Chapter 47

90 8 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ilang minuto ang nilaan ni Alyster sa labas ng Social hall habang nakatingin lang sa langin na puno ng mga kumukutitap na bituin kasama ang bilog na buwan. Nakasandal at nakaupo lang sya dun... Walang gustong isipin, walang nais maramdaman... Tulad ng isang boteng walang laman.

Hanggang sa bigla na lang may nag sigawan sa loob at malalakas na paputok ang narinig nya mula sa loob ng social hall. Nag kagulo ang lahat... Maraming naglabasan palabas dahil sa mga kwitis at iba pang firecrackers na nag sisiputukan sa loob.

"LABAS! LABAS NA!!!" sigaw ng mga members ng Black Rose na tinutulungan ang mga estudyante makalabas habang Prinutektahan sa mga paputok na maaring tumama lalo na sa mga babae.

'nasaan na sila?!' hindi makakita si Alyster sa kapal ng usok na bumabalot sa loob ng malaking kwarto.

"NYX!? ICARUS?! LUKE!?... MALCOLM?!!... HILLARY???!" sigaw nya pero parang hindi pa rin nya marinig ang sariling boses dahil sa ingay. Biglang nag ring ang phone nya sa bulsa kaya kinuha nya ito at sinagot kahit hindi nya nakikita ang pangalan.

"HELLO?!" sigaw nya para marinig sya mula sa kabilang linya.

[AAAAAAHHH!!!]

Tinignan ni Alyster ang screen ng phone kahit naluluha na sya sa sakit ng mata sanhi ng usok.

'Lyle?' pag banggit nito sa pangalan ng leader ng knights

"*UBO* *UBO* HELLO!?" hindi nya marinig ang sinasabi nito dahil malakas na ingay din ang nag mumula sa kabilang linya. Sigawan at puro putukan lang din ang naririnig nya.

*toot* *toot* *toot*

Naputol na lang ang tawag ng wala syang naintindihan na kahit na ano.

"ETHAN!!!! *ubo* *ubo* *ubo*" hanggang sa bigla na lang nawala ang ingay. Isang nakakabinging katahimikan ang pilit na pumapasok sa tenga nya. Wala ng tao sa loob ng social hall at wala na ring mga paputok ang maririnig. Nawala na ang usok na kanina pa humaharang sa mata nya at nagulat sya sa nakita. Sobrang kalat, sobrang gulo kahit yung nasa taas ng stage ay makalat na rin. Wala na ang mga kaibigan nya... Walang Black Rose ang natira sa loob... Si Cornelius, Icarus at Nyx... Lahat parang nag lahong parang bula. Tinawagan nya ang mga # nilang lahat pero out of coverage...

"You..." boses ng isang lalaki ang narinig ni Alyster mula sa kanyang likuran kaya hinarap nya ito upang makita. "Frankenstein?..." saad ni Cornelius

Mabilis na bumama ng stage si Alyster at lumakad papunta sa harap ni Cornelius. Mabilis na tinago ni Alyster ang pag-aalala na nasa mukha nya at pinalitan ng ngiti. "yow!"

"Anong..." gulat na mukha ang binigay ni Cornelius saka inambahan ng suntok ito.

"teka! Wala akong kinalaman dito..." - Alyster

"sinungaling! ikaw siguro ang leader ng unknown?!" - Cornelius

"tekaaaaa!" sigaw ni Luke na mabilis na tumatakbo papunta sa dereksyon nila. Kasabay na tumakbo nya sila Leon, Hillary, at Malcolm pati ang ibang Black Rose.

Mabilis na hinanap ni Alyster si Icarus, Ethan at Nyx gamit ang mata nya pero hindi nya makita ang mga ito.

"Alyster okay ka lang?" tanong ni Malcolm

"oo naman..." saad nya na may kasamang ngiti. Binuksan nya ang GPS nya at mabilis na tri-nack ang phone ni Ethan.

'tama nga ang hinala ko... Kailangan lang masunod ang lahat ayun sa plano...' yun ang nasa isip ni Alyster.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Cornelius

"ah! Kami yung banda kanina! Malaki kase yung bayad dito kesa sa school namin eh!" paliwag ni Luke.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now