Chapter 53

111 8 1
                                    

ETHAN'S POV

Sa sobrang galit ko ay di ko napansin na bumukas pala ang mga sugat ko at nagtutulo na ang mga dugo sa sahig at nag sisitalsikan habang sinisipa ko ang camera.

"ETHAN!" rinig kong tawag sa akin ng lalaking boses kaya tumigil ako at humarap. Si Papa...  "Anong ginawa mo?" mabilis syang nag lakad papunta sa akin at tinulak ako na parang isang kurtina lang na nakaharang sa daan nya. Dinampot nya ang mga piraso ng camera na nag kalat sa sahig saka matalim na tumitig sa akin kulang na lang ay lapain nya ako. Tumayo sya at isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang natanggap ko... 

Pero wala lang sa akin yun... Dahil Sa unang pag kakataon narealize ko na mas masakit ang sampal ni Nyx.

"hindi mo ba alam kung anong ginawa mo? HUH!?" sigaw ni papa sa mukha ko habang hawak ang kwelyo ng t'shirt ko.

"alam ko... Alam na alam ko..." sarkastiko kong sagot na mas lalo nyang ikinagalit. Itinaas nya ang kanang kamao at handa na para sapakin ako pero nung tignan nya ako sa mata at walang takot na nakita ay natigilan sya. Sanay na ako sa mga ganitong sakit... Mas nakakatakot pa nga si Lucifer at Alyster kesa sa kanya. Wala sa loob kong hinawakan ang kamay nya ng mahigpit dahilan para indahin nya yun at bumitaw sa t'shirt ko.

Pero isang kamao ang dumampi sa panga ko kaya napatingin ako sa kung saan yun galing. Sa isang lalaki na nanghalay kay Nyx... Naitulak ko si papa ng malakas kaya tumama ang likod nya sa pader at sunugod ko yung lalaki saka ito pinag sasapak. Kahit mas malaki ang katawan nya sa akin ay wala akong paki. Nakahawak ako sa buhok nito sa bunbunan habang pinag sasapak ito. Lumalaban sya pero dahil sa galit ay wala akong maramdamang sakit... Hindi sapat yung sapak pang... Hindi sapat... Kaya ng makita ko yung kanto ng kama na kahoy ay dun ko hinampas ang ulo nya ng isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima...

Hindi ako nag sasalita... Pero bakas sa mata ko ang lumalagablab na galit.

"TUMIGIL KA NA!" hinawakan ni papa ang dalawa kong braso at hinila ako paatras kaya nabitawan ko yung lalaki.

"bitiwan mo ako!" sabi ko sa inis pero ayaw nya akong bitiwan kaya ang ginawa ko ay hi-nead-bat ko sya at tumama yung ulo ko sa ilong nya pero ayaw nya pa din ako bitiwan kaya umatras ako at dinala sya sa pader saka hinapas dun pero ayaw pa din kaya sa gilid na ng maliit na lamesa ko sya tinulak at nawala ang mga braso nyang naka yapos sa akin. Tumumba sya sa sakit....

Tinignan ko sila pareho ng lalaki na nakahandusay... Kinuha ko yung tripod na para sa camera... At aakmang hahampasin si papa ng bagay na yun pero biglang...

"ETHAN!" boses yun ni mama...  Saka ako tumingin sa kanya. Nandun sya sa video kanina... Hindi ko sya nakita pero yung boses nyang tumatawa ang naririnig ko... Sila ng dalawa pang lalaki na kasama nya...

"YUNG CAMERA KO!" saad ng isa..

"ETHAN ANONG ginawa mo? Hindi mo ba alam na pera ang sinira mo!? Malaki ang bayad sa AV!" saad nya

"pera?... Ma... Pera na naman? Di ba binigyan na kayo ni Nyx?" walang buhay kong tanong

"sa tingin mo ba sapat sa akin yun?" - mama

"sh*t..." napakagat na lang ako ng labi.

"tignan mo kung nanjn pa yung memory card" - mama

"Oo! Andito pa! At maayos!" sabi ng lalaki na masyang pinakita yung SD card.

"sisira kayo ng buhay para sa pera?..." sobra na toh... Sobrang ganid na nila... Nag mumukha na silang halimaw hayok na hayok sa pera. Inilahad ko ang kamay ko sa harap ng lalaki "ibigay mo sa akin yan" saad ko

"hindi!" matigas nyang sabi

"ang sabi ko... I. Bi. Gay. Mo. Sa. A. Kin." at ng tinago nya yun ay hindi ako nag dalawang isip na ihataw sa Tagiliran nya yung tripod.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon