Chapter 59

96 7 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"teka... Nasaan si Ethan?" tanong ni Nyx sa kalagitnaan ng kainan nila ng mapansin na wala doon ang pinsan nya.

"oo nga noh?..." takang tanong ni Leon

"kanina ko pa sya hindi nakikita..." sagot naman ni Yuna

Nag taka ang lahat dahil sa pagkawala ni Ethan kaya tinawagan sya ni Leon pero hindi ito sumasagot.

"tsk..." tinago na lang ni Ethan ang cellphone nya na naka lagay sa silent mode ito. Bumaba sya sa isang building matapos tumigil ng taxi. Pupunta sya sa office ni Atty. Lelouch para pag usapan ang lahat lahat... Dahil gusto nya ding tumistigo laban sa mga magulang nya. Diretso sya ng lakad at nag tanong sa front desk kung saan ang office ni Lelouch. Nang makarating sya doon ay kabado syang kumatok.

"pasok..." boses mula sa loob kaya tumuloy na sya. "Ethan... Umupo ka..." saad nito.

"hindi na ako mag papaligoy ligoy pa Atty." lumuhod si Ethan sa harap ng mesa ni Lelouch na ikinagulat naman nito.

"anong ginagawa mo!?" napatayo si Lelouch sa pag ka bigla.

"hindi lang sila mama at papa ang nag karoon ng kasalanan kay Nyx pati ako!... Kahit handa akong tumistigo laban kila mama alam kong kulang pa din iyon..." saad ni Ethan

"Ethan... Tumayo ka na... Hindi na kailangan" lumapit si Lelouch at pinatayo ito saka niyakap ang bata. "Naiintihan ko... Hindi lang ikaw ang sinisisi ang sarili... Pati din ako... Kaya tama na. Inamin na mismo ng magulang mo at mga kasama nila ang ginawa nila kaya hindi na ito idadaan sa hukuman..."

"paano po si Nyx..." tanong ni Ethan na bumitaw sa kayap at umupo ang dalawa .

"mapupunta sya DSWD dahil wala pa sya sa sapat na Edad... Pati ikaw dahil nakulong ang mga magulang mo" saad ni Lelouch na ikinagulat ni Ethan.

"what?" saad ni Ethan na napahilamos sa mukha nya at nanlumo..

"pero wag kang mag-alala... Pansamantala lang naman eh... Dahil may aampon agad sa inyo..." saad ni Lelouch

"paanong hindi ako mag aalala Attorney? Kakatapos lang ng gulong ito at may panibago na naman? Anong klaseng pamilya na naman yun? Baka katulad din nila mama or baka mas malala pa?! Paano ko maipag tatanggol si Nyx kung mag kahiwalay na kami?" sunod sunod na tanong ni Ethan

"hey hey... Relax... Please Ethan... Please Trust me... All this time ito na yung pinakahihintay natin. Inilaan ko ang panahon ko para dito kaya please trust me." makahulugang saad ni Lelouch "atsaka... I promise na hindi kayo mag kakahiwalay ni Nyx... Okay?"

Tumango na lang si Ethan

"makikilala nyo din ang aampun sa inyo..." yun lang ang sinabi ni Lelouch.

****************
Sa bahay ni Nyx
****************

"haaaaay anong oras na wala pa din si Ethan!" asar na sabi ni Hugh na sakto namang bukas ng pinto at pumasok ang kanina pang hinahanap ng lahat.

"IKAW!" sabay sabay na bulyaw nila dito

"oh bakit?" gulat na tanong ni Ethan

"saan ka galing?" tanong ni Yuna na naka pamewang pa

"alam mo ba kung anong oras na?" saad ni Luke habang naka cross ang dalawang braso sa tapat ng dibdib

"kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah!" naka simangot na sermon ni Leon

"Bakit hindi ka nag paalam na aalis ka?" tanong ni Casper

"nag alala kaming lahat sayo alam mo ba yun? Huh? Huh? HUH?" sabi naman ni Tori

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now