CHAPTER 25

189 8 0
                                    

Aasarin pa sana ni Beau ang kasama niyang manood dahil hindi na ito nagre-react sa tuwing may mga jumpscare na ipinapakita sa t.v. Akala pa naman niya ay nakatakip lang ito ng mata habang nakasiksik sa bandang balikat niya.

Ay wow, tinulugan ako ng hinayupak na'to.

Agad naman niyang na-gets kung bakit, halatang-halata na rin naman kasi talaga ang pagod sa mukha nito simula pa nung siya'y maka-uwi.

"Sabi kasing magpahinga na eh," bulong ni Beau sa binatang natutulog. Gusto niya sanang tumayo at kumuha ng kumot, para kung sakaling abutan na rin siya ng antok, hindi na nila kailangang lumipat pa sa kani-kanilang mga kama.

"..."

Nakatitig siya. Nakatitig na lang siya sa lalaki sa tabi niya. Wala na siyang pake sa pinapanood niya at tanging ang mukha na lang ni Tanner, na nasisinagan ng sapat na ilaw mula sa telebisyon ang pinagmamasdan niya. Mga makakapal na kilay, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at ang mapulang mga labi nito.

Parang mas malakas na nga ang pagtibok ng puso niya kaysa sa tunog ng pelikulang na sa harap nila eh. At alam na alam naman niya kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman niya.

Pinilit mong labanan 'yung antok at pagod para makasama, makausap, at madamayan mo lang ako. Isip ni Beau.

Dumampi ang palad niya sa kabilang pisngi ni Tanner at inusog ito papalapit sa kaniya para mas maayos na makatulog ito sa kaniyang balikat. "Akala mo ba hindi ko pansin lahat ng mga ginagawa mo para sa'kin?" ani Beau. "Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko bibigyang kahulugan ang lahat, kasi ayoko na naman umasa't maiwan katulad ng ginawa mo sa akin noon."

Inalalayan niya ang ulo ni Tanner at tuluyang inihiga ito. Kasunod naman ay ang pagtabi niya sa binata, nakagilid siya para lang masulyapan niya nang mas maigi ang natutulog.

"Kung alam mo lang kung gaano kita kagustong iwasan." Hinaplos niya ang pisngi ni Tanner gamit ang likod ng kaniyang kamay. "Kaso wala, heto pa rin ako... ikaw na naman ang gusto."

...

Parusa po ba 'to? Kasi okay lang po kahit araw-arawin ninyo hehe. Si Tanner.

Sa sandaling imulat niya kasi ang kaniyang mga mata, nasilayan niya agad si Beau sa tabi niya. Iniisip niya pa na isang parusa ito sa kaniya, para kasi siyang tanga na kinakabahan at hindi mawari kung anong gagawin sa katabi lalo na't wala siyang ideya kung may nagawa ba siyang mali kagabi, o baka may nasabi siya kay Beau habang tulog siya. Sa sobrang pagod niya, hindi niya alam kung paano sila humantong sa ganitong sitwasyon.

Para namang kumawala ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan at napaigtad siya nang makita niyang nakamulat na pala ang mga mata ni Beau. "Oh God. Hobby mo ba ang manggulat?"

"Hobby mo bang titigan ako?" sabat naman ng maliit.

"Good morning," ani Tanner sabay ngiti sa kaharap na lalaki.

"Anong good sa morning kung ikaw una kong makikita paggising?"

Nanlaki naman bahagya ang mga mata ni Tanner at napanganga sa naging turan ni Beau. "Kagigising mo lang, nagsusuplada ka na agad."

"Sinong hindi magsusuplada, ang likot mong matulog, punyeta ka. Ikot ka nang ikot. Sino ka, si Sarah G.?!"

Napahagalpak naman sa tawa ang matangkad at bumangon para umupo't ayusin ang postura sa higaan nila. "HAHAHAHAHAHHA sorry na, akala ko wala akong katabi eh. Sa liit mong 'yan hindi kita naramdaman."

