Chapter 37

143 11 2
                                    

ALYSTER'S POV

"aaaaahhh!!" sigaw nung mga lalaki na nasa paligid dahil sa sakit na natatamo nila.

"tama na itigil nyo na yan!!!" sigaw naman ng mga nanonood at nakatayo sa mga gilid.

"sige lang... Bubugin nyo ang yayabang eh" sigaw din ng ibang mga nag eenjoy sa panonood.

Samantala ako ito upo sa table.

*BLAAAAG* malakas na lumagabog sa sahig yung mga sirang lamesa at upuan.

"haaaaaah" hikab ko dahil antok na antok at bored na bored sa nakikita ko. Nangingilid pa ang kuha ko... Hayst. Nakaupo lang ako sa isang mesa habang hinihintay ang order ko dahil gutom na ako. Nasa isang cafe ako ngayon... Mag-isa lang. Actually nasa gitna ng away yung mesa na pini-pwestuhan ko. Trip kong maglagalag ngayon mag isa dahil kakatapos lang ng class ko. Breaktime lang dapat namin pero nag cutting ako dahil puro math na yung kasunod na subject at hindi ko natatagalan ang mga numbers.

Kelan ba matatapos ang away na toh huh? Hindi makadaan ang waiter para dalahin yung order ko. Tsk.

Anak ng...

Nagkandas sira-sira na yung mga gamit dito sa cafe... Hindi rin makaawat yung nga security guard dahil medyo masikip yung cafe. Ayus naman toh dito kanina eh... Kaso biglang nagkagulo at may nag bubugan na. Hindi ako natinag sa rumble nila dahil wala naman kinalaman jn. Kaya pinanood ko na lang sila habang nag hihintay kaso hindi makadaan yung waiter. Haaaay... Nagugutom na ako. Napakulumbaba na lang ako...

"hala yung lalaki nasa gitna baka mapahamak sya" dinig ko. Ako siguro yun... Wag nyo ako alalahanin ayun lang ako. Hanggang hindi ako dadamay... Wala kayong aalalahanin. Wala pa naman nakakasuntok sa akin o nahahagip ng kahit na anong---

"AAAAAAHHHH" napasigaw yung mga tao sa paligid. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig dahil nadaganan ako ng isang lalaki.

"wag ka kase jn g*g* ka ba?" At nasiko nya din ako sa mukha ng tumayo sya at sumugod ulit. Tatayo na din dapat ako pero hindi ako nakabwelo dahil natapakan ang kamay ko, nasipa ang likod, at napalo ang ulo at binti.

I'm hungry...

I'm pissed...

And I hate it.

Pinilit kong wag mainis at wag sumali sa gulo nila dahil ayaw kong madamay kanina. But... Sht. Tumayo aKo ng makakuha ng tiyempo. And my hands turn into fist...

Isang malakas na suntok yung ibinigay ko sa lalaking pinakamalapit sa akin at tumalsik sya kasabay nung tatlo pang nakaharang. Kaya apat silang tumalsik palabas ng cafe. Isang lalaki ang sumulpot sa kanan kaya hinatak ko sya sa likod ng kwelyo't natumba sya sa sahig saka ko tinapakan ang leeg nya kaya hindi sya makatayo.

huminga ako ng malalim.

"TIGIL!" ginamit ko ang pinaka ma-otoridad kong boses. Ginagamit ko ang yun pagnaiinis na ako sa Frankenstein at pag may mga gulo sila na hindi mawari kung ano ang pinagtatalunan.

I let out my dark aura... Lahat ng mga lalaking nag susuntukan at nagkakagulo ay napahinto. Nasindak din yung mga tao sa paligid. Napigil ko yung suntok ng nasa gilid ko gamit ang kaliwang kamay. Hindi ko yun binitiwan sa halip ay mas diniinan ko ang hawak dun hanggang sa mapasigaw sya sa sakit at naririnig ko na din ang mga buto nya sa kamay na nag lalagutukan.

"AAAAAAHHH. TAMA NA! AAAAAAAH" binitiwan ko na lang yun ng mapaluhod sya at pinapalo na nya ang sahig habang lumuluha sa sakit. Naramdaman ko din na may humawak sa binti ko. Napatingin ako sa baba at nakita yung lalaki na nangingitim na yung mga labi nya dahil hindi na sya makahinga. Marahan kong tinanggal yung binti ko sa leeg nya kaya napaubo sya ng napaubo.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon