Chapter 63

112 7 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Don't wanna close the door,
Don't wanna give up on it
Don't wanna fight no more,
We'll find a way around it,
Where's the love we had?...
We can make it last... Tell me what I gotta be, Tell me what you wanna do
'Cause I can't live my life 
The way you want me to
You know I can't go on
Living like we do Do I have to cry for you?... Do I have to cry for you?---" kanta ni Alyster habang nag gigitara sa labas ng bahay nila habang nakaupo sa mga damo.

"Nice Voice..." sabi ng babae mula sa likod ni Alyster nang makita nya kung sino ito ay bigla syang napatayo.

"Nyx?" saad nya sa gulat nakita nya na may kasama ito na nag sara ng gate. "Icarus?... Anong... Ginagawa nyo dito sa bahay?" takang tanong nya.

"sinabi ko kase na marunong ka sa music eh kaya mag papaturo kami" masayang sabi ni Icarus habang nag lalakad papunta sa kanya.

"anong..." napakamot sya sa ulo dahil naguluhan sya "teka bakit ako?" takang tanong nya.

"just what I said maalam ka sa music di tulad ko... May banda ka di ba? Kayo nila Luke kaya ikaw ang naiisip kong puntahan. Atsaka... May contest sa school sa Monday... Gahol na kami sa oras..." paliwanag ni Icarus

"hindi tayo mag kakaproblema kung hindi mo ako sinali sa mga contest na yun..." saad ni Nyx na tila nag labas ng killing aura nya sa inis.

"sorry na nga eh..." sabi ni Icarus na nag pa cute pa at nag pout.

"itigil nyo na yan... Ano bang gusto nyong matutunan?... Hindi naman ako professional eh..." saad ni Alyster "gusto nyo ba ng maiinom? Sa loob tayo" sabi nya kaya pumasok silang tatlo nakita ni Alyster na may dala dala si Nyx sa kanang kamay nya na violin case. "so Pina-plano mo na mag violin?" tanong nya.

"I don't know... I just bring it with me just in case kung ano ang mapag uusapan" saad ni Nyx na umupo sa sofa katabi si Icarus.

Nag handa ng agahan si Alyster para sa kanila dahil kahit sya ay nag kape lang din. 10 am na pero ngayon pa lang sya gagawa ng agahan kaya nag luto sya ng omelet at si-nerve yun saka sila kumain. Maya maya ay nilabas ni Alyster ang electric piano nya at nilapag sa center table.

"so anong naiisip mong kanta?" tanong nya kay Nyx.

"wala..." saad nito

Napangiti na lang si Alyster.

"nag piano ka din?" tanong ni Icarus

"marunong lang ng konte..." saad ni Alyster

"napaka humble mong biset ka." saad naman ni Icarus "try ka kahit anong kanta! Please" sabi nya with excitement

"okay... Baka sakaling may maiisip kang kanta..." sabi ni Alyster kaya inimulan nya nang mag tipa ng mga piano tiles at tinugtog ang 'Irish' ng goo goo dolls.

"hmmn.. Hmmn.  Mmn" humming naman ni Icarus habang nakapikit at nakikinig ng mabuti. Hanggang sa matapos si Alyster at napa wow sya. "ang cool! Talented ka alam mo ba yun?!"

"no I-I don't think so.." sabi nya na nahihiya at nag ba-blush.

"hayst! Parang kang ewan! Talented ka pero hindi mo ipinapakita! Kung ako yan nag YouTube na ako at hahakot ng maraming likers!" sabi ni Icarus

"but I don't need it hahaha" sabi ni Alyster "try mo naman... Baka sakali na gusto mong mag piano?" sabi nya kaya umupo si Nyx sa harap ng Piano at tumabi sa kanya kaya lumayo sya at lumipat ng upuan. Nag isip si Nyx ng tutugtugin saka inumpisahan ng mag piano "Fall for you ng second serenades... Nice taste.." sabi nya kaya pinakinggan nilang dalawa ang dalaga habang seryoso sa pag tugtog at natapos ito "so ano naka isip ka na?" tanong nya kay Nyx pero umiling pa ito. "hmmn. Gusto mo sabay tayo... Try natin yung Your Guardian Angel ng RJA?... Mag gigitara ako.." kinuha nya yung gitara sa gilid "at ikaw... Ang violin... Alam mo ba ang chords nun?"

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now