"Ah gano'n..." Kumuha ng unan si Beau at hinampas ito kay Tanner. Nang makahanap ng tiyempo, hinila niya si Tanner at inihiga, sabay pumatong siya't dinaganan ang binata kasama ang mga braso nito. "Itong maliit na 'to ang papatay sa'yo!"

Marahan at magpalarong sinampal-sampal ni Beau si Tanner, sabay pingot ng tenga at pisil ng ilong nito. "Aray ko! B! HAHAHAHAHAHAH TULONGGGG, TULUNGAN NINYO 'KO!!!" pakunwaring sigaw ng matangkad, "MAY TIYANAK!"

Ilang minuto pa ang itinagal ng 'pambubugbog' ni Beau kay Tanner bago nila mapagpasiyahang magligpit na ng pinagtulugan at mag-asikaso ng kanilang brunch. Pero agad namang pinagsisihan ni Tanner na hindi niya pa pinatagal ang kulitan nilang dalawa.

Mabilis kasing dumating ang midterms nila, nauna ang kay Tanner. Alam niyang sa mga panahong ganito, nakatuon lang sa pagre-review ang buong atensyon ni Beau.

Aaminin din niya na kahit naguguluhan siya, ramdam niyang may mga pagkakataon na dumidistansya na ito sa kaniya. Parang nag-iingat ito sa tuwing magkalapit sila sa isa't isa.

Ramdam ko talaga na may nangyari nung gabing 'yon.

"Last day na ng midterm ninyo bukas, 'no?" tanong ni Tanner kay Beau. Tinanguan lang siya nito habang busy sa pagtingin sa index card na naglalaman ng mga equations and formula.

"Alis tayo after? Unwind lang," alok niya rito.

"Sisimulan na agad namin 'yung project eh, para matapos agad before finals," sagot ni Beau. Hindi man lang siya sinulyapan nito, kahit saglit lang sana.

Ito ba 'yung pakiramdam nung bigla ko na lang siyang iniwasan? Nakakabaliw.

Bubuksan na lang sana niya ang kaniyang laptop para aliwin ang sarili nang biglang magsalita muli ang maliit, "Baka gabihin ako sa mga susunod na araw at hindi makapagluto sa gabi." Diretso at sa napakalamig na tono.

"A—Ayos lang! Walang problema hehe."

Ano bang nagawa ko?! AHHHHHHHHHHHHH!!! Bakit ang cold niya bigla?

Napasimangot pa siya nang makita na wala man lang emosyon ang mukha ni Beau habang kinakausap siya.

Baka pagod lang dahil sa exam week.

Lumabas saglit si Tanner na sinundan naman ng tingin ni Beau.

"B, hindi ka pa naghahapunan. Tuloy mo na lang 'yan mamaya." sabi ng matangkad nang makapasok itong may dala na plastic bag.

Mabilis na napalingon si Beau sa orasan nang makita niyang pagkain ang hawak-hawak ng binata. "Shocks, sorry hindi na ako nakapagluto. Hindi ko namalayan 'yung oras."

"Okay lang, kain na tayo?"

"..."

Hindi mapakali si Tanner. Parang pwede na lang siyang mabilaukan anytime sa sobrang tahimik ng bahay. Tanging ang tunog na lang ng mga kubyertos ang naririnig sa loob.

"Are we okay?" si Tanner.

"Oo naman, bakit mo natanong?" sagot ng kausap.

"Wala lang. Para kasing medyo naging distant ka."

Bahagyang natawa si Beau at sa pagkakataong 'yon, itinaas na niya ang kaniyang ulo para tignan si Tanner. "'Yung totoo? Hindi kasi ako maka-focus sa pag-aaral nang dahil sa'yo."

Kumunot naman ang noo ng matangkad. "Ha? Tahimik na nga lang ako eh."

"Tahimik ka nga, kaso kung saan-saan ka naman sumusulpot, tapos lakad ka pa nang lakad sa loob ng bahay. Para kang butiki na ewan." 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now