Chapter 34

170 26 16
                                    

NYX POV

*December 24, 11:45 pm. Beach in Baler, Aurora*

Hinahampas ng malakas na hangin ang mukha ko at tinatangay nun ang buhok ko. Binabalot ng lamig ang katawan ko pero wala lang sakin yun dahil sa init ng pakiramdam ko. Purong naglalakihang mga alon ang makikita at maririnig sa paligid, amoy dagat ang ihip ng hangin. Para akong ibong lumilipad... Nag iisa, pagod na pagod at nagsasawa nang puro kawalan ang nakikita wala man lang makapitan para magpahinga. Ako lang ang nag iisa dito naka upo sa buhangin... Nag hihintay ng oras at pinag mamasdan ang kadiliman na bumabalot sa paligid. Madaming bituin sa langit at bilog na bilog ang buwan na nag sisilbing liwanag ng paligid. May mga fireworks at kwitis na nagsisiputukan at nag dadagdag ng ingay sa tahimik kong mundo.
Meron na lang akong 15 minutes na natitira at birthday ko na.

"happy hellday Nyx Schultz" bati ko sa sarili ko sabay tungga ng pangatlong bote ko ng Jack Daniels. Hahahahaha kailangan kong lunurin ang sarili ko dahil para akong mababaliw. For seven years of my life I was that miserable and living in hell... And now... Kailangan ko na tong wakasan. Matatapos na to. Matutuloy na to this year... "mom... Dad... Magsasama na ulit tayo... 10 minutes na lang huh... Konting hintay pa..." tinignan ko yung picture nila sa Cellphone ko I captured it sa isa pang photo na nasa bahay. Saka ko niyakap ang mga binti ko at dinikit ang noo sa sarili kong tuhod.

Konting hintay pa...

ALYSTER'S POV

Nagdadrive ako ng motor ko... Halos wala nang sasakyan sa daan o kahit mga tao sa paligid. Siguro lahat sila nasa kanya kanya nilang tahanan masayang nagtatawanan kasama ang mahal sa buhay. Kumakain... Nagkakantahan... Pero alam ko na kahit saan mang sulok ng mundo may mga taong nag-iisa, nangungulila, at nag hahanap ng kalinga't pagmamahal. Sampung minuto na lang at pasko na. Baka mahuli ako... At wala ng maabutan.

Pero habang bumabyahe ako bumabalik sa akin ang nakaraan... Isang matamis na alala na bigla na lang nawalan ng lasa.
Ang sakit lang isip na yung pinaka malapit mong kaibigan NOON eh bigla na lang mag lalahong parang bula. At nung nakita mo na sya ulit hindi na sya tulad ng dati... Parang hindi mo na sya kilala dahil sa tagal ng panahon. Hinanap ko sya ng maraming beses... Kay tagal ko din syang hinintay sa ilalim ng punong yun... Pero walang dumating. At nung natagpuan na namin ang isa't isa, mali... Nung natagpuan ko na sya hindi nya na ako kilala. Yung tipong hindi ako nag exist sa mundo nya noon... Mahal ko na sya pero hindi pa sapat, hindi pa ako karapdapat sa kanya. Alam kong may umaaligid na sa kanya tanggap ko yun basta nakikita ko syang masaya, basta alam kong may nag poprotekta sa kanya pero... Pero...

May sumabog na liwanag sa mukha ko kaya hindi ko nakita ang daan at mawalan ako ng balanse sa motor.

"SHIT!!!!" nabangga ako sa poste at huli kong nakita ay isang ten Wheeler truck na kumaripas ng takbo papalayo. Pasko na at hating gabi wala nang dumadaang sasakyan sa highway para tulungan ako. Tch... Unti unti nang dumilim ang paligid hanggang sa wala na akong makita at maramdaman.

NYX POV

"5... 4... 3... 2..." biglang nag black ang cellphone ko at nawala sila mommy at daddy sa screen. Dapat isu-surprise nila ako sa pag dating nila pero walang nah bukas ng pinto...

Nag hintay ako ng naghintay sa harap ng pintuan...

Inaabangan ko ang pagbungad nila...

Nasabik ako sa pag bati nila ng happy birthday...

Pero bakit walang dumating? Bakit?

Nag lakad ako papalapit sa mga malalakas na along humahampas sa dalampasigan at ngayon sa payat kong katawan.
Halos tangayin ako nun at lamunin papalapit dito. Nag lakad ako ng nag lakad... Ang lamig ng tubig na unti unting binabalot ang aking katawan. Hindi ko na alam kung gaano ako kalayo sa dalampasigan tulad ng mga magulang kong hindi ko alam kung nasaan. Nung hindi na maabot ng dalawa kong paa ang buhangin ay lumangoy ako ng lumangoy... Wala akong paki kahit gaano kalayo hahanapin ko sila mommy at daddy. Ang karagatan ang kumuha sa kanila kaya dito ko sila kakanapin. Ibalik mo sila sa akin... Please... Kailangan ko sila...

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon