Chapter 55

99 8 0
                                    

THIRD PERSON POV

"Lyle... Nasa bahay pa daw yung Magulang ni Ethan. Kasama yung tatlo pang lalaki... Pero pansin nila na nag liligpit daw ng mga gamit." saad ni Hugh

"kahit anak nila si Ethan alam nila na mag susumbong ito sa pulis kaya tatakas sila" saad ni Achilles

"Sabihan sila na sundan kahit saan sila mag punta... Tell them to keep distance baka mahalata sila" saad ni Icarus

Tumingin muna si Hugh kay Lyle kung sang ayon ba ito sa plano ni Lucifer pero tumango ito saka nag type sa phone.

"mag kalinawan muna tayong lahat. Siguraduhin nyo na walang makakalabas na kahit anong impormasyon dito. Lalo na sa nangyare kay Nyx at sa kung ano ang nalaman nyo about sa Lucifer... Get it?" babala ni Cornelius

"ariglado..." sabay sabay nilang sabi.

Si Alyster ang unang nag bigay ng Idea for their plan na kinuha nya naman sa pinakita sa kanya ni Attorney na movie kanina. Lahat sila ay na excite at tumaas ang mga dugo dahil sa planong yun. Kaya nag bigay pa sila ng nagbigay ng mga idea at pinag sama sama kaya...

"grabe..  Hindi ako maka pag hintay!" saad ni Achilles na nakahawak sa puso nya at pinakikiramdaman ang mabilis na tibok ng puso.

"hindi naman masama maging Lucifer kahit isang beses lang..." saad naman ni Alyster

"yeah..." - Cornelius

"yung favorite movie ko pa talaga ang ginamit natin... Na excite ako" - Icarus.

Ganun din ang pakiramdam ng lahat... Naiisip pa lang nila ang mga mangyayare ay parang gusto na nilang gawin pero hindi pa pwede dahil Kulang sila sa gamit. Pero sa kabila ng mga napag usapan nila at sa excitement ng lahat ay may isang taong tila walang pakialam.

"Orville nakikinig ka ba?" tanong ni Cornelius habang nakakunot ang noong nakatingin sa lalaki.

"naintindihan mo ba lahat ng napag usapan NATIN?" tanong ni Achilles na huminto sa pag kain dahil kinausap ito. Lahat sila ay nakatutok ang mga mata sa kumakaing si Orville ma sunod sunod ang subo.

"nginu-nguya mo ang kinakain mo?" tanong ni Lyle

"Orville... Hinay hinay maraming pagkain" bilin ni Sidney sa leader nila pero hindi ito nakikinig kaya napakamot na lang sila ng mga ulo nila.

"Gusto mo ba ng Ice tea? Or Tubig lang?" tanong ni Ylona. Huminto si Orville sa paglamon at tumingin kay Ylona... Bago nya sagutin ang tanong na iyon ay nilunok nya muna ang nasa bibig.

"Gusto ko ng Ice tea... Pero crashed ice dapat" request ni Orville

Tumingin muna si Ylona kay Cornelius na tila nag tatanong kung may Crashed ice ba sila.

"wala kaming crashed ice" - Cornelius

"akin na... Ngunguyain ko na lang yung yelo tas idudura ko sa ice tea mo. Ang arte." inis na sabi ni Achilles

Tumingin si Orville kay Achilles saka kinuha ang manok sa plato nito gamit ang tinidor sabay pinasa ng laway iyon at nilapit sa bibig ni Achilles. "try mo tong kainin!"

"kadiri ka!" Sigaw ni Achilles na pilit inilalayo ang bibig.

"itigil nyo nga yan... Nasa harapan tayo ng hapag kainan ah!" saway ni Cornelius

Nang manahimik sila ay si Alyster na ang nag tanong "naintindihan mo ba ang plano, Orville?"

"Nagustuhan mo ba?" pahabol na tanong ni Icarus

Napaisip si Orville at hinintay ng lahat ang sagot nito sabay tango "oo naintindihan ko..." nakahinga sila Reginald sa narinig mula sa leader nila. "lalo na yung theme song..." pahabol na sagot nito na ikinalag lag ng panga nila Godfrey, Sidney at Reginald.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon