanganga si Tanner. Gulat. "Sa dami ng pwede mong matandaan, 'yun pa talaga? Nakakahiya!"

Napahagalpak na lang sa tawa si Beau dahil sa hindi maintindihang hitsura ni Tanner.

At habang papalapit nang papalapit sila sa papasukang eskuwelahan, mas lalong lumalakas ang kaba sa kaniyang katawan.

"..."

"Paano kung hindi ako maka-relate sa kanila, sa humor nila, sa kung anong trending para sa kanila?" sunod-sunod na tanong ni Beau sa kawalan.

Hinintay at iniayos muna ni Tanner ang pagparada sa kotse bago nito kausapin si Beau. "Hey, you know naman na you can always call me, right? Kapag wala ka pang nagiging kasama o kaibigan, just text or call me." Sabay ngiti sa nababahalang kasamahan.

"As if namang pwede kang mag-phone habang nagkaklase," ani Beau.

"As if namang hindi ako gagawa ng paraan para makausap ka."

That's it. Ang nag-iisang assurance na kinakailangan niya. Assurance na nagpapaalala sa kaniya na lagi siyang may pupuntahan. Laging may tatakbuhan.

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now