Chapter 51

109 8 0
                                    

ETHAN'S POV

Hay sa wakas lumayas na ang mga maiingay. Grabe ang gugulo nila...

Hmmn? Hindi ako nagiging komportable sa pag kahiga ko dahil may kung anong matigas sa higaan kaya marahan akong bumangon at inalis ang kumot. Nakita ko ang isang cellphone na nakataob... Sa pagkaka-alala ko ito yung cellphone na kanina pa pinag lalaruan ni Dart. Napaka pabaya naman sa gamit.

Binuksan ko iyon at isang angel na babae mula sa RPG game ang nasa lock screen. Bahala nang paki-alaman ko ito kasalanan naman nila dahil iniwan - iwan nila ang isang mahalagang bagay. Pag mahalaga sayo alagaan mo hindi yung kung saan saan inilalagay at pinababayaan.

Humiga muna ako ng maayos saka in-slide yung unlock mula sa kaliwa pakanan. Buti at walang password or pattern yung cellphone kaya nakita ko agad yung home. Nakita ko na si Hugh yung nasa wallpaper maporma at talagang masasabi ko na gwapo sya. "so kay Hugh pala tong cellphone... He he he tignan nga natin kung may porn sya dito..."

Mabilis kong hinanap ang gallery at nakita ko naman agad kaya binuksan ko yun pero ikinagulat ko yung mga pictures... Si Angel. Binuksan ko yung mga folders isa isa, lahat yun si Angel at meron din sila Yuna at mga kaibigan at yung iba ay mga classmates nya siguro... Pero bakit wallpaper nya si Hugh?

Nakita ko yung picture sa shareit... Bakit?
Anong meron?... Sumisikip ang dibdib ko... Katulad toh noon sa periswheel nung nalaman kong lalaki pala sya. Ang sakit... Nauulit na naman ang pakiramdam na toh... Ayaw ko nang ganito.

"Ethan..." napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Angel..." banggit ko na may kasamang gulat. Nahahapo sya sa pag hinga at mukhang pagod.

"naiwan ko yung cellphone ko..." sabi ng Hindi man sa akin nakatingin, napasadahan ng mata nya ang hawak ko kaya Lumapit sya nang tatangkain na nyang kunin ay mabilis ko iyong iniwas. "anong problema mo? Akin na yang cellphone ko..."

Simula kanina hindi nya ako tinitignan. Iniiwasan nya ako ng tingin... Ganun ba ako kasuklam-suklam para sa kanya na kahit sulyap lang ay ipinag kakait nya sakin?. Tinitignan ko ang mukha nya na namumula na sa inis.

"halikan mo ko..." saad ko kaya natigilan sya sa pag kuha sa Cellphone nyang nasa kanang kamay ko pa din.

"nang ga-gag* ka ba talaga huh?" yung inis nya kanina ay naging galit na. "ano bang problema mo Ethan? Hindi ka ba kinikilabutan? Nakikita mo naman di ba?! LALAKI AKO! LALAKING KATULAD MO! kaya pwede ba?! Alisin mo na sa utak mo yung mga kadugyutang yan! PLEASE LANG!" - Angel

"eh bakit si Hugh?" katwiran ko na tila hinang hina at walang boses mag salita. Gusto kong umiyak sa harapan nya para makita nya kung gaano kasakit.

"huh? Anong meron kay Hugh?" napangiwi ang mukha at bahagyang inayos ang salamin. "look... Kung tungkol toh sa yaka kanina ni Hugh... Put**g i*a wala yun! Gag* ka ba?"

"yeah... Kaya pala wallpaper mo sya..." nang mumukha akonv tanga sa mga sinasabi ko. Parang akong boyfriend kung mag salita pero hindi naman talaga. "tignan mo ako.. Tignan mo ako sa mata Angel..." ginawa naman nya iyon "wala ka bang naramdaman sa halik ko?"

Please...

Please sabihin mo meron. Wag mong patayin yung pag asa ko

Umupo ako ng tuwid at tila walang inindang sakit. Diretso ang tingin ni Angel sa mata ko sabay sabing "oo meron... Nandiri ako..."

"yeah..." mabilis kong hinatak papunta sa akin ang kwelyo ni Angel and I kiss him torridly. Kung itatanong nyo kung saan ako pinaka magaling bukod sa basketball yun ay ang humalik. Ipinag mamalaki ko yun kaya ako binabalik-balikan ng mga babae ko.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now