Chapter 1

1.2K 67 13
                                    

NYX'S POV

Narinig kong Tumutunog at nag iingay na naman ang alarm clock ko. Kaya iminulat ko ang mga mata ko at pinatay iyon, sa pamamagitan ng pag hagis sa pader. Hay salamat at tahimik na.

Babalik pa sana ako sa pag tulog nang marinig ko ang pag kalabog ng pintuan ng kwarto ko.

"HOOOY! SENYORITA NYX GUMISING KA NA!!!"

Sarkastikong pagkakasabi ng magaling kong tiyahin.
Hindi ko sya pinakinggan at tinangpan ko na lang ng unan ang tenga ko para di ko marinig at bumalik na lang sa pag tulog.

"Anak ng!" singhal ko dahil pag kalabog nya ng pinto
mabilis akong bumangon at binuksan ang pinto. "anong problema nyo? Wawasakin nyo ba ang pinto?"

Pag katapos ko syang tanungin ay binato nya sa akin ang mga papel. Tinignan ko iyon at binasa. Meralco at maynilad.

Meralco P 10,873.56
Maynilad P 5,531.14

Magaling. Ganda ng agahan ko. Bayarin agad.

"Bakit hindi kayo ang mag bayad nyan? Tutal Anak mo at asawa mo naman ang dahilan kung bakit ganyan kalaki ang mga bayarin?" umay kong tanong sa kanya.

"aba kanino bang bahay to? Sino ang nag lalaba sa mga damit mo? Ang nag luluto at nag hahain ng mga pagkain mo? Ang mag linis ng pagka laki laki mong bahay? Ang mag tapon ng basura. Ang mag ligpit ng mga kalat mo?" tsss. Nakapamewang pa sya at naka taas ang kaliwang kilay.

Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa anak nya na dumaan sa likuran ng kanyang ina. Kung pwede lang dukutin ang mata kanina ko pa ginawa. Dadaan na nga lang at titingin pa.

Kinindatan nya ako at saka kumagat labi. Tinignan mula ulo hanggang paa.

Nag Dirty finger ako sa manyak nyang anak na si Ethan.

Wala akong paki kahit nasa harap pa kami ng nanay nya.

Saka ako tumingib kay ante. At matipid na sinagot ang "Oo na".
Pinagsarahan ko sya ng pinto.

"BASTOS KA TALAGANG BATA KA!!!"

Hm! I smirk

Di ka pa nasanay.

Napatingin ako sa Wall clock ko. 5:30 AM na pala. May pasok pa ako sa school maaga pa naman ang class ko ngayon.

Kailangan ko pa bang mag pakilala? Tssk!.

Ako si Nyx (niks) Schultz, 16 y/o, ulila simula 10. Namatay sila dahil sa plane Crashed at hindi na nakita ang mga katawan. Simulang nawala sila ay nag simula na ang kalbaryo ng buhay ko. Wala na akong mga kamag anak. Kaya nabuhay akong mag-isa sa loob ng isang taon kasama ang yaya ko. Pero namatay din sya dahil sa sakit na cancer.

Kaya wala na akong kasama sa bahay. Hanggang isang araw na lang ay may kumatok sa pintuan ng bahay namin at nag pakilalang kamag anak ko "RAW".

Sa umpisa maganda ang turing nila sa akin. Para talaga nila akong isang tunay na anak. Akala ko magkakaroon ako ulit ng isang buo at masayang pamilya, pero nag kamali ako. Dahil sa pag daan ng mga araw, buwan at taon ay lumabas din ang tunay nilang mga ugali.

Si Tito lasengero at mahilig mag sugal.
Si Tita bungangera at mukhang pera.
Ang anak naman nila manyak, tamad, palaasa, at paniguradong walang mararating sa buhay.

Parati na lang maingay ang bahay. Puro sigaw dito sigaw doon. Kaya para di ko na lang marinig ang mga problema nila sa buhay ay nag papatugtog ako ng malakas.

Mas gusto ko pang mapag isa at walang kasama kesa naman mapaligiran ng mga taong walang utak.

Oo tama ka...
Galit ako sa mundo. Galit sa lahat.
Galit na galit.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now