CHAPTER 35

176 10 0
                                    

"Good morning kiss ko?" Ngumuso pa ito na tila nag-aantay talaga kay Beau.

Mabilis namang tinulak ni Beau ang mukha ni Tanner gamit ang kaniyang palad. "May bata! Umayos ka nga!" mariing bulong nito.

"Ihhh... hindi naman nakatingin."

"HAHAHAHA para kang sira. Hindi pa nga ako nagtu-toothbrush," natatawang turan ng maliit.

"Okayyyy..." Bagsak ang ekspresyon ng matangkad. Tatalikod na sana siya para ituloy na ang pag-aasikaso sa lamesa nang mabilis na hinawakan ni Beau ang kaniyang magkabilang pisngi.

"Sus, tatampo agad HAHAHAHA! Sa pisngi muna," ani Beau sabay halik sa pisngi ng kasintahan, "pag-uwi na lang natin ulit 'yung iba."

Natahimik si Tanner at unti-unting gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi nito. "Parang ayaw ko na ata lumabas."

"Siraulo!"

Tulad ng napag-usapan, nanood silang tatlo ng pelikula. Doon na rin sila nagtanghalian, dahil pagkatapos ay magtitingin pa sila ng mga bibilhin ni Beau.

"Games po tayo!" pagyaya ng bata sa kanila. Tinutukoy nito ang arcade na madalas nilang puntahan ng kaniyang tiyuhin.

"Okay po, pero samahan muna natin si Tito B mo. Bibili lang siya ng pajamas," ani Tanner.

"Huy, ayos lang! Mauna na kayong dalawa, mabilis lang naman ako," sabat naman ni Beau at tinignan si Tanner.

Tumango na lang si Tanner at pinaalalahanan na lang ang kasintahan na mag-text ito kung may kailangan.

Hindi naman na nag-aalala si Beau sa pasikot-sikot ng mall, may directory naman sa bawat floor na makapagtuturo sa kaniya ng mga stores sa loob.

"Grabe naman sa OA ng mga presyo." bulong niya sa sarili nang makita ang mga nakalagay sa price tag ng kaniyang mga tinitignan na damit.

Actually, kaya talaga siya nagsariling bumili... dahil iba ang pakay niya.

Marami pa talaga siyang damit, terno pa nga ang mga pantulog niya, nagkataon lang talaga na butas 'yung unang nadukot niya sa damitan.

"Parang masyadong maaga para magregalo ng singsing." Kasulukuyang naglilibot siya para tumingin ng pwedeng ibigay kay Tanner na regalo. Naalala niya na hindi nga niya pala ito nabigyan nung pasko.

Joke lang! Hindi ko pala alam sukat ng daliri ni Tanner hehe.

"Hmmm... ito na lang kaya?" tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang isang parisukat na bagay.

"..."

Hindi mapakali si Tanner. Tingin siya nang tingin sa labas kung may nakikita na siyang kahit anino ni Beau. Pero wala. Nakailang palit na kasi ng laro ang magtiyuhin at halos maikot na nila ang buong palaruan, ngunit hindi pa rin dumadating si Beau.

"Tito Tantan! Wala na pong laman 'yung card natin!" Hinihila pa siya ni Prince para lang mag-recharge ng balance sa counter.

Kinarga na lang niya ang bata dahil dumarami na rin ang tao na nagsisidatingan. Karamihan ay mga bata. Marahil nakapamasko na ang mga ito at piniling sa arcade ilaan ang perang nakalap mula sa kanilang mga ninong at ninang.

"Nasaan 'yung bimpo mo? Pawis na pawis ka na, oh," sambit ni Tanner sa karga niyang pamangkin.

Madami-dami rin palang nagde-date rito. Isip ni Tanner. Nakamasid lang siya sa mga magkasintahang naglilibot sa loob.

Nagulat na lang siya nang biglang naging ligalig si Prince. "Tito B!" Agad namang nagtama ang tingin nilang dalawa at naglakad na palapit sa kanila si Beau.

"O, wala kang nabili?" pagtataka ni Tanner nang makita na walang bitbit si Beau.

Umiling naman ang maliit at saka nginitian ang kausap. "'Di worth it."

"Tito B, doon po tayo!" mungkahi ng bata at bumaba mula sa pagkakarga ni Tanner.

Sumunod na lang si Tanner sa likod nila. May malalim na iniisip.

"Nagsasaya 'yung pamangkin mo tapos ikaw mukhang sinakluban ng langit at lupa," bulong ni Beau sa kaniya. Pinapanood lang nila si Prince maglaro ng basketball na pambata.

Pumwesto si Tanner sa bahagyang likod ni Beau at saka inilapit ang bibig nito sa tenga ng maliit.

"Can we hold hands?"

Napangiti naman si Beau at walang pag-aatubiling kinuha ang kamay ni Tanner.

Cute.

Halos nagdilim na ang kalangitan nang maisipan nilang umuwi, paano, ayaw magpaawat ni Prince hanggat hindi siya nakakakuha ng tatlong stuffed toys mula sa claw machine. Tig-iisa raw sila.

"Naubos din ang energy," natatawang sabi ni Tanner habang nakalingon sa gawi ng pamangkin sa likod. Bagsak at mabilis na nakatulog ang bata sa kaniyang safety seat.

Nakatingin lang si Beau kay Tanner. May paghanga sa mga mata nito.

"Alam kong gwapo ako, pero 'wag mo naman ako pagkatitigan nang ganiyan."

"Ang cute mo lang tignan kapag may kasama kang bata. Sigurado akong magiging mabuti kang ama ng magiging anak mo HAHAHA," natatawang saad ni Beau at ibinalik na ang tingin sa daan.

Natahimik na lang si Tanner, parang hindi alam kung anong itutugon sa mga biglaang sinabi ni Beau.

"Ganda, seatbelt."

Payapa ang naging biyahe nila pauwi. Minsan, sumusulyap-sulyap si Tanner at sinusubukang kausapin si Beau, ngunit tipid ito kung sumagot sa kaniya.

Baka pagod lang. Isip-isip ni Tanner.

Nang makarating sila sa bahay, kinarga na lang ni Tanner ang pamangkin dahil ayaw pa rin nitong tuluyang gumising.

Si Beau naman, nauna na sa loob. Hindi magkandaugaga.

"Wait lang! Diyan ka muna! Close your eyes kapag pumasok ka!" sunod-sunod na wika ni Beau nang ipihit ni Tanner ang doorknob.

Sumunod naman ang binata at nakadiretso ang mga kamay, kinakapa ang direksyon na nilalakaran nito. Pagkasara niya ng pinto ay tumigil siya at nanatiling nakapikit at nakatayo.

Ilang segundo ring natahimik ang buong bahay nang biglang magsalita ulit si Beau. "Okay, open your eyes."

Bumaba agad ang tingin ni Tanner sa kung saan nakalahad ang kamay ni Beau. May hawak na parisukat na lalagyan.

"Kinakabahan akong ibigay 'to kasi baka hindi mo magustuhan. At saka... gusto ko kasing maging special sana 'yung unang regalo ko for you."

Ito 'yung rason kung bakit tahimik siya mula pa kanina?

"God. You're adorable." 

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now