Chapter 49

114 6 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Tapusin na natin ang larong toh..." saad ni Cornelius kay Ashley tinignan nya ang dealer kaya binigyan na sila pareho ng cards.

"dito na natin makikita ang resulta tama?... Hahahaha!" tawa ni Ashley pero hindi na nag sayang ng oras si Cornelius at pinakita na nya ang kanyang baraha. Isang king of spade at isang 8 of spade. "now... Pwede na ba kaming umuwi?"

Tulala lang si Ashley na nakatingin sa baraha nya. Nang makita ni Cornelius na walang planong sumagot ito ay tumayo na sya para umalis na... Nakaka tatlong hakbang pa lamang sya ay nakarinig sya ng isang bakal na tila hinihila sa sahig ng bigla na lang itong tumigil ay isang anino ang tumakip sa kanya. Masama ang pakiramdam nya ng makita ang mga mukha ng mga leader na nakatingin sa likod nya.

"Cornelius!" Malakas na tawag sa kanya ni Alyster.

Napapikit sya at hinintay ang kung ano mang tatama sa kanya pero wala... Walang kahit na ano kaya binuksan nya ang kanyang mga mata at sinulyapan ang mga leader. Gulat ang mga mukha nito... Saka sya nakarinig ng kalansing ng bakal na bumagsak sa sahig. Lumingon sa likod at nakita roon si Ethan. Nakaangat ang braso nito at prinutekhan ang ulo nya. Pero ng tignan nya si Ashley ay mas malaking surpresa ang tumambad sa kanya.

"Lucifer..." saad nilang lahat. Naka upo sya sa bintana at nakatingin sa kanilang lahat... Tinatabunan nya ng anino ang loob ng Kwarto.

Naka itim syang suot mula ulo hanggang paa. At ang bago nyang maskara na higit pang nakakatakot. Isang bakal na demonyong maskara... Para syang aninong buhay na tinatakpan ang bilog na buwan.

Napatingin sila kay Icarus na tumayo at tumingin sa lalaking nasa bintana.

"ikaw pala yung tinutukoy ng lahat na Lucifer... Bat ngayon ka lang nag pakita?... Ang hirap maging ikaw lam mo ba yun?" saad ni Icarus na tila maiiyak na.

Bumaba si Lucifer at nag lakad papunta kay Icarus. "very well... Icarus..." isang nakakatakot na boses ang lumabas. Binago ng maskara ang boses ni Lucifer at mas ginawa pang nakakatakot.

"thank you... Ha ha ha" pilit na tawa ang binigay ni Icarus na tila ba natatakot. Si Lucifer mismo ang nag tanggal ng pag kakagapos ni Icarus.

"pero hindi ba... Si Icarus si Lucifer?..." takang tanong ni Ashley.

"wala akong alam sa sinasabi nyo!" pag tatanggol sa sarili ni Icarus.

"pero bakit hindi mo yan sinabi umpisa pa lang?" tanong ni Cornelius na inis na inis.

"kase pag may mag papanggap na Lucifer mabilis na mauuto yung kalaban at hindi na tayo mahihirapan. Atsaka... Para may magawa din ako para sa Black Rose... At para kay Nyx..." - Icarus

"magaling ang ginawa mo... At ngayon... Ako na ang bahala rito..." - Lucifer.

Nang hina ang tuhod ng lahat ng marinig ang nakakatakot na mga salitang iyon ng mag labas ito ng nakakatakot ma aura. Isang killer aura... A blood thirst aura...

"hindi.... Impossible..." takot ni Ashley ng tumingin si Lucifer sa kanya hanggang sa humakbang ito palapit ng palapit ng palapit. "ha! Hahahahaha. Sinong matatakot sayo huh?"

May bumato mula sa labas ng bintana ng isang lata at biglang binalot ng usok ang paligid. Isang makapal na usok...

*ubo* *ubo* *ubo*

"letse saan nag mula ang usok natoh?" tanong ni Lyle.

"anak ng! LABAS!" sigaw ni Achilles

"Nyx!" sigaw ni Icarus

"halika na! Hawak ko na sya" saad ni Ethan.

"shut up! I can handle my self" - Nyx

Mabilis silang lumabas ng kwarto pero ipinagtaka nila ng sila sila lang ang lumabad at walang unknown gang silang nakita. Nang mag laho na ang usok ay tinignan nila ang loob at wala ng tao roon. Tumakas ang grupo gamit ang daan mula sa kabilang pintuan.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now