CHAPTER 4

439 14 0
                                    


Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang magkita ang dalawa at hanggang ngayon ay nangangapa pa rin si Tanner kung paano ito kikilos tuwing magkasama sila ni Beau sa bahay.

Parang gusto ko magkape ah. Isip ni Tanner nang magising ito. Medyo late na rin siya sa pagbangon dahil kinailangan niyang bumawi ng tulog, natambakan kasi siya ng mga school works kaya kinailangang mag-cram last night.

Ang unang hinanap ng kaniyang mga mata ay ang binatang kasama sa kwarto na nakita naman niyang nagtatahi. Alam niya sa sarili niya na gustong-gusto niya ito batiin ng "Good morning" man lang, pero pinanghihinaan din kasi siya ng loob kaya dumiretso na lang ito sa kusina.

Tila'y nakabibingi ang tunog ng kutsaritang tumatama sa loob ng tasa dahil sa katahimikang bumabalot sa loob ng bahay. Ngayon lang naranasan ni Tanner na magtimpla ng kape nang kinakabahan.

Gusto rin kaya ni B ng kape?

At makailang segundo rin ang lumipas bago mapagdesisyunan ni Tanner na magtanong sa kasama.

"Beau? Uhmm... gusto mo bang magpasabay ng kape? May tira pa kasing mainit na tubig."

Mabilis namang umiling at tumanggi si B sa alok ni Tanner. "Hindi ako nagkakape," ani Beau sabay balik sa pagtatahi sa maliit na tastas ng kaniyang damit.

"Hmm nice try, Tanner," bulong niya sa sarili.

So hindi pala siya nagkakape. Noted.

Nagpatuloy ang katahimikan hanggang sa matapos siya mag-almusal at ngayo'y naghuhugas ng pinagkainan.

Naramdaman niya sa likod ang pagtayo ni Beau kaya nilingon siya ito saglit at nakita niya papalapit ito sa gawi niya.

Shit. Bakit siya naglalakad papunta rito?

"Uhmm... pwede bang pumunta sa likod ng bahay ninyo? At pwede ba akong magtanim?" tanong ni Beau na may hawak na maliit na paper bag.

"Sampaguita?" tanong pabalik ni Tanner na ikinalaki naman ng mga mata ni Beau.

"Paano mo nalaman?"

"It's your favorite. Lagi kang amoy sampaguita tuwing magkasama tayo noon."

Napayuko na lang si B at binasa ang natutuyong labi. "Ahh sige... hindi na lang hehe baka nga mangamoy sampaguita pa 'tong bahay."

Tatalikod na sana si Beau nang mabilis ibaba ang hawak na tasa sabay nilapitan at pinigilan siya ni Tanner. "No-no. What I'm trying to say is... okay lang kahit magtanim ka ng sampaguita kasi... naging paborito ko na rin 'yung amoy mo."

Tumango at mabilis na umiwas ng tingin si Beau at tumungo na sa mini garden habang naiwan naman si Tanner na iniintindi ang sarili kung bakit niya nasabi 'yon.

"Gago. Tunog playboy ka ron," banggit ni Craig nang maikwento ni Tanner ang nangyari. Kahit ayaw mawalay kay Beau, sinamahan na lang ni Tanner ang kaibigan dahil alam niyang naging padalos-dalos na naman siya sa pananalita kanina.

"Eh sa hindi ko mapigilan sarili ko. Totoo naman lahat ng 'yon."

"Sabihin na nating totoo, ang tanong, gusto bang marinig ni Beau? Para kang nantatarantado kung lagi mo na lang ibabalik 'yung dati."

Natikom si Tanner. Sapul eh. Kahit masakit aminin pero tama ang kaibigan niya.

"At bilang mabuting kaibigan, gusto mo bilhan kita ng busal, 'yung mahigpit? Para hindi ka na makapagsalita."

"Tanginamo, ginawa mo naman akong aso."

Balik naman kay Beau na ngayo'y hindi mapakali. Hinihintay niya lang naman na umuwi si Tanner dahil manghihiram ito ng selpon para mag-chat ulit kay Khyla, medyo matagal-tagal na rin mula noong nagkausap sila.

Sinimulan naman nang mag-ipon ni B ng pera para makabili ito ng murang selpon kaso sa kaunti nang natitira sa kaniya dahil sa gastusin eh mukhang matatagalan pa bago siya magkaroon nito.

Habang naghihintay, naisipan na lang niyang mag-ayos sa kusina. Nung nakaraan niya pa pansin na ang daming mga condiments at pampalasa pero lahat wala pang bawas.

"Bakit nakatambak lang 'tong mga 'to rito? Hindi ba siya nagluluto?" tanong ni Beau sa sarili.

Halos humiwalay naman ang kaluluwa ni Beau nang biglang may kumalabog ng pinto at tumakbo paloob ng bahay.

"Tito Tantan! Pwede po computer tayo?" maligayang wika ng batang lalaki.

Nahiya naman agad ito at napatigil nang makita si Beau.

"Wala pa kasi si Tito Tantan mo eh," bigkas ni B at nginitian ang bata.

"Sino po kayo?"

"Ahh... ako si Tito B." wika ng binata sabay lumapit sa kausap.

"Tutubi?" inosenteng tanong ng bata.

Hindi tuloy mawari ni Beau kung matatawa siya o masasaktan.

Umiling siya't binagalan ang pagpapakilala para makuha ng kausap ang gusto niyang sabihin.. "Tito. B."

Ngumiti naman nang malawak ang bata sa kaniya at nag-wave ng kamay. "Hello po, Tito B, my name is Prince po and I am six years old na po." pagpapakilala ng bata at itinaas pa ang anim na daliri.

ANG CUTEEEEE!!!

"Ay nako kang bata ka talaga, sinabing mag-sleep muna 'di ba?" bungad ni Tita Chi at malumanay na sinabihan ang bata, "pasensya ka na hijo, may pagkakulit 'tong apo ko eh nagmana ata sa tito Tantan niya HAHAHA!"

Huh? Teka ang gulo.

"Related po ba si Tanner sa inyo?" tanong ni B sa matanda.

"Kita mo talaga 'tong si Tantan, hindi man lang niya kami binanggit sa iyo?" pabalik na tanong ng kausap na sinagot naman ni B sa pamamagitan ng pag-iling.

"Nakababata kong kapatid ang ina ni Tanner at pamangkin niya itong si Prince sa anak kong babae," sagot naman ni Tita Chi.

"Ahhh kaya po pala parang hinulma sa mukha ni Tanner itong si Prince hehe..." ani Beau, "kaya pala ang cute-cute at gwapo eh may pinagmanahan HAHAHA."

"Hay nako sinabi mo pa! Mas papasa pa nga sigurong mag-ama 'yang dalawa kaysa sa totoong mga magulang," wika ng matanda at binuhat ang apo, "pagdating na lang ni Tito Tantan mo 'tsaka ikaw bumalik dito, sleep ka muna para ikaw mag-grow," dagdag pa nito sa kausap na bata.

"After ko po mag-sleep, play na po kami ni tito Tantan?" mahinhin na tanong ng bata sa kaniyang lola.

Tumango naman ang matanda at parehong nagpaalam kay B na kumaway-kaway pa sa bata hanggang sa makalayo ito nang tuluyan.

Kumusta na kaya si Karlo.

Nangulila tuloy siya bigla sa presensya ng nakababating kapatid sa probinsya.

At dahil sa ayaw niyang magpalamon sa pangungulila't lungkot ay itinuon na lang niya ang atensyon sa paglalaba ng ilan niyang mga maruming kasuotan.

"Magkamag-anak pala sila... so... bakit kailangan pa niya mangupahan?"

Again, walang mali. Medyo weird lang kasi mayaman naman ang parents ni Tanner. Bakit kaya hindi na lang sila bumili ng sariling bahay?

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